“P-PAANONG—” Hindi pa rin makapaniwala si Jenylyn sa nasaksihan ng kaniyang mga mata. Wala na sa kaniyang paningin sina Ferlyn at Gavin Roussel pero hindi pa rin niya magawang gumalaw sa kaniyang kinatatayuan. Daig pa niya ang itinulos doon sa pagkabigla. Kaya ba hindi man lang natitinag si Ferlyn sa mga patutsada niya kanina dahil totoong hindi na ito affected sa nangyari noon? Dahil sa bago nitong karelasyon? At isang Gavin Roussel? Paanong nangyari iyon? Humigpit ang kapit ni Jenylyn sa kaniyang push cart. “Paano niya nabingwit ang isang malaking isda na kagaya ni Gavin Roussel?” Pakiramdam ni Jenylyn ay mababaliw siya kaiisip tungkol sa bagay na iyon. Hindi maaaring mas masaya si Ferlyn kaysa sa kaniya. Lahat na lamang ng gusto niya ay napupunta rito. Pagdating sa buhay, sa lala