Chapter 6
BA'T ANG GULO niya? May mga pagkakataon na okay siya, ta's parating hindi. Ganito ba talaga si Sir Jamie? Bipolar? Nakaka-frustrate!
Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. So he thinks I'm a hoe, huh? Bahala siya kung ano ang isipin niya! Bwiset! Talagang nakaka-stress!
Padabog kong sinara ang pinto ng kanyang kotse nang makapasok na kami sa kanyang sasakyan. Sa gilid ng aking mata, nakita ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Manigas siya r'yan! Jusko! Ako? Hoe? Hah!
"Why are you so damn angry? Does the truth really make people mad?" ani niya pa at pinaandar ang makina ng sasakyan.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang ikalma ang aking sarili. I need to calm the f**k down. Nanginginig pa rin ang aking kaloob-looban sa galit. Damn him.
He threw a sideway glance at me. Nakita kong bumuka ulit ang kanyang mga labi upang magsalita. Probably, another insult. Bago niya pa ako mainsulto ay inunahan ko na siya,
"I'm not a hoe, Sir. Please lang. You don't know me. Kung 'di mo ako marespeto bilang babae, please, respetuhin mo na lang ako bilang isang tao," I said in a low voice. Parang piniga ang puso ko. Do I really have to beg for respect? God, this is so not me. People shouldn't beg for respect. Kusa iyong binibigay. Sadyang gago lang talaga itong si Sir Jamie.
"Oh, really? Because the way you responded to my touch when we were in the elevator made me think that you are one," wika pa nito na may halong kayabangan.
Nagkasalubong ang aking mga kilay. Parang pumutok lahat ng ugat ko sa utak nang marinig ang sinabi niya. Why do people think like this? And I pushed him that time kasi alam kong maling-mali! Siya itong hoe. Bullshit!
"Ah, so dahil lang do'n, kaya nile-label mo na akong gano'n? Kaya 'di mo na ako nirerespeto? Sir, hindi sa mismong ari ko ang basehan kung irerespeto mo ba ako o hindi kundi, nasa pagkatao ko at kung paano ko kayo tratuhin. Gano'n lang 'yon. Simple as f**k. Kayong mga tao lang talaga ang may toxic mindset," mahabang lintaya ko. 'Di ko na mapigilan ang pagbuhos ng mga emosyon. Talagang nakaka-s**t lang!
Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa galit at inis. Shocks! 'Di ko keri 'yong pag-iisip niya. Ano, talaga bang sa p**e ang basehan kung irerespeto mo ang isang babae o hindi? Putanginang 'yan!
Ang mindset kasi ng karamihan, kapag easy to get, okay nang bastusin. Okay lang na hindi respetuhin when it shouldn't be like that. Kapag nagpapagalaw sa kung sino-sinong lalaki, hindi na nirerespeto. Tangina, nasa p**e ba ang moralidad ng mga babae? Ano, kapag nagpapagalaw kani-kanino, does that make a woman lose her morals?
Hindi.
Sex and momol are okay as long as consensual at nasa tamang edad na na gawin ang bagay na 'yon!
Matagal siyang natahimik nang marinig ang sinabi ko. Ayan! Ayan kasi. Masyadong pabibo. Pwede niya nang palitan si Jollibee!
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Walang nagsalita ni isa sa amin. He sighed.
"Okay. I'm sorry. I know I'm wrong. I judged you too harshly."
Parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig. Natigilan ako at napatingin sa kanyang repleksyon na nasa bintana. Para bang hirap na hirap siyang mag-apologize. Napanguso ako. Marunong naman palang mag-sorry, eh.
I cleared my throat. "Apology accepted, Sir, but once you call me that again kahit na ikaw ang lumandi sa akin, lagot ka." Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ang aking sinabi. What the f**k did I just say? Sinabi ko ba talaga 'yon? Tangina!
Sir Jamie chuckled beside me. "Noted, but I'll still sedu— Fuck." Kumunot ang aking noo. Bigla na lang kasi siyang nagmumura. Adik ba 'tong si sir?
Muli kong tiningnan ang kanyang repleksyon sa bintana. Kita ko ang pag-iling-iling niya na para bang sinasabihan ang sarili na dapat siyang mag-hunos dili. Mas lalo akong nagtaka. Ano bang nangyayari sa kanya? Sana nama'y okay lang siya.
"Okay ka lang, Sir? 'Di mo 'ata natapos ang sinabi mo kanina," baling ko sa kanya. He just shook his head and let out a sigh.
"Nothing. I just don't want to break some rules I set for myself," he stated. Saglit siyang tumingin sa akin at ngumisi. "But I guess, you're gonna make me break the second one."
Bigla akong kinilabutan nang marinig ang kanyang sinabi. Ano bang rules-rules ang pinagsasabi nitong si sir?
"Rules?" I gave him a skeptical look. Ano kaya ang mga rules niya sa sarili?
He just shrugged. Para bang inaasar niya ako. "It's for you to find out," he said, followed by a light chuckle. I gulped.
Shocks, dapat na ba akong kabahan?
"MR. SANTOS." SIR Jamie shook hands with Mr. Santos. May katandaan ito at may asawa na at tatlong anak, base sa pagkakaalam ko. May mga pagkakataon kasi, eh, na magkikita kami kapag may meeting sila ni Sir Javier noon.
Nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. Hindi ko na lang iyon pinansin at umupo sa tabi ni Sir Jamie. Kaharap namin si Mr. Santos ngayon. Hinanda ko ang aking recorder. Shet. Kapagod naman kasi kung notepad.
"Hello, Nathalie. Glad to see you again," Mr. Santos stated and gave me a smile. Binigyan ko naman siya ng maliit na ngiti at bahagyang tumango.
"Glad to see you as well, Sir," I responded. Mas lalong lumawak ang ngiti niya at tumango-tango bago bumaling kay Sir Jamie.
"So let's talk about the financial matter of this project. According to our architect. . ."
Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagtingin-tingin sa mga tao. Ite-take note ko na lang mamaya ang pinag-usapan nila pagdating ko sa condo. Gano'n kasi ako, eh, kasi alam kong may mga pagkakataon na hindi ako makaka-keep up sa mga pinagsasabi nila.
The ambience of the café is really good. Pumapasok 'yong liwanag sa glass walls kaya hindi na kailangan ng ilaw sa umaga.
Napapitlag ako nang may naramdamang magaspang na kamay na humahaplos sa aking hita. Binundol ng kaba ang aking dibdib nang makitang hindi iyon kamay ni Sir Jamie kundi, kamay ni Mr. Santos.
Napalunok ako at nanayo ang aking balahibo sa batok. Gusto kong sumigaw at magwala pero parang natuod ako sa aking kinauupuan. Bakit. . . ganito?
Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay at paninigas ng aking katawan. Para akong sinasakal sa mga pinipigilan kong sigaw.
Tulong!
Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Nagsimulang manginig ang aking katawan sa takot no'ng pinisil niya ang aking hita na ikinapitlag ko. Ang baboy niya!
"Nathalie, what's wrong?"
Mas mabilis pa sa alas-kwatro na inalis ni Mr. Santos ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking hita pero kahit gano'y hindi pa rin nababawasan ang aking kaba.
Nagmulat ako ng mga mata at pilit iniiwasan si Mr. Santos. Ayoko siyang tingnan.
I looked at Sir Jamie straight to the eye. "S-S-Sir, I'm not feeling well. Pwede po bang mag-C.R muna ako?" I excused. Ramdam ko pa ang panginginig ng aking mga labi.
Kita kong napatingin si Sir doon bago muling ibinalik ang tingin sa akin. Kunot ang kanyang noo na para bang nagtataka sa kinikilos ko.
Bagamat nagtataka, binigyan niya ako ng sunod-sunod na tango. "You can," simpleng sagot nito bago muling nakipag-usap kay Mr. Santos.
Mabilis akong tumayo at tumalikod para pumunta sa banyo. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko habang inaalala ang pangyayari kanina— pangyayaring gusto kong makalimutan.
Bumuhos ang luha sa aking mga mata. Why do women have to suffer things like this? I experienced s****l harassments even before at hindi ko talaga kayang madepensahan ang sarili ko. When that happens, my mind just go blank at kakainin ako ng takot ko. f**k this.
I entered inside a cubicle and covered my mouth with my hands. Tuluyan na akong napahagulhol. I'm wearing a skirt at hindi iyon gano'n kaikli. Long sleeves din ang suot ko. My outfit is very decent as hell pero nababastos pa rin and people have the guts to say na nasa pananamit ang dahilan kung bakit nababastos ang mga babae? f**k that toxic mindset. Kapag bastos, bastos talaga.
Tangina. Tangina ng mga lalaking manyak. Putangina. Sana, mamatay na silang lahat. They're the ones who instill fear on women. Mga walang modo.
Kumuyom ang aking mga kamao nang maalala muli si Mr. Santos. Wow, to think na may asawa siya? Tapos ganyan siya makaakto kapag wala ang asawa niya? Ang sasahol ng bituka ng yawa!
Padabog akong lumabas sa cubicle at nagpunta sa sink upang maghilamos. Halatang-halata ang galit sa aking mga mata at pamumula ng aking ilong. Sa isip ko'y pinapatay ko na nang dahan-dahan si Mr. Santos.
Napailing ako at nagpasyang bumalik pero bago pa ako makabalik ay may humablot sa aking palapulsuhan at sinandal ako sa pader na ikinalaki ng aking mga mata. Muling umusbong ang takot sa aking puso nang makita si Mr. Santos na malademonyong ngumisi sa akin.
"Now that Mr. Javier is not your boss anymore kaya wala na akong ikabahala pa, baka pwede na kitang makuha? Probably, nakuha ka na ng anak niya."
Tumulo ang luha sa aking mga mata nang haplusin niya ang aking pisngi gamit ang kanyang daliri. Napapikit ako nang mariin at napahagulhol. f**k this. f**k! Hindi pwedeng mangyari sa akin 'to! I need to save myself!
Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg na ikinanginig ko sa takot. "You smell so good," wika niya at malademonyong tumawa. Hindi ako nagdalawang-isip na patiran ang kanyang ari. I need to get away from him!
"You b***h!" Malakas niyang sigaw habang hawak ang pagitan ng kanyang hita. Napaiyak ako sa takot. Why do I have to suffer this?
Mabilis akong bumalik sa table namin. Kita ko pang napatayo si Sir Jamie nang makita ako. Hindi pa rin mawala-wala ang takot sa aking dibdib.
"A-A-Alis n-n-na tayo, S-Sir," nanginginig na wika ko at mabilis na kinuha ang aking bag. Ayoko na rito! Gusto ko nang umalis!
Pwersahang hinawakan ni Sir Jamie ang aking balikat at pinaharap ako sa kanya. Kita ko ang pag-aalala at pagtataka sa kanyang mukha. "What happened? Did that asshole do something to you?" mariing wika niya. Napaiyak ako nang tuluyan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot.
Malutong siyang napamura. Kita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam.
Binitawan niya ako at naglakad papalayo. Sinundan ko siya ng tingin. I gasped when he suddenly lifted an empty chair and throw it at Mr. Santos with force. Gumawa iyon ng malakas na tunog na ikinatili ng mga tao.
Kita kong natumba si Mr. Santos. He grunted in pain as he held his bloody forehead. Sunod-sunod akong napalunok at ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad.
I can't move my feet.
Sir Jamie walked towards him and kicked the chair out of his way. Nilapitan niya si Mr. Santos at niyuko ito. Kumakabog nang malakas ang aking dibdib. s**t. What is he gonna do?
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata no'ng pinagsusuntok niya si Mr. Santos. Bawat tunog ng kamao niya sa mukha ni Mr. Santos ay napapakurap ako. f**k. That surely hurts a lot!
"Don't you ever touch her, Santos, understand?" Sir Jamie said before giving a final blow on Mr. Santos' face, breaking his nose.
What the f**k just happened?