Chapter 44

2031 Words

“SWEETIE…” Mula sa kinakaing dessert ay nag-angat ng tingin si Ferlyn kay Gavin. Nasa may Savannah’s Side sila nang gabing iyon. Katatapos lang nilang mag-dinner. Si Ferlyn naman ay inuubos lang ang dessert na kaniyang kinakain. “Hmmm?” tugon niya dahil may laman pang pagkain ang kaniyang bibig. “Gusto mo bang sumama bukas?” “Saan?” “May isasagawang tree planting activity ang UHB Leisure Club sa may Barangay Antipolo, sakop pa rin siya ng Pagbilao area. Gusto mo bang sumama? Sa amin kasi, mandatory siya dahil ‘yon ang utos ni Daizuke.” Tree planting? Gusto niyang subukan iyon. Kung aalis ito bukas, ayaw rin naman niyang maiwan doon. May ngiti sa labi na tumango siya bilang pagsang-ayon sa nais nito. “Sige. Gusto ko ring magtanim ng puno.” “We need to plant more trees to save mother

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD