Chapter 84

2146 Words

MATAMANG pinagmasdan ni Ferlyn ang kaniyang bahay na naipundar sa islang iyon. Iyon ang araw na nakatakda silang lumipat sa beach mansion. Dahil lilipat na sila ng titirhan kaya naman may parte ni Ferlyn ang emosyonal ng mga sandaling iyon. Saksi ang bahay na iyon sa naging sakripisyo niya sa loob ng limang taon. At saksi rin ang bahay na iyon sa muling pagkabuo ng kaniyang pamilya. Para sa kaniya, napakarami niyang memories sa bahay na iyon. Dahil ayaw rin naman nila ni Gavin na maaabandona ang bahay na iyon, kaya ang pamilya na nina Mang Marcel at Inang Linda ang titira doon. Mga personal na gamit lang ang dala nila sa kanilang pag-alis. Ang mga gamit sa bahay ay iniwan na nila para may magagamit doon ang mag-anak. Yari sa pawid at kawayan ang bahay nina Mang Marcel, kaya sigurado siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD