Chapter 34 "DO YOU WANT to go to Bärenland today?" Hinahaplos ni Jamie ang aking buhok. Nandito pa rin kami sa kama at antok na antok ang pakiramdam ko. Kakatapos lang namin kumain ng breakfast. Tumingin ako kay Jamie. "Ano 'yan?" I asked in a low voice. It sounds familiar. Saan kaya iyan? Sana malapit lang dito. Inaantok kasi talaga ako, eh, pero gusto kong gumala. "Sa gilid lang nitong hotel. It's a gummy candy shop." Nanlaki ang aking mga mata at mabilis akong napaupo sa kama na ikinatawa ni Jamie. s**t! Gusto kong kumain ng gano'n! Nauna na akong tumayo sa kama at hinila ang kamay ni Jamie. Mas lalo siyang natawa. "Hurry, Jamie!" Bumangon ang excitement sa aking puso. Biglang nawala ang aking antok na para bang nakarinig ako ng magic word. Shocks! Parati na lang sweets ang kina