QU

1815 Words
"SAAN TAYO NGAYON, Ate?" tanong sa akin ni Chin habang kumakain ng Dairy Milk. Nandito kami ngayon sa sala at ang tanging hinihintay namin ay sila mama na lang at papa. Si Jamie naman ay nakaupo sa tapat namin at nagce-cellphone. Binalingan ko si Chin at hinaplos ang kanyang mahaba at tuwid na buhok. "Sa Butterfly Garden. Tour natin si Kuya Jamie mo. Pagkatapos, magla-lunch tayo roon sa floating restaurant na unli foods." Bumakas ang galak sa kanyang mga mata nang marinig ang huli kong sinabi. Gusto niya kasi talaga roon, eh. Minsan, sa birthday niya, roon niya gusto mag-celebrate. "Nice!" komento niya at pinagkiskis pa ang mga palad. Natawa ako nang mahina at napatingin kay Jamie. Napalunok ako nang makitang nakatingin siya sa akin at may maliit na ngiti sa kanyang mga labi. "You two look so much alike." Nagkatinginan naman kami ni Chin. Marami nga ang nagsasabi na magkamukha kami. "Nah. Mas maganda si Ate, Kuya," saad ni Chin at kinain ang huling cube ng Dairy Milk. I flipped my hair. Kapag aangal si Jamie, kukurutin ko talaga siya sa singit. "I agree. Mas mahal ko rin." Parang naumid ang aking dila sa kanyang sinabi. Binundol ng kung anong emosyon ang aking dibdib. Nanlaki ang aking mga mata at napatingin sa kanya. Anong pinagsasabi niya r'yan? Pero halata namang acting na naman 'to! "Ayiee! Kilig naman si Ate! Sana all!" Natatawang sinundot pa ako ni Chin sa tagiliran na ikinairap ko. Wala akong kiliti r'yan! "Che! Manahimik ka nga! Gusto mo yata tawagin ko 'yong ex mong walang ngipin sa harap, eh," banta ko sa kanya pero mas lalo lang siyang natawa. Ewan ko ba kung anong nakita ni Chin doon. Gilagid siguro. "'Di ko 'yon ex, Ate! Fake news ka. Siya kaya 'yong mapilit. Lapit nang lapit sa akin kahit tinulak ko na papalayo," nakasimangot niyang ani na ikinatawa ko. Naks naman. Haba ng hair. "Sana all hinahabol, 'di ba?" tukso ko sa kanya. Napairap lang siya at bumaling kay Jamie. "Kuya, paano kayo nagkakilala nitong si Ate?" Nagkatinginan kami ni Jamie at alam kong pati siya ay hindi inaasahan ang tanong na iyon. Patay! Ano ang isasagot namin? I cleared my throat and dropped my gaze. A fake story came into my mind. "Papa niya ang boss ko noon. Then ayon, pinakilala kami sa isa't isa ta's doon nagsimula," I lied. Muli akong napatingin kay Jamie. He stared at Chin and nodded in approval. "Yep. After that, we started to date until we decided to get married," wika pa ni Jamie. Napatango-tango naman si Chin na ikinahinga ko nang maluwag. Buti bumenta. "Eh, kailan niyo naman po balak magkaanak?" Muli akong natigilan. Napawi ang aking ngiti sa mga labi. Ramdam kong napatingin si Jamie sa akin pero ayaw kong salubungin ang kanyang tingin. He doesn't want to have a child with me. Iyon parati ang sinasabi niya sa akin. Gumuhit ang kirot sa aking puso at agad ko naman iyong ipinagsawalang-bahala. Pinili kong sagutin na lang ang tanong ni Chin. "Kapag handa na kami, Chin. Ang dami mong tanong." I chuckled. Nakita ko siyang napasimangot. "Weh? Ano ba 'yan! Handa kayong magpakasal pero hindi kayo handang magkaanak?" tanong niya na tila ba 'di makapaniwala. Napangiwi ako. Ramdam ko pa rin ang mga titig ni Jamie sa akin na para bang nag-aabang sa kung ano man ang isasagot ko. Magsasalita na sana ako nang naunahan ako ni Jamie, "Hindi naman kasi lahat ng handang magpakasal, eh, handa na ring magkaanak. Ganyan ang situation namin ni ate mo. We just want to live together and make memories as a married couple for now." Jamie smiled. Nakahinga naman ako nang maluwag sa kanyang sinabi. Muling tumango-tango si Chin. "Sus. Excited pa naman sana ako na maging ninang at kumarga ng baby. Pero sige lang, take your time. Enjoy niyo muna life niyo, Kuya." Napangiti ako. Buti naman naiintindihan niya, pero sana naman huwag silang umasa na may mabubuo dahil alam kong imposible iyon. Napakaimposible. "KAPAG HINDI COLORFUL ang caterpillar, maganda siya 'pag naging butterfly na. Pero 'pag colorful, ibig sabihin niyan, pangit siya." Pinigilan ko na huwag matawa sa sinabi ng tourist guide namin dito sa Butterfly Garden. Medyo harsh. "Grabe ka naman, Sis!" ani pa ni mama at hinampas nang mahina ang braso ng tourist guide namin na si Kim. Humagikhik naman si Kim. "Nagsasabi lang ng totoo, Sis! Kita niyo 'to?" Tinuro ni Kim ang isang clear box na may caterpillar at stick. Kumunot ang aking noo nang makitang malapit na iyon maging pupa. "It's my first time seeing catharsis. Ang ganda," bulong ni Jamie sa aking tenga. Tumango lang ako. Kita kong itinutok niya ang kanyang cellphone roon. Kanina pa siya kuha nang kuha ng mga picture. Kaming lahat ay nakatutok lang sa caterpillar. Pati ang ibang mga turista ay lumapit dito at nag-video. Parang nagpapalit ng balat ang caterpillar. It slowly coated itself with another layer of skin at gumagalaw ito na parang uod habang ginagawa iyon. "Amazing," manghang ani ni Jamie sa aking tabi. Napatingin ako sa kanyang itsura at natigilan ako. May biloy na lumabas sa kanyang pisngi. Ngayon ko lang ito nakita. Maybe, because ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti na galing sa puso. Napalunok ako nang bumilis ang t***k ng puso ko habang pinapanood ang nakangiti niyang mukha. Halatang-halata ang pagkamangha sa kanyang mga mata at tila kumikinang pa ang mga ito. Shocks. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nahuhulog na ba ako kay Jamie? Pero bakit at paano? Nag-iwas ako ng tingin. Nawala sa catharsis ang aking atensyon. Natuon ang atensyon ko sa aking naramdaman. Hindi ko matanggap. Kailangan kong tigilan ito. Nahihibang na yata ako. Bakit ako makaramdam ng ganito? Biglang umusbong ang takot sa aking dibdib. Paano 'pag lumalalim itong nararamdaman ko para sa kanya? Shocks. Ayaw matanggap ng sistema ko na unti-unti na akong nahuhulog sa mga ipinapakita niya ngayong nasa Bohol kami. I should remind myself na for show lang ang lahat ng mga ipinapakita niya sa akin ngayon dahil kasama namin ang pamilya ko. Lahat, walang katotohanan. Hanggang sa paglipat namin sa susunod na view, lutang pa rin ako. Pinapakiramdaman ko si Jamie. Aliw na aliw siya habang kumukuha ng pictures na parang bata. Mariin akong napapikit. Shet naman, oh. "Ate, may butterfly sa ulo mo!" Napatingin ako kay Chin. Ano raw? I stayed still. Kita kong nakatutok sa akin ang cellphone ni Chin at mama. "Smile, Hon!" Jamie told me with a smile on his face. May kiliti akong naramdaman sa aking dibdib nang marinig ang itinawag niya sa akin. He called me 'hon'. Shocks. Tumingin ako kay Jamie at tinuro niya ang kanyang mga labi na para bang sinasabing ngumiti ako. And I did. I smiled wide. Mukhang natigilan pa siya. Kita kong napailing-iling siya bago itinuon ang atensyon sa kanyang cellphone. He clicked something on his phone and afterwards, he showed me an 'okay' sign. Napatingin ako kay mama no'ng lumapit siya sa akin. Nakangiti siya habang tinitingnan ang paru-paru na nakapatong sa gilid ng aking ulo. "Ang ganda ng butterfly," ani ni Jamie na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin. Nakatingin din siya sa butterfly. His gaze suddenly dropped at me. "Pero mas maganda ka." Nakatitig ang kanyang mga abuhing mata sa akin habang sinasabi iyon. My breathing hitched at parang may kung ano sa puso ko. I swallowed the lump in my throat. Tinukso naman kami ng aking pamilya habang ako ay napailing na lang, pilit ipagsawalang-bahala ang dumadagundong kong dibdib. Parang gusto nitong kumawala dahil sa lakas ng kabog nito. Putangina, Jamie, anong ginagawa mo sa akin? "ITO ANG PABORITO kong dessert," ani ni Chin at tinuro ang baked banana. Kumuha siya ng marami no'n. "Paano kaya 'to ginawa?" "Gusto mo gagawa tayo n'yan pagdating sa bahay?" Napatingin siya kay Jamie dahil do'n. Kumunot naman ang aking noo. Weh? Marunong siyang mag-bake? "You bake?" I asked him. Nagbaba naman siya ng tingin sa akin. He shrugged. Naningkit ang aking mga mata. "Ni pritong itlog nga hindi mo maluto nang maayos," saway ko sa kanya. Yep, Jamie got bad cooking skills. When I got sick, tanging canned goods at noodles lang ang niluto niya. The rest, puro order sa GrabFood. "Binuking mo naman ako, Hon," natatawang ani niya. Sumipa ang aking puso. There he goes with his endearment again. Again, this is just for show, pero pwede bang totohanin niya na lang? I like this version of Jamie better. Nakuha kong makipagbiruan sa kanya. "Wala, eh. Galing mo magyaya na gumawa ng ganyan ta's 'di ka naman marunong." Napanguso siya sa sinabi ko. Muntik na akong mapasinghap. Did he just pout? Sanay ako na puro kaseryosohan ang makikita ko sa kanyang mukha, but now? Shocks. Parang ayaw ko nang umuwi pabalik sa Cebu. Gusto ko ganito na lang siya parati. Naghagikhikan naman ang mga magulang ko sa aking sinabi. "Masyado kang bully sa asawa mo, 'Nak. Turuan mo na lang mag-bake." Oo, ta's tuturuan ko rin siya na mahalin ako. Napangiwi ako sa takbo ng aking isip. Okay, that was corny. "Oo nga. Kawawa talaga ako rito kay Nat, Ma. Parati akong binu-bully." Tumaas ang aking kilay. Baka baliktad? Siya kaya parati nagpapaiyak sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagkain. Patuloy pa sila sa pag-uusap pero pinili ko na lang na manahimik at kumain. Kung ganito parati si Jamie, ang saya siguro ng buhay ko. But I have to face the reality. Once we go back to Cebu, babalik din siya sa dati. Everything will be over. At masasaktan na naman ako. Nagpakawala ako ng buntonghininga at uminom ng iced tea. The foods here are really great especially the desserts. Kung pwede lang mag-breakfast, lunch, at dinner dito araw-araw. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam muna ako na magtungo sa isang gilid. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap at hindi pa sila tapos sa pagkain. I looked down. Sumalubong sa akin ang berdeng tubig ng lawa. Kanina pa umaandar ang restaurant. Actually, it's a floating restaurant. Literal na floating kasi umaandar ito, eh. Iikot ang bangka sa isang lake kaya marami kaming magagandang views na madadaanan. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-video. May mga ibang turista rin na inilabas ang kanilang cellphone upang makapag-picture sa mga tanawin. The boat stopped in front of people dancing Tinikling. Mga teenagers pa ang mga ito. Lahat ng mga turista ay napatingin. The music started and they danced gracefully. Umawang ang aking mga labi sa galing nila lalo na nang binilisan ang tempo ng kanta. They did it splendidly! Sobrang galing! Napapalakpak kaming lahat pagkatapos nilang sumayaw. Natigilan ako nang may mga braso na yumapos sa aking bewang. Nanlaki ang aking mga mata lalo na no'ng isinubsob ni Jamie ang kanyang mukha sa aking leeg. He, then, planted a kiss on my cheek. Mahina akong napasinghap. "Thank you for bringing me here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD