NAUNANG nagising si Ferlyn nang hapong iyon. Ang guwapong mukha agad ni Gavin ang kaniyang nakita. Napakagandang tanawin din talaga ng kaguwapuhan nitong tinataglay. Gusto sana niyang paglandasin ang kaniyang kamay sa pisngi nito, pero baka magising naman ito mula sa pagkakatulog. Kanina, tamang duda pa siya sa kaniyang nobyo na baka kung ano pa ang gusto nito na gawin muna nila bago sila matulog. Lumikot na naman kasi ang kaniyang isipan dahil sa paghuhubad nito. Pero hindi nangyari ang kung ano mang kamunduhan na kaniyang naiisip. Dahil natulog lang talaga sila nito. Hindi ito nag-take advantage na naman sa sitwasyon. Mukhang wala itong balak na binyagan din nila ang lugar na iyon. O baka naman pinipigilan lang nito ang sarili? Napangiti siya sa kaniyang naisip. Nakayakap pa sa kaniy