“I’M REALLY sorry, Ferlyn.” “Isiah, hindi mo naman kasalanan,” ani Ferlyn sa kaniyang kaibigan na very apologetic ng mga sandaling iyon. Nakipagkita ito sa isang restaurant nang araw na iyon. Mamayang gabi ay flight na nito papuntang US. Pero anito ay hindi ito basta makaalis ng bansa hanggat hindi siya nakakausap tungkol sa ginawang pamamahiya sa kaniya sa mismong party nito. “Saka, totoo naman na hiwalay na kami ni Jino.” “Pero ‘yong totoong dahilan ng paghihiwalay ninyo, taliwas sa sinabi ni Jen.” Confirmed talaga na galing ang kumalat na balita kay Jenylyn. Hindi talaga ito masaya sa buhay nito hanggat hindi siya nakikitang lugmok sa kahihiyan. Malungkot siyang ngumiti. “Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko kay Jen para gaguhin niya ako? Pinatuloy ko siya sa bahay namin. Pinakai