Chapter 60

4507 Words

MARIING NAPAPIKIT si Gavin habang nakayukyok ang kaniyang ulo sa kaniyang mga tuhod. Parang pinipiga ang puso niya habang naririnig niya ang papalayong ugong ng bangkang de motor. Hindi niya inaasahan na makikita niya sa lugar na iyon si Ferlyn. Kaya nang marinig niya ang pamilyar nitong boses, buhat sa paghahanap ng mga kahoy sa loob ng isla na gagamitin sana niya sa binabalak na pag-bo-bonfire mamayang gabi sa tabing dagat, mabilis pa sa alas kuwatro na binitiwan niya ang mga hawak na kahoy at nagtatakbo sa kinaroroonan nito. Daig pa niya ang sinipa sa dibdib dahil sa malakas na pintig niyon nang makita si Ferlyn. Na totoong nasa harapan niya ito kanina. But just like that… they are parted for good. At hindi niya matanggap ang parte na iyon. Na tuluyan ng natuldukan ang nakaraan nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD