Chapter 28 HINAWI KO ang makapal na kurtina na nakatakip sa bintana. It's snowing. Napangiti ako nang malawak at nagtitili ang aking kalooban. Ngayon lang ako nakaranas ng snow! Shocks! Kaya pala 'di masyadong malamig 'yong naramdaman ko kanina. Heater pala ang narinig ko na tumutunog, hindi aircon. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa mga nahuhulog na snow at napatingin sa baba. The crowd is busy. Nasa city kasi talaga ang hotel na tinutuluyan namin. Muli akong napatingin sa kalangitan. Gusto kong lumabas! Gusto kong mag-ski or ice skate if meron man! I want to enjoy Switzerland. Binalingan ko ng tingin si Jamie na ngayon ay nakahiga sa kama. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa kanyang pinapanood. Hubad ang kanyang pang-itaas na katawan. Hindi ba siya nilalamig o baka sinadya niyang a