Chapter 27 "ITO PO pala 'yong debit card. Wala po akong kinuha r'yan, Sir." Inilapag ko ang debit card sa mesa ni Sir Javier. Katabi nito si Miss Wyette at kapwa kunot-noong nakatingin sa debit card na para bang naging rabbit iyon. Kinamot ko ang aking kilay. Mukhang gusto pa 'ata nilang i-magic ko ang debit card. Kinuha ni Miss Wyette ang debit card at tiningnan ito saglit pagkatapos ay lumipat ang tingin nito sa akin. Her eyebrows met and her face is so full of confusion. "Why? This is our gift for you," ani pa nito na tila ba ayaw makapaniwala na hindi ko 'yon ginamit. Napangiwi ako. Nakakahiya naman kasi. "Hindi po kasi ako sanay na gamitin ang perang hindi ko po pinaghirapan. Isa pa, that's too much of a gift po. Okay na po sa akin 'yong pinayagan niyo po akong maging exchange