PAGKATAPOS NG GINAWA naming paglalaro sa apoy, mabilis niya akong itinulak kahit hindi pa ako tuluyang nakabawi ng lakas at muntik na akong mapaupo sa sahig. s**t. Playtime is over. Ganito naman parati. No cuddles.
Napatingin ako sa kanya. He took off his condom, wrapped it in a tissue, and threw it in the trash can under his table.
He changed his clothes as if nothing happened between us. Kinurot ang aking puso sa kanyang inakto. He really sees me as someone whom he releases his s****l arousal to. Parausan, sa madaling salita. Nanikip ang aking dibdib. Ipinilig ko ang aking ulo. Kailangan ko nang masanay.
I also changed back into my clothes. Tahimik lang kami at pilit kong iniwaglit sa aking isipan ang katotohanang parausan niya lang ako.
Nagpakawala ako ng hininga nang makaramdam ng pananakit sa aking puso. Bigla akong napatingin sa kalendaryo. I took the chance to tell him what's on my mind.
"Jamie."
Napatingin siya sa akin. He's tying his necktie at suot niya na ulit ang kanyang glasses. Nakatingin pa rin siya sa akin na para bang hinihintay akong magsalita. Napalunok ako.
"Sa holiday, can I go back to the province? Miss ko na kasi ang pamilya ko." Sana naman, pumayag siya. Hindi niya naman siguro ito ipagkait sa akin, 'di ba?
Matagal niya pa akong tinitigan bago tumango. Lihim akong nagbunyi at yayain sana siya na sumama sa akin nang bigla siyang magsalita,
"Fine, but I'll come with you." Natigilan ako sa narinig at muntik na akong mapasinghap. His words kept on ringing in my ears.
Did he really volunteer to come with me?
"NAY, ITO PO pala si Jamie, asawa ko." Kita kong nagningning ang kanilang mga mata nang makita si Jamie.
"Good afternoon po," bati ni Jamie at nagmano sa aking mga magulang. Napangiti ako sa kanyang ginawa. May manners naman pala.
"Nako, ang galang nitong asawa mo, 'Nak! Pogi pa!" Ngumiti nang malawak si mama. Muntik na akong mapangiwi.
Jamie chuckled. Si papa naman ay tahimik lang habang karga ang kanyang manok na tahimik lang din sa kanyang mga bisig. Ewan kung nasaan si Chin.
"May dinala po pala kami para sa inyo."
Napatingin ako sa kanya. May dala rin siya?
He went to the other side of the room and opened his luggage, revealing chocolates and two bottles of red wine. Kita kong nagningning ang mga mata nila nang makita ang pasalubong ni Jamie. What the f**k? Bakit 'di ko 'to alam?
"Nag-abala ka pa, Hijo. Maraming salamat sa pasalubong," nakangiting ani ni papa habang hinihimas ang kanyang alagang manok. "Inom tayo mamayang gabi," he added and winked. Natawa naman si Jamie. Papa doesn't drink alcohol, pero 'pag usapang wine, hindi 'yan tatanggi.
Pinuntahan ko naman si Jamie at tiningnan siya. "You don't have to do this, but thank you." I genuinely smiled at him. Natuwa ako sa isipang naisip niyang bigyan ng pasalubong ang pamilya ko. Hindi ko na nakita ang kanyang reaksyon dahil kaagad akong yumuko at sinara ang kanyang maleta. I pulled it up and looked at them.
"Lagay ko muna sa ref. Usap muna kayo r'yan." I looked at Jamie to see if he's okay with the idea. He just nodded. Pumalakpak naman si mama.
"Maupo ka muna, Hijo. Ano ba ang gusto mong kainin sa hapunan?" tanong ni mama kay Jamie habang patungo sila sa sofa. Hindi ko na narinig ang sinagot ni Jamie dahil kaagad akong nagtungo sa kusina habang hila ang kanyang maleta na may lamang tsokolate.
I placed the chocolates inside the ref at itinabi ko na rin ang wine sa mesa. When I'm done, I closed his luggage and got my bag. Dadalhin ko na sana ito sa itaas pero mabilis iyong nakuha ni Jamie na ikinagulat ko.
"Ako na. Lead me to your room," he said while gathering our bags. Napanguso ako sa kanyang sinabi at hindi na nagsalita. Iisipin ko na sana na acting lang 'to pero naalala ko, gentleman talaga siya pagdating sa mga ganito.
I began to walk upstairs. Rinig ko naman ang kanyang mga yabag na nakasunod sa akin.
"You have a huge house," komento niya. Pag-akyat kasi, makikita kaagad ang hallway. There are three rooms on each side at sa dulo ay may bintana kung saan pumapasok ang natural na liwanag.
"Yep, hard work. Thanks to your father for giving me the right amount of salary I deserve." Totoo naman kasi, eh. Sa totoo lang, wala talaga kaming second floor noon. Do'n lang ako nakapagpagawa no'ng nagtrabaho ako sa kompanya nila.
"You'll get more."
Bumuga ako ng hangin. Alam ko ang ibig niyang sabihin. It's all about that gold-digger thing again. Hindi ko na lang siya pinansin. Nakakapagod na kasing patulan ang pag-iisip niya.
Pumasok kami sa aking kwarto at napangiti ako nang makitang maayos pa rin ito kahit na pansamantala lang ang pamamalagi ko rito.
Jamie put the luggage on the side and laid on the bed. Malaki naman ang kama ko. Sakto lang para sa aming dalawa.
"I'm so damn tired." Ramdam ko ang pagod sa kanyang boses at alam kong hindi lang sa byahe namin siya napagod kundi pati na rin sa trabaho. I guess he really needs to take a break.
"Take this time to rest and have fun," ani ko sa kanya. "Tour ka namin bukas sa Butterfly Garden. Have you ever been here in Bohol?" Nakita kong umiling siya. Nagulat ako. Ironic. He has been to many international places pero hindi pa siya nakapunta rito. Nevermind, business-related naman kasi ang pagbyahe niya.
"It's nice here. The air is fresh," wika niya habang nakapikit pa rin. Rinig ko ang antok sa kanyang boses.
I looked at his feet. They're dangling at the edge of the bed at nakasuot pa siya ng medyas. Napangiwi ako. Ang init ta's magmemedyas siya.
"Sleep, Jamie." I walked towards the foot of the bed. Hinubad ko ang kanyang medyas at kita kong nagmulat pa siya ng mga mata upang tingnan ako bago bumalik sa pagpikit. I put his socks in the laundry basket and turned the aircon on before leaving him. Sinara ko ang pinto at saka bumaba.
Nakita ko sila mama at papa sa sofa. Kumunot ang kanilang noo nang makitang ako lang mag-isa ang bumaba.
"Nakatulog. Napagod sa trabaho at sa byahe." Tuluyan na akong bumaba.
"Napaaga yata kayo, 'Nak? 'Kala ko ba sa susunod na buwan pa kayo makakapunta rito?" tanong ni papa at hinimas ang katawan ng kanyang alagang manok.
Kumunot ang aking noo nang mapansing hindi ito ang manok na hawak niya kanina. Iba na naman ang kulay no'n. Ibang manok na naman ang hawak niya. Si papa talaga.
Hindi na lang ako nagkomento tungkol doon at umupo sa tabi ni mama. Kaagad niya namang ipinalibot ang braso sa akin at hinalikan ako sa ulo.
"Medyo maluwag na 'yong sched, pa, eh. Isa pa, holiday kaya walang trabaho," sagot ko at tiningnan ang pinapanood nila. Korean drama. Nanonood pala sila ng K-drama?
"Tingnan mo, 'Nak. Ganda ng palabas. Squid Game," ani ni papa habang nakangiti pa. Si mama naman ay tutok na tutok ang mga mata sa pinapanood.
"'Wag kang maingay. 'Yang manok mo ang gagamitin natin para sa hapunan mamaya. Gusto ni Jamie ng tinola." Hindi pa rin nilulubayan ni mama ng tingin ang T.V. Humagikhik naman si papa.
"Iyong mataba ang lutuin mo."
Kumunot ang aking noo. Talaga bang pumayag si papa na lutuin ang manok niya? Wow. Si Jamie lang pala ang makapagpayag sa kanya.
"Si Chin, ma, nasaan pala?" tanong ko pa nang mapansing wala talaga ang kapatid ko. Saan naman kaya ang batang iyon?
"Nasa bahay ng kaklase niya, gumagawa ng group project. Pinapagawa raw sila ng miniature house." Tumango-tango na lang ako at hindi na muling nagsalita pa.
Umalis muna ako sa pagkakayakap kay mama. Nagtataka niya akong tiningnan. "Saan ka pupunta?"
I pointed upstairs. Tumango naman si mama sa akin.
"Huwag maingay, 'Nak, ha. Alam mo namang hindi soundproof itong mga pader natin," ani niya at naghagikhikan sila ni papa. Namula ang aking mga pisngi. Ano ba 'yang pinagsasabi ni mama!
"Pero okay lang. Maiintindihan naman namin, 'Nak. Basta gusto ko, lalaking apo, ha," wika naman ni papa na ikinalaki ng aking mga mata.
"Ma, pa, ano ba kayo!" Mas lalo silang naghagikhikan.
Napailing na lang ako at pumunta sa itaas. Ang mga magulang ko talaga. Ewan ko sa kanila. If they only knew. Hindi naman talaga ako maingay because Jamie won't let me make any noise. Naririndi raw siya.
Pinikit ko ang aking mga mata. The familiar pain crept into my heart. Napalunok ako at bumuga ng hangin. 'Di pa ba ako sanay? Leche naman.
Ipinilig ko ang aking ulo at pumasok sa aking kwarto. Sinalubong ako ng lamig.
Napatingin ako sa pigura ni Jamie. He's lying on his side. Naglandas ang aking mga mata sa kanyang braso. Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa kanyang mga bisig? I don't know. He never hugs me when we sleep. He doesn't want to cuddle.
I sighed and sat on the bed. Napatingin ako sa payapa niyang mukha. Nakaawang nang bahagya ang kanyang mga labi.
My hands went to his hair and I gently caressed it. Napangiti ako. His hair feels so soft. I suddenly have the urge to trace his features using my index finger. Bago ko pa magawa iyon ay mabilis ko nang binawi ang aking kamay sa kanyang buhok.
Muli akong napatingin sa kanyang payapang mukha. Suddenly, my heart went crazy. Napalunok ako habang pinapakiramdaman ang aking puso. Sobrang bilis ng t***k nito at ang hirap huminga.
I shook my head and averted my gaze.
Hindi maari. Hindi ako dapat mahulog sa kanya.