NAPAHAWAK sa hamba ng pintuan ng banyo si Ferlyn. Hilong-hilo ang pakiramdam niya nang umagang iyon. Nasa apartment siya at mag-isa lang. Kaya ngayong masama ang pakiramdam niya, mag-isa lang niya iyong iniinda. Naniniwala naman siya na magiging maayos din siya basta makapagpahinga siya nang maayos. Akmang hahakbang siya palabas ng banyo nang makaramdam naman siya ng animo pagbaliktad ng kaniyang sikmura. May pagmamadali na tumakbo siya palapit sa may toilet bowl at doon ay isinuka ang kinain niyang almusal kanina. Ano ba’ng nangyayari sa kaniya? Pati kinain niya sa umagang iyon ay naisuka pa niya lahat. Nang pakiramdam ni Ferlyn ay wala na siyang isusuka ay saka siya nagmumog at nag-toothbrush para hindi malasahan ang isinuka kanina. Ipinasya na rin niya na mahiga na muna at magpahin