HINDI AGAD nakakilos sa kinatatayuan si Ferlyn dahil sa tumambad sa kaniyang mga mata. Totoo ba talaga ang nakikita niya? Unti-unting nanlabo ang kaniyang mga mata dahil sa realization na unti-uti ring nakaklaro sa isipan ni Ferlyn ng mga sandaling iyon. Ngayon, nakasuot siya ng kulay puti na gown. Na buong akala niya ay hanggang formal dress lang ang suot niya para sa event na dadaluhan. Pero nang makarating sila sa UHB Chapel, mukhang pinag-isipan talaga ni Paige Mori ang ganoong setup dahil ni hindi niya nahalata na may gagawin itong instant transformation sa kaniya sa mismong chapel. Para itong isang Fairy God Mother na tr-in-ansform ang inaanak nito. She’s now wearing a wedding gown. May veil pa sa ulo niya at may hawak din siyang bouquet na ngayon lamang niya napagtanto na isang

