Chapter 33 "HON, WAKE UP." Umungot ako no'ng may yumugyog sa akin. Kumunot ang aking noo at hinampas ang kamay na nakahawak sa aking balikat. Gusto ko pang matulog! Ano ba 'yan! Narinig kong humalakhak si Jamie sa aking tenga at hinalikan ako sa pisngi. Naramdaman kong muli siyang humiga at niyakap ako. Kumalma naman ako. I suddenly feel at peace. His hand is caressing my stomach. Napangiti na lang ako at muli sanang matutulog nang hinalikan ulit ako ni Jamie sa pisngi. "Honey, it's already ten in the morning. You need to eat." Kumunot ang aking noo. Ano raw? Alas-diyes na? Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan si Jamie sa aking tabi. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Kinurot niya ang aking ilong na ikinasimangot ko. Tinabig ko ang kanyang kamay kaya muli siyang napahalak