Chapter 50

1013 Words

NAG-INAT ng mga kamay si Ferlyn habang hinahayon ang papunta sa kaniyang silid. Katatapos lang niyang mag-ayos ng mga gamit. Nakapaghapunan na rin siya. Ang gagawin na lamang niya ngayon ay ang magpahinga na. Pagkababa niya sa kaniyang mga kamay ay saka naman niya hinimas-himas ang kaniyang sinapupunan. Kaya naman pala madalas ay hindi niya alam kung ano ang gusto niyang kainin, iyon ay dahil sa pagiging maselan niya. Hindi lang iisang buhay ang dala-dala niya sa kaniyang sinapupunan ngayon kung ‘di tatlo. Sino ba ang hindi magiging masaya sa magandang balita na iyon? Akmang papasok na siya sa kaniyang silid nang makarinig ng doorbell. Dumako tuloy ang kaniyang tingin sa kinaroroonan ng main door ng kaniyang apartment. Wala naman siyang inaasahan sa oras na iyon. Mag-a-alas nuwebe na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD