Chapter 83

2249 Words

MARAHANG hinaplos ni Ferlyn ang buhok ni Gavin habang mataman itong pinagmamasdan. Tulog na tulog pa rin ito ng mga oras na iyon. Nahatid na rin niya sa school ang kanilang mga anak pero pag-uwi niya sa bahay ay naabutan pa rin niya na tulog si Gavin. Pangalawang araw na iyon na animo puyat na puyat ito. Kay lalim pa rin ng tulog kahit umaga na. Napabuntong-hininga si Ferlyn. “Sweetie… Gavin,” mayamaya ay masuyo rin niyang panggigising dito. Lalamig kasi lalo ang niluto niyang almusal nila. Gusto niya na sabay silang kakain nito. Wala namang kaso sa kaniya kung gustuhin ni Gavin na muling matulog mamaya pagkatapos nilang kumain at kapag nakapagpababa na ito ng kinain nila. Dahil bago pa lang ang baby na nasa kaniyang sinapupunan, kaya naman pinagbawalan muna siya nito na magtrabaho sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD