PINIGILAN ni Ferlyn ang maging emosyonal na naman nang gawaran ng masuyong halik ni Gavin ang kaniyang kamay kung saan naroon ang engagement ring niya. “Bukod sa mga naging meeting ko noong umalis ako rito sa isla,” ani Gavin kay Ferlyn. “Itong singsing ang pinakaimportante sa lahat ng sinadya ko sa Manila. Kaya matiyaga akong naghintay noon sa UHB Leisure Club, nagpalipas ng oras habang tumutulong sa restaurant ni Yuji Sakai. ‘Yong dinner meeting ko noon, ito talaga ‘yon. In-order ko pa ito. Nag-iisa lang ito sa buong mundo, sweetie. Gusto ko, ikaw lang lang ang may ganitong design.” Kaya naman pala hindi iyon basta simpleng diamond ring lang. May medyo malaking diyamante sa gitna ng singsing. At sa pinakagilid ng tigkabila ng malaking diyamante ay mayroong maliliit na diyamante na ang

