Chapter 24 "HOY, b***h. ALAM mo, 'yong tita ko, nag-talk tungkol sa company nila. 'Yong isang branch ng JW, need daw ng Filipino secretary 'yong boss because he's working on a new project which involves Filipino customers. Ayon, gusto yata ng boss nila na ito ang mag-adjust. Filipinos can speak English fluently, duh?" pagkukwento ni Natasha. Kapwa kami napatingin ni Hill sa kanya. Bigla naman kaming naintriga sa kanyang sinabi. "Saang country?" tanong ko at saka humigop ng sabaw. "Contracted ba?" pagpapatuloy ko pa. Kumain muna si Natasha at tumigil ng ilang sandali na para bang nag-iisip. Nanlaki ang kanyang mga mata sa tuwa na para bang may naalalang maganda. "Contracted. Six months. Guess kung saang country. Ang makakahula, may kiss sa akin." "Ew." Ngumiwi si Hill. Hinampas naman si