QI

1895 Words
Chapter 18 "THANK YOU FOR bringing me here." I couldn't forget Jamie's words and the way he planted a kiss on my cheek. Although, alam kong parte lang 'yon sa pagpapanggap, still, his actions made my heart leap. Hanggang ngayon, laman pa rin ng aking utak ang kaganapang iyon. Napapikit ako nang mariin at tinampal ang aking noo. Hindi ako pwedeng magpadala sa kanyang mga salita at kilos na pawang pagpapanggap lamang. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nakauwi na kami and we had a lot of fun especially Jamie. Halata talaga ang saya sa kanyang mukha. Well, maganda naman talaga rito sa Bohol at may mga magagandang pasyalan din. Hindi nakakapagtakang tuwang-tuwa siya. Isa pa, I think this is his first time to experience a real vacation, 'yong tipong talagang gagala siya. "Ate, tawag ka ni Kuya Jamie." Uminom muna ako ng tubig at nilagay ang baso sa sink bago hinarap si Chin. I gave her a skeptical look. Bakit naman ako tinawag ni Jamie? Anong kailangan niya sa akin? "Nasaan si kuya mo?" Tinuro niya naman ang terrace. Hinugasan ko muna ang pinag-inuman ko bago nagtungo roon. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Nakita ko siyang nakaupo sa kawayang upuan habang nakatingala. Nakatingin siya sa mga bituin at nililipad ng preskong hangin ang kanyang buhok. Jamie looks so peaceful. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Bumuga ako ng hangin nang maramdaman ang pagtambol ng aking puso. Ayon nga sa Black Pink, I should kill this love before it kills me, too. Ipinilig ko ang aking ulo at pilit iniwaglit sa aking isipan ang puso kong kumakarera. I cleared my throat. Jamie turned to me. "Tinawag mo raw ako?" I asked him. Nanatili akong nakatayo. I don't know where to sit. Should I sit beside him? Pero baka magalit siya. Bwiset pa naman 'tong kumag na 'to. He tapped the space beside him. Hindi ko naitago ang aking gulat. Does he really want me to sit beside him? Eh, hindi nga niya ako gustong makasabay sa pagkain and then, this? Seryoso, tinubuan yata siya ng tatlong itlog. "Come here, Nat," wika niya nang mapansing nakatayo pa rin ako. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi. I made sure there's a space between us at kahit na gano'n, ramdam ko pa rin siya. I can still feel his warmth. Shocks. Iba na yata 'tong epekto ni Jamie sa akin potek. For a minute, walang nagsalita sa amin. Nanatili siyang nakatingala. Wala pa rin akong ideya kung bakit niya ako pinapunta rito. Ano, magrereklamo ba siya? Gusto niya na bang umuwi? Eh, 'di, umuwi siyang mag-isa! "Thank you." Natigilan ako at napakurap. Okay. That was. . . unexpected. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Why is he thanking me? Para namang nabasa niya ang nasa isip ko dahil ipinagpatuloy niya ang pagsasalita, "I realize, it's really good to explore some places. Because every time I go on business trips, I always stay in the hotel. Hindi ako lumalabas. I thought it's a waste of time, pero hindi pala," mahabang wika niya. Nanatili lang akong tahimik. Si Jamie ba talaga 'tong katabi ko? Parang ibang tao yata? Ngayon lang 'ata kami nagkaroon ng matinong pag-uusap. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko. "You should take time to rest, you know. Hindi lang naman kasi paghihilata ang definition ng 'rest'. Exploring places makes you see the wonders of the Creator's creation. Some also see it as a way to find themselves," I replied. Sa gilid ng aking mata, kita kong umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi. Mahina siyang napatango-tango. "You're right. Once I am free of this marriage, I'll find a woman to love and explore the world with her and our children." May namuo na bikig sa aking lalamunan nang marinig ang kanyang sinabi. My heart clenched in pain and tears threatened to swell in the corners of my eyes. Bumigat bigla ang aking dibdib kaya huminga ako nang malalim. Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi. Kita kong lumingon siya sa akin. Napapikit ako at hinanda ang aking sarili sa mga susunod niyang salita, mga salitang alam kong magdudulot na naman sa akin ng matinding sakit. "Nat, after six months, can we file an annulment?" And my heart crashed. I sighed. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang maramdaman ang panginginig nito. Kaya ba siya bumait sa akin ngayon upang hilingin ito? "If you're really not who I think you are, surely you will agree to my plan," he went on. So sa ganitong paraan niya mapapatunayan na hindi nga kayamanan nila ang habol ko? Kinurot ko ang aking braso, pilit inilipat ang sakit doon. Pinakawalan ko nang dahan-dahan ang hangin sa aking dibdib. Putangina. Pero mabuti nga 'yon, 'di ba? Kasi sa totoo lang, ako ang kawawa kapag nagtagal ito. "Ano naman ang grounds natin? Sasabihin ko na lang kaya na baog ka?" Tumaas ang kanyang kilay nang marinig ang aking sinabi. Umangat ang sulok ng kanyang mga labi and he threw a playful look at me. "Or I could also say that you're having an affair with Jester." Napairap ako. Hindi pa ba talaga siya titigil d'yan? "You clearly know that Jester and I are not committed to each other, Jamie," seryoso kong saad. Para namang naiintindihan niya ang sinabi ko dahil tumango-tango siya. Gusto kong isumbat sa kanya kung gaano niya ako nasaktan dahil lang sa assumption niya na 'yon. "Right. Let's say you're going crazy so you need to be put inside a mental facility for a year or so." Napahawak ako sa aking dibdib. Gago ba siya? At may balak pa siyang ikulong ako sa mental facility! Hinampas ko ang kanyang braso. "Bwiset ka! Kung ikaw kaya ganyanin ko? Mukhang ikaw ang dapat malagay sa mental facility, eh! May balak ka pang ikulong ako, ha. Bahala ka!" Napanguso ako. He chuckled na para bang naaaliw sa akin. Napasimangot naman ako. What? Anong akala niya? Nagbibiro ako? Eh, 'di pakyu siya! Siya talaga ang dapat ma-mental dahil sa kitid ng utak niya! "Let's talk about this soon kapag may naisip na tayong possible grounds. For now, let's eat. Nagluluto ng tinolang manok si Mama." He said 'mama' so naturally. Parang binalot ng init ang aking puso at nakalimutan ko ang aking inis para sa kanya. Talagang nakakasabay siya sa pamilya ko at gustong-gusto naman siya ng pamilya ko. Ang sarap pakinggan kapag sinasabi niyang 'mama'. Nauna na siyang tumayo at sinundan ko naman siya. Saktong-sakto rin dahil nang makapasok kami sa bahay ay narinig ko ang pagtawag ni mama sa amin. I could already smell the aroma of the tinolang manok, making my stomach growl in hunger. I licked my lips. Pupunta na sana kami sa kusina nang may kumatok. Kumunot ang aking noo. Sino naman kaya ang pupunta rito sa amin sa oras na 'to? "Ako na, Ate." Nagmamadaling tumayo si Chin at narinig kong binuksan niya ang pinto. Nang makabalik na siya, kumunot ang aking noo nang makitang may kasama siyang isang lalaki na may gray highlights ang buhok at nakasuot ng puting polo shirt at khaki shorts. Sino naman ito? Bakit pamilyar? Napatingin siya sa akin at kita ko ang paglawak ng kanyang ngiti. Kumikinang ang kanyang mga singkit na mata dahil sa tuwa. Kilala ba ako nito? "Si Kuya Trek." Ngumiti si Chin at nanlaki ang aking mga mata. Shocks! Si Trek pala! Ang kababata ko! Umusbong ang tuwa sa aking puso. Mabilis ko siyang nilapitan at sinundot, hindi makapaniwala na nandito na siya ngayon sa aking harap. Matagal din kaming hindi nagkita dahil lumipat sila sa Negros! Ayon, nawalan kami ng communication dahil mga bata pa kami no'n at 'di pa uso ang internet at Messenger. Dalawang buwan lang ang agwat namin. Agad niya akong kinulong sa isang mahigpit na yakap na ginantihan ko naman. Hinampas ko siya sa likod. "Ang tagal na rin, gago!" natatawang bati ko sa kanya. Bumitaw naman kami sa isa't isa. "Trek? Ikaw na ba 'yan? Jusko ang laki mo na!" sabi ni mama at lumapit sa amin. Ginulo niya naman ang buhok ni Trek. Nagmano naman si Trek kay mama. "Magandang gabi po, Tita. Nang marinig kong dumating din si Nat-nat, agad akong napatakbo rito, eh." Natawa naman kami sa kanyang sinabi. "Kakauwi mo lang din?" Tumango naman siya sa akin at kita kong lumampas ang kanyang tingin sa aming likod. Sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ko roon si Jamie na nakatitig nang malamig sa amin. His eyes turned dark at para bang galit siya. Nakapamulsa siya at lapat na lapat ang kanyang mga labi. Problema nito? Lumingon naman ako kay Trek bago nilapitan si Jamie. "Ah, Jamie, si Trek pala, kababata ko. Trek, ito si Jamie ang ano. . . asawa ko." Kita ko ang gulat sa mga mata ni Trek. Maya't maya pa ay napangiti siya pero may kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko mabasa. Inilahad niya ang kanyang palad kay Jamie. "Trek pala, Pare. Ang swerte mo kay Nat." May nahimigan ako sa boses ni Trek pero hindi ko 'yon medyo pinagtuunan ng pansin. Tinanggap naman ni Jamie ang kamay ni Trek. "Jamie, asawa ni Nat," he said, emphasizing the word 'asawa'. Bumitiw naman sila sa isa't isa. Napalunok ako nang makita ang kanilang mga titigan. Anong meron? "Sumabay ka sa amin sa hapunan, Trek! Madami itong niluto kong tinolang manok dahil mataba ang manok na niluto ko!" ani ni mama na halata ang galak sa boses. Nauna na siyang magtungo sa kusina at sumunod naman kami. Nagulat pa ako nang may bisig na yumapos sa aking bewang. Sumikdo ang aking puso sa ginawa ni Jamie at kiniliti ang aking tiyan. Napailing na lang ako. Again, I need to remind myself that this is just an act. Nanlaki ang aking mga mata nang ipinaghila ako ng upuan ni Jamie. Kaagad naman siyang umupo sa tabi ko. Okay, that was a first. Anong pumasok sa isip niya at pinaghila niya ako ng upuan? For show? Again? Umupo naman sa tapat namin si Trek katabi ni Chin. Nagsimula na kaming kumain at pinagsilbihan ko naman si Jamie. I put rice on his plate. Kita ko ang pagngiti niya. Nagtanim pa siya ng halik sa aking sentido. Muntik ko nang mabitawan ang serving spoon. Shocks! Pwede bang totohanin na lang ang lahat? "Ayon, oh," wika ni papa na paniguradong nakita ang ginawa ni Jamie. Kita ko ang ngisi sa kanyang mga labi. Natawa naman si Jamie at hinagod ang aking likod habang pabalik ako sa aking upuan. Bigla akong kinilabutan sa kanyang ginawa at nahigit ko ang aking hininga. "Ang swerte talaga, eh," naiiling na saad ni Trek habang nagsasandok ng kanin. "Eh, ikaw, Trek, may nahanap ka na ba sa Negros?" tanong ni mama habang kumakain. Napatingin naman kami kay Trek. "Meron na sana, tita, kaso. . ." he looked at me and smiled. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga labi, "kasal na, eh. May anak na nga. Dalawa." Napalunok ako lalo na nang makita ang emosyon sa kanyang mga mata. Nagbaba ako ng tingin. No'ng bata kami, alam ko kung kailan magsisinungaling si Trek at sa puntong ito, kampante ako na nagsisinungaling siya. Hindi ako gano'n kamanhid upang hindi makuha ang ibig niyang ipahiwatig. I let out a sigh. Ang babaeng tinutukoy niya ay walang iba kundi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD