GINANAP ang reception sa malawak na pavilion hall sa Club House ng UHB Leisure Club. Kung gaano kaganda ang ayos kanina ng UHB Chapel ay hindi naman patatalo sa napakagandang ayos ang loob ng pavilion hall. Animo walang tinipid na detalye sa reception. Kahit ang mga pagkain, walang masabi si Ferlyn sa sarap niyon. Traditional wedding ang sinunod na theme. Iyon nga lang, kakaiba ang ginawang setup ng pagbibigay ng regalo ng mga UHB Men sa mga bagong kasal. Sa malaking big LED screen sa may gilid sa unahan ng venue ay may amount in peso na nag-start sa zero. “So, bagong-bago ang ating way ng pagbibigay ng ayuda sa bagong kasal. First time in UHB Leisure Club history,” nakangisi pang wika ni Sergio na siyang tumatayong host ng mga sandaling iyon. “Gavin and Ferlyn, medyo biglaan talaga ito

