BIGLA na namang naalala ni Ferlyn noong muli niyang makita si Gavin makalipas ang isang buwan sa hotel ding iyon. Na sa pagpasok nito sa main entrance ng hotel ay nagyukuan pa ang mga staff ng hotel bilang pagbibigay galang dito. At ngayon na kasama siya ni Gavin at muling masaksihan iyon, may kilabot na gumagapang sa bawat himaymay ng kaniyang katawan. As if she’s walking with a king beside her. Kung hindi lang siya maganda, mahihiya siyang tumabi sa lalaking kasama. O kaya, kung isa siyang hampas-lupa, baka lumayo na siya kay Gavin. Lalong nakaka-intimidate ang datingan ni Gavin. It shows how wealthy he is. At kung paanong irespeto ito ng mga empleyado nito. “Ganoon ba talaga ang mga staff mo rito sa hotel kapag dumarating ka?” hindi pa niya naiwasang itanong nang hayunin nila ang e