Chapter 66

2325 Words

DAHIL NAKA-LOCK ang rehas na gate kaya hindi magawang makapasok ni Gavin sa balkonahe. “Ang lakas din naman ng loob mo na pumunta rito,” hindi niya napigilang uyam kay Gavin. “Ferlyn, please. Bigyan mo ako ng pagkakataon na mag-usap tayo.” “Hindi ka pa ba nagsasawa? Kasi ako, sawang-sawa na, na bigyan ka ng pagkakataon, Gavin. Tapos anong mangyayari sa huli? Pagmumukhain mo akong tanga?” mariin at pigil ang galit na bulalas niya. “Talagang ipinangalandakan mo pa sa ihawan ang babae mo,” masama ang loob na wika niya. “Listen, please,” ani Gavin na humawak sa may rehas na gate. “Wala kaming relasyon ni Danna. Believe me. Tingin mo ba pupunta pa ako rito ng hating-gabi kung hindi importante sa akin ang reaksiyon mo? Hindi ako makatulog, Ferlyn. Dahil alam ko na iba ang iniisip mo. Hindi k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD