NANG MAGING maayos na ang lipad ng private jet sa himpapawid ay kinalas ni Ferlyn ang suot na seat belt na nakakabit sa kaniya at lumapit kay Gavin para yakapin ito. Mukhang iisa lang ang balak nilang gawin dahil akmang magtatanggal din ito ng seat belt nang maunahan lang niya. At nang yakapin niya si Gavin ay hinapit naman siya nito paupo sa kandungan nito. Gumanti rin ito ng yakap sa kaniya. “I love you,” muli ay buong pagmamahal na ulit ni Gavin sa kaniya. Naluluha pa rin nang tingnan niya ito sa mukha. “You do?” “Hindi pa ba obvious?” Kumibot ang labi ni Ferlyn. Bahagya pa niyang kinagat ang ibabang-labi niya para lamang maiwasan ang mapahikbi. She’s too emotional. She can’t help it. May dinukot na panyo si Gavin sa bulsa ng suot nitong pantalon. Pagkuwan ay maingat na idinampi sa