Chapter 14
IT'S BEEN TWO days since that thing happened at sa loob ng dalawang araw na iyon, talagang hindi kami nag-iimikan. Buti na lang, siya na ang nagluluto at dadalhan pa ako ng pagkain. Hindi niya nga lang ako kinakausap. Ako rin naman, 'no! Bakit ko kakausapin ang gagong 'yon?
Simula no'ng mangyari iyon, we don't talk that much. Kakausapin niya lang ako para sabihing may pagkain na or what. Pansin ko nga na medyo dumidistansya siya which is a good thing, actually.
I smiled at Miss Flor, the new secretary. Kakagaling ko lang sa banyo upang mag-retouch. Sa pagkakarinig ko, kahapon pa siya nag-start but she already showed excellent performance skills. Ngayon lang ako nakabalik sa trabaho dahil okay na ako at medyo nakakalakad na.
"Good morning, Miss Flor," I greeted. Sinuklian niya naman ang aking ngiti.
"Good morning, Mrs. Mendoza," she greeted back at bahagya pang tumango.
"Salamat po pala sa pagsalo ng responsibility ko bilang P.A. I got sick, so I have to rest. Pwede ko po bang makuha ang appointments ni Jamie?"
May galak sa kanyang mga mata at mabilis siyang kumilos upang kunin ang kanyang note pad. She tore a piece and gave it to me. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya bago tumalikod.
Mabilis naman akong pumasok sa opisina at nadatnan ko si Jamie na nakaharap sa kanyang laptop. Nagkatinginan pa kami pero agad siyang umiwas ng tingin. Muntik na akong mapangisi. What? Pahiya siya, 'no? Ayan kasi, parating nag-a-assume. Sana naman magtino na siya.
Pumunta na ako sa aking desk at saka umupo. I transferred his appointments to my notebook na naglalaman ng mga appointments ni Jamie. Natigilan pa ako nang mabasa ang appointment tungkol sa bidding ng construction firms. Kung sinong company ang may highest bidding ay siyang magiging investor namin.
Nang matapos na ako sa pagsusulat, nag-angat ako ng tingin upang tingnan si Jamie. Much to my surprise, he's also looking at me. Again, kagaya ng kanina, mabilis siyang nagbawi ng tingin.
He cleared his throat and punched some keys on his laptop. Hindi ko na lang pinansin. Bahala siyang kainin ng konsensya niya r'yan.
Tumayo ako bitbit ang appointments niya. Nilapag ko iyon sa kanyang table at walang salitang bumalik sa pwesto ko. Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong kinuha niya iyon at binasa. Wala akong naiintindihan sa pinanggagawa ko sa laptop ko. Sa kanya nakatuon ang atensyon ko.
He, again, took a look at me before reading his appointments again. Nakita kong nagbukas-sara ang kanyang bibig. Tumaas ang aking kilay. Ano na naman kaya ang sasabihin ng gago?
"Come with me. Lunch meeting." Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siya na nakatayo sa aking harap. He placed the notebook on my desk bago tumalikod.
Kumunot ang aking noo. Hindi niya yata ako tinawag upang ako na sana ang kumuha no'n sa desk niya? Anong nakain ng yawa?
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa ginawa kong report. Napatampal ako sa aking noo nang ma-realize na tanging appointments lang ang responsibility ko rito. Sa secretary na pala ang trabahong ito. Hindi ako nasanay.
Napanguso ako. Ang pangit sa pakiramdam na parang wala akong ginagawa. What should I do, then? Para lang akong tangang nakatitig dito sa laptop ko. He hired me as his personal assistant to guide him sa mga galawan dito sa kompanya but looks like he doesn't need my guidance in the very first place.
Bumuga ako ng hangin. Sana hindi niya na lang ako ginawang P.A niya. Anong gagawin ko ngayon? Magmumukmok? Titingin sa kawalan na parang amaw?
Napatingin ako sa kanya. Wala ba siyang iuutos? Ayaw ko man gawin, pero naglakad ako papalapit sa kanyang mesa. I cleared my throat.
"May ipapautos ka ba?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kita kong natigilan pa siya nang makita akong nakatayo sa kanyang harap. Matagal niya pa akong tinitigan. Nilabanan ko naman ang kanyang titig. Ano?
Sa huli, siya ang nagbaba ng tingin. Tumingin siya sa gawi patungo sa kanyang kwarto rito sa opisina. May kwarto kasi siya rito. In case na hindi siya makakauwi or gagabihin siya sa daan. Si Sir Javier ang nagpagawa nito, actually, nang may mga pagkakataon na nakatulog siya rito sa opisina. He was handling a big project that time.
"Just rest, Nat," he stated and went back to typing again. Kumunot ang aking noo at 'di makapaniwala ko siyang tiningnan. He wants me to rest? But I've been resting for two days already!
Nanatili akong nakatayo sa kanyang harap. Muli niya akong tiningnan na para bang nagtataka kung ano pa ang ginagawa ko sa kanyang harap.
"Rest. That's an order," muli niyang wika. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ang pamimigat ng aking mga talukap. Maybe, I really need some rest.
Hindi na ako muling nagsalita pa at tinungo ang maliit na kwarto. Hindi ko alam kung anong espiritu ang pumasok kay Jamie ngayon at pinapahinga niya ako. Mabuti naman.
I took off my sandals and blazer. Itinabi ko muna ito sa isang gilid bago pinaandar ang aircon at sumampa sa kama. Ngayon lang ako nakahiga rito and I didn't expect that the mattress would feel so soft. Kaamoy ni Jamie ang unan.
I went under the comforter and closed my eyes. With Jamie's scent filling my nose, my consciousness is slowly eating me whole.
NAGMULAT AKO NG mga mata nang may nagtanim ng mga magagaan na halik sa aking panga. Kumunot ang aking noo. Inaantok pa ako!
Naamoy ko ang pabango ng lalaking nakadagan sa akin. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang mapagtantong si Jamie iyon. Well, sino pa nga ba? Wala namang iba kundi siya lang. I grunted.
"Wake up, Nat. We're going to have a lunch meeting in twenty minutes," iyon lang ang sinabi niya at nagtanim muna ng magaan na halik sa aking mga labi bago ko narinig ang pagbukas-sara ng pinto.
Nagmulat ako ng mga mata. Does he really have to wake me up by showering kisses on my jaw and lips? What was that?
He's really weird.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama at inayos muna iyon. Pinatay ko na rin ang aircon at nagtungo muna sa salamin. I made sure I look presentable enough before going outside.
Agad kong nadatnan si Jamie na inayos ang kanyang necktie. Nakaharap siya sa salamin at salubong ang kanyang kilay. Kunot ang kanyang noo habang inaayos ang necktie niya na para bang nahihirapan.
"Damn it. I can't untangle it," he grunted and tugged his necktie as if that move would make his necktie loose. Napabuntonghininga ako at lumapit sa kanya. I held his shoulders and made him face me.
Kita ko ang pagtingin niya sa akin pero nasa necktie ko tinuon ang aking atensyon. Kumunot ang aking noo. Bakit naman kaya ito nagkabuhol-buhol? Paano niya ba ito itinali? Marunong naman siyang magsuot ng necktie, ah. Dahil ba sa pagmamadali?
Ipinilig ko na lang ang aking ulo. Ramdam ko pa rin ang kanyang mga titig sa akin habang inayos ko ang kanyang necktie. Ako na rin ang nagtali. Baka masira niya na naman. Masyado pa namang mahigpit ang pagkakabuhol-buhol.
Lalayo na sana ako nang biglang may kumatok sa opisina at pumasok si Jester. Hinapit ako ni Jamie sa bewang. He pulled me closer to him na ikinasinghap ko.
"Nat," saad ni Jester. May bitbit siyang paper bag. He put it on my desk at kita ko pang napangisi siya nang makita ang posisyon namin ni Jamie.
Si Jamie naman ay hindi nagsalita. Tinulak ko siya pero hindi niya ako hinayaan. Hindi na lang ako nagpumilit pa na kumawala at kinausap si Jester. What? Don't tell me he's thinking na may namagitan pa rin sa amin? Pinakita ko na sa kanya na inosente si Jester.
"Ano 'yan, Jester?" Bumaba ang aking tingin sa paper bag bago siya muling binalingan ng tingin.
"It's your cardigan. 'Yong naiwan mo sa bahay nang muntik na tayong matumba. I held your waist to prevent us from falling and your cardigan slipped. 'Di mo 'ata namalayan," mahabang lintaya niya at tumingin saglit kay Jamie. Ramdam ko ang pagpisil ni Jamie sa bewang ko na ikinatalon ko. Binaha ng kung ano ang aking dibdib na ikinalunok ko nang sunod-sunod.
"T-Thank you, Jester," pagpasalamat ko at nagpaalam naman si Jester.
Hanggang sa makaalis si Jester ay hindi pa rin ako binibitawan ni Jamie, and as seconds passed by, I found it harder to breathe. I looked at him at kita kong nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko siya mabasa.
"Jamie." I pushed him gently pero hindi siya natinag. Parang wala siyang narinig. Instead, mas lalo niya pa akong hinapit papalapit kaya napatukod ang aking mga palad sa kanyang malapad na dibdib. Kumawala ang singhap sa aking mga labi. Anong ginagawa niya?
Before I could ask him, he angled my face and captured my lips with his.