NAPATINGIN ang mga kaibigan ni Gavin sa may tabing dagat nang may tatlong bangkang de motor na huminto roon. “Boss!” kumaway pa kay Gavin ang mangingisda na isa-isang bumaba sa bangka. Mukhang may magandang huli ang mga iyon. “Sandali lang, ha?” paalam ni Gavin sa mga kaibigan bago iniwan sandali ang mga ito sa kubo. Nilapitan niya ang mga mangingisda. Pero dahil numero unong mga tsismoso talaga ang mga kaibigan niya kaya naman nagsisunuran pa sa kaniya ang mga ito at nakiusyuso rin sa mga ibinabang timba ng mga mangingisda sa may buhanginan.s “Wow!” namangha na bulalas ni Tres nang makita ang malalaking lobster na fresh na fresh na nahuli ng mga mangingisda. “Siguradong masarap ‘yan kapag naluto.” “Pinagbebenta ho ninyo?” tanong pa ni Ruin sa mangingisda. “Ibibigay ho namin kay Bos

