Chapter 35

2132 Words

NOONG nakaraang punta ni Ferlyn sa penthouse ni Gavin ay ni hindi niya iyon nalibot. Ngayong may chance siya ay iyon ang ginawa niya. Na-stock nga lang siya sa may pool area. Ang pinakagilid ng pool ay yari sa transparent na makapal na bubog. Kitang-kita rin ang view mula sa mga building na nagtataasan din sa karatig at sa hindi kalayuan. Napakaganda ng view. Para bang ang sarap uminom ng red wine habang nakalublob sa tubig at nanonood ng sunset kung saan doon nakapaharap ang pool area. “Wanna swim?” tanong pa ni Gavin kay Ferlyn nang lapitan siya nito sa may pool lounge chair. Naupo rin ito sa may likuran niya at mula roon ay yumakap pa ito sa may baywang niya bago ito sumandal sa sandalan ng upuan. At dahil nakayakap ito sa kaniya kaya naman medyo napahiga rin siya sa may dibdib nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD