KATATAPOS lang magpa-laboratory test ni Ferlyn sa isang ospital. Naghihintay na lang siya ng result na ipapabasa niya sa doktor na titingin muli sa kaniya. Isa kasi iyon sa procedure na kailangan niyang gawin para ma-check kung okay lang ba siya? Ihi at dugo ang kinuha sa kaniya kanina. Idederetso raw ang resulta niyon sa private office ng doktor na titingin sa kaniya kaya naghihintay siya sa labas ng opisina niyon. May nakahelera naman doong bangko kaya naman prente lang siya roong nakaupo. Hindi alam ni Gavin na pupunta siya ngayon sa isang ospital para magpa-check-up. Kinakabahan din kasi siya sa magiging resulta. “Miss Sosmeña?” tawag sa kaniya ng nurse na bahagyang lumabas sa pintong binuksan nito. Medyo itinaas ni Ferlyn ang kaniyang kamay. “Ako po ‘yon,” wika pa niya bago tumayo