Chapter 5
I TOUCHED MY lips, still feeling Sir Jamie's lips on them. No'ng nakaraang araw pa 'yon pero ramdam na ramdam ko pa rin. Ang lambot ng mga labi niya. Pinapabilis nito ang pagtahip ng puso ko at para akong dinadala sa langit. And why am I thinking this way sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang bwisetin ako?
Mabilis akong napailing-iling nang maglakbay na naman ang aking isip. After the kiss, Sir Jamie just turned his back and went outside. Hindi na kami nagkausap simula no'ng nangyari 'yon. Madalang na lang.
Bumuga ako ng hangin at pilit siyang inalis sa aking isip. Nagpatuloy ako sa pagtitipa sa keyboard. I'm doing the presentation that Sir Jamie needs to present tomorrow. It's about another project. Magpapatayo kasi ng bagong branch ang JW Condo Hotel sa Batangas.
I've been working in this company for a year already at sa loob ng isang taon, I can say na marami na akong na-achieve. Sir Javier liked how efficient and responsible I am when it comes to work. As a reward, isa ako sa mga nabigyan ng condominium.
Balak ko nga sanang palipatin ang pamilya ko na nasa probinsya kaso, ayaw nila. Ayaw iwanan ng mga magulang ko ang bahay. Pamana kasi iyon ng lola ko sa amin at uuwi ako sa bahay kung may birthday or holiday. Busy kasi rito sa opisina, eh.
Inayos ko ang suot kong glasses at kinuha ang aking panali sa buhok. The air is cold but I'm getting tired of tucking my loose hair strands behind my ear.
"Let me."
Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa aking gilid. Gulat kong nilingon si Sir Jamie na ngayon ay nakatayo sa bandang likuran ko. He's staring down at me at walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha.
Napatingin ako sa kanyang mga labi at muling ibinalik ang aking tingin sa kanyang mga mata. I gulped. Tumambol ang aking dibdib habang nakatingin sa kanyang mga abuhing mata na tila hinihipnotoso ako.
Napatalon ako sa aking kinauupuan nang mahawakan niya ang kamay kong may hawak na panali. He grabbed the hair tie from my hand and tied my hair. Ramdam kong natigilan pa siya ng ilang segundo nang maitaas niya na ang aking buhok. Talagang hindi siya gumalaw. Para siyang napako sa kinatatayuan. My forehead knotted. Bakit kaya? Anong meron? Bakit siya natigilan?
Lilingunin ko na sana siya no'ng mabilis niyang itinapos ang pagtatali. Kaagad siyang umalis sa likuran ko. Narinig ko pa ang marahas na pagbuga niya ng hininga.
"Finish your work immediately. I need it tomorrow. Also, prepare yourself. We will be meeting Mr. Santos later."
Kumunot ang aking noo. Mr. Santos? The CEO of the construction company na ka-partner ng JW Corp. para sa Batangas project? Sa pagkakaalala ko, hindi 'yan naka-sched.
"Sir, wala po 'yan sa appointments niyo sa araw na 'to. Rush po ba?" Tumango siya nang hindi tumingin sa akin at pumasok sa banyo. Napanguso ako. May saltik 'ata si Sir Jamie.
Tinapos ko na lang ang ginawa kong presentation pagkatapos ay kinontact ang head ng HR Department para kamustahin ang proseso ng paghahanap ng applicants.
"Hello, Miss Divine?" I spoke to the head of the HR Department. I heard a manly laugh on the other line. Nagkasalubong ang aking kilay at napailing.
"Hill, ano na namang kalokohan ang pinanggagawa mo sa opisina ni miss?" nakangiti kong ani. Ang kulit talaga ng gago. Parati kasi itong pumupunta sa opisina ni Miss Divine upang maghanap ng chicks na applicant. Ito namang si Miss Divine, suportadong-suportado kay Hill.
"Regarding sa sinabi mo, nag-post na kami sa page at ibang platforms natin. Wala pa ngang isang oras, ang dami nang nagpakitang interesado sila. The interview will be conducted tomorrow," Hill informed me. Nakita kong lumabas na si Sir Jamie mula sa banyo at nagkasalubong saglit ang aming mga mata.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumikhim. "That's great, Hill. Ang bilis niyo talagang mag-respond." I chuckled lightly. Narinig ko rin ang pagtawa ni Hill sa kabilang linya.
"Well, daig pa namin si The Flash, 'no?"
Napahagikhik ako sa kanyang sinabi. Ewan talaga nitong si Hill.
"Puro ka talaga kaloko—Ay bwiset!" Napatalon ako sa aking kinauupuan nang may narinig akong kumalabog. My eyes widened out of shock.
Napatingin ako sa gawi ni Sir Jamie na igting ang panga habang nakatingin sa akin. Dumako ang aking tingin sa mga makakapal na papeles na nasa kanyang mesa. Pabagsak niyang inilagay ang mga iyon sa mesa kaya kumalabog.
Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Napalunok ako habang nakatingin sa mga nag-aapoy niyang mga mata. What is it this time? Ano na naman ang ikinagalit niya?
"Hello? Nathalie? Anong nangyari r'yan? Ano 'yong kumalabog?" I heard Hill's voice on the other line. Napakurap ako dahil do'n. Saka ko lang naalala na kausap ko nga pala si Hill.
Nanatili pa ring nakatitig si Sir Jamie sa akin na ikinatahip ng aking dibdib. Humigpit ang aking hawak sa telephone. Parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.
"L-L-Let's talk later, H-H-Hill." Mabilis kong ibinaba ang telephone no'ng nakitang naglakad na papalapit si Sir Jamie sa akin. Biglang umusbong ang takot sa aking puso. Bakit ba parang galit na galit siya sa akin? May saltik 'ata 'to sa utak, eh! Wala naman akong ginawang masama!
Napaurong ako no'ng itinukod niya ang magkabilang kamay sa aking mesa at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Napaatras ako sa kanyang ginawa at napahawak sa armrest ng swivel chair ko. Luh, gago! Anong gagawin niya sa akin?
I gulped when he stared down at me. "Next time, don't flirt inside my f*****g office, okay?" mariing sabi nito na ikinakunot ng aking noo. Anong flirt-flirt ang pinagsasabi nito? Bangag ba siya?
"I was just talking to Hill to know how the hiring process was going—"
"But you were laughing with him! You were smiling the whole damn time!"
"And what's wrong with that? He's my friend, Jamie! My goodness! Natural makikipagtawanan at makikipagkulitan ako sa kanya!" Hindi ko na namalayang napatayo na pala ako sa aking kinauupuan. Para naman siyang natigilan sa sinabi ko.
I got frozen from where I stood when I realized what I just did. Shocks! I freaking argued with my boss! Another thing? I called him by his first name! Shocks, 'di pa naman ako mafa-fire nito, 'di ba? Isa pa, I just defended myself because he was being irrational as hell!
Biglang nag-init ang aking mga pisngi sa kahihiyan. "S-Sorry, Sir," I managed to say. Nag-iwas ako ng tingin.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano niya ipinadaan ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok. He breathed out a harsh sigh.
"Do you really want to know what's wrong?" Nag-angat ako ng tingin. His jaw clenched and unclenched. Para bang nagdadalawang-isip siya sa sasabihin.
He suddenly cupped my left cheek and held it in a gentle manner. Napapitlag ako nang maramdaman ang init ng kanyang palad. He dropped his hand and closed his eyes. He shook his head and opened his eyes harshly. Tila'y litong-lito na siya sa mga iniisip. All the time, pinapanood ko lang siya, nagtataka kung ano ang nangyayari sa kanya. What's really wrong?
"I don't want to share my wife with someone else, okay?" mariing wika niya sa akin. Napalunok ako habang nakikipagtitigan sa kanyang mga abuhing mata. They remind me of the sunless skies and when clouds turn grey. Calming, yet, sometimes, terrifying. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya at napatango ako.
My gaze dropped on his lips when he smirked. "Good. And by the way, I like it when you call me by my first name," he stated before going back to his table.
So he wants to be called 'Jamie', then? Hah! Asa siya.
LAMAN PA RIN sa isip ko ang nangyari kanina. He told me he doesn't want to share his wife with other people. But I'm not his wife? As far as I remember, invalid ang kasal namin. At bakit naman ako tumango sa sinabi niya? Shocks! Ano na bang nangyayari sa akin?
Sinara ko ang aking laptop nang makita ang oras. May pupuntahan pa pala kaming meeting. We will be meeting Mr. Santos at Gerry's Grill. I prepared my notes and put it inside my sling bag.
Dumako ang aking tingin kay Sir Jamie na ngayon ay inaayos ang kanyang necktie bago tumayo at dire-diretsong lumabas. Napanguso ako. Hindi man lang niya ako hinintay.
Habang naglalakad, pasimple muna akong nag-retouch. Nakita ko siyang nag-aabang sa tapat ng elevator. Ayaw kong isipin na hinihintay niya ako pero parang gano'n na nga. Pero dapat lang naman, 'di ba? I'm his personal assistant.
Nahigit ko ang aking hininga pagkapasok namin sa elevator. Bigla kong naalala ang pangyayari no'ng pangalawa naming pagkikita. Shocks! We made out! Right here in the freaking elevator!
Biglang napunta ang aking tingin kay Sir Jamie at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatitig siya sa akin.
My heart skipped a bit. Para bang parehas kami ng iniisip.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napalunok. s**t naman. Bakit ba kasi nasa tuktok ang office ni sir at nasa pinakaibaba ang basement? Tangina, matagal-tagal pa kami makababa.
Wala kaming imikan. Pilit kong iniiwasan ang kanyang mga titig at tumingin-tingin sa kisame ng elevator kahit wala namang katuwa-tuwa roon. Ramdam ko na rin ang pamamawis ng aking palad, lihim na ipinalangin na sana'y makarating na kami sa basement. s**t naman Bakit ba kasi ang tagal naming makarating?
I breathed out a huge sigh of relief when the elevator finally stopped. Nasu-suffocate ako sa loob! Jusko po!
Napatigil ako sa paghakbang palabas no'ng hinarang ni Sir Jamie ang kanyang sarili sa entrance ng elevator. Kumabog nang malakas ang aking dibdib lalo na no'ng nakita ang mapaglarong ngisi na nakaukit sa kanyang mga labi.
Kita ko ang paggawi ng tingin niya sa CCTV camera bago muling bumaling sa akin.
"I'll ask the maintenance officers to remove the camera so I can f**k you in this elevator every time I want."
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi at natuod ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisip ko siyang tanungin tungkol sa kanyang sinabi,
"Why do you want to remove the CCTV camera so bad? A-A-Are you doing this for. . . me?" Nagbaba ako ng tingin. Ayaw niya bang mapag-usapan ako sa ibang empleyado kaya gano'n?
He let out a humorless laugh which made me look at him. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na may halong disgusto. Napakurap ako nang makaramdam ng sakit sa puso ko at parang nilukot ang aking tiyan.
He looked at me straight in the eyes as the side of his lips curled upwards. "For you? Don't flatter yourself, lady. I'm doing this for myself. I don't want my employees to see me f**k a hoe."
And just like that, Jamie Wren managed to break my heart into pieces.