TUMIIM ANG labi ni Ferlyn. How could this man show his face in her shop? Bumalik ang tingin niya kay Gavin na abala ngayon sa paghigop ng kape nito. Nang muli naman siyang mag-angat ng tingin ay nakatuon na sa kaniya ang tingin ni Jino Lee. Nagtama ang kanilang mga tingin. Ngayong nakaharap niya itong muli. Wala na siyang makapa pa sa kaniyang puso kung ‘di ang pagkamunghi rito. Wala na ang pagmamahal na noon ay dito niya lang naramdaman. Totoo nga na hindi lahat ng ex ay puwedeng balikan. Dahil si Jino Lee, ni hindi na niya makita pa ang kaniyang sarili o masikmura na muling babalik sa piling nito. Ang lalaking sinayang siya ng ganoon na lamang noon. Pinaniwala sa isang kasinungalingan. Pero hayon ang mga mata ni Jino Lee na kitang-kita ang lungkot habang nakatingin sa kaniya. Nanghi