HINDI pala talaga ganoon kadali ang mga pinagdaraanan ng mga buntis. Napabuntong-hininga si Gavin. Pagkatapos kumain ng almusal at makapagpababa ng kinain ay nagpaalam sa kaniya si Ferlyn na gusto nitong matulog. Sino ba siya para sawayin ang kaniyang asawa? Ayon sa kaniyang nakalap na inpormasyon sa online, antukin ang mga buntis at napaka-sensitive rin sa mga bagay-bagay. Lalo na pagdating sa mga pagkain. May pagkain na talagang aayawan ng mga ito. May pagkain naman na kahit maya’t maya o araw-araw ay okay lang na kainin ng mga ito. Yes, sobrang weird nga talaga. Pero hindi iyon ang naiisip ngayon ni Gavin. Katulad ni Ferlyn, hindi rin niya maiwasan na hindi isipin kung paano ba ito noong unang pagbubuntis nito na wala siya sa tabi nito? Idagdag pa na tatlong baby ang nasa sinapupuna

