Chapter 7
SIR JAMIE WRAPPED his arms around me and guided me towards the exit. Hindi pa rin mag-sink in sa akin ang nangyayari kanina. Panigurado, pag-uusapan siya ng karamihan. Baka mabalita pa siya! Marami ang nakakita kung paano niya pinagsusuntok si Mr. Santos! Paano na si sir?
Marahan niya akong ipinasok sa passenger seat. Sinundan ko siya ng tingin at pinapakiramdaman ang puso ko. Sobrang lakas ng t***k nito at parang gusto nitong kumawala. s**t. Nakakatakot si Sir Jamie kapag galit.
Padabog siyang pumasok at malakas na sinara ang pinto na ikinatalon ko sa gulat. Shet naman! Kita ko pa na nakakuyom ang kanyang kamao at nagtaas-baba ang kanyang dibdib. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapakalma niya ang sarili. Tangina. Baka mamaya, bubulyawan ako nito.
Makalipas ang ilang minuto, wala pa ring nagsasalita ni isa sa amin. Marahan na rin ang kanyang paghinga at hindi na mahigpit ang pagkuyom niya sa kanyang mga kamao.
I breathed out a sigh of relief. Sa wakas, kumalma na si Sir.
He turned to me. Napalunok ako nang makita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Are you okay?" marahan niyang tanong. Muntik na akong mapasinghap. He sounded too gentle. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
I nodded. Gusto kong magsalita pero parang hindi ko mabuksan ang aking bibig. Nasa isip ko pa rin ang pangyayari kanina— kung paano niya itinapon ang upuan kay Mr. Santos.
"P-P-Paano ka, S-Sir?" Muli kong naalala ang mga reaksyon ng mga tao sa loob ng restaurant. Kita kong may iba na kinuhaan siya ng video. Baka masira ang reputasyon niya at ako pa ang sisihin!
Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi ko. "What about me?" he asked as if there's nothing wrong, as if there's nothing to be worried about. Hindi ba siya nag-aalala na baka magiging headline na siya ng balita bukas?
"Sir, may mga tao po na kinuhanan ka ng video," ani ko sa mababang boses. What? Bawal bang mag-alala para sa kanya?
Kita ko ang inis sa kanyang mga mata. "Mas nag-aalala ka sa akin kesa sa sarili mo? That asshole harassed you!" Tinuro niya pa ang restaurant habang hindi binabawi ang tingin sa akin. Natigilan ako nang ilang segundo.
"Kasi naman, Sir, 'di ba? Known ka sa business world. Baka ano pa ang sabihin ng mga investors natin." Marahas siyang nagpakawala ng buntonghininga at napahilot sa kanyang sentido. What? Napagtanto niya na ang ginawa niya?
"So what?" wika niya sa paos na boses. Kumunot ang aking noo. Wala ba siyang pakialam?
Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ako. Parang may kung anong sumipa sa aking puso.
"So what if they will say something against me? They don't know a thing about what really happened. Once they do, lagot 'yang si Santos. I'll release a statement tomorrow that will surely knock Santos down. For now, you should take a rest." Pinaandar niya ang makina ng sasakyan. Parang masusuka na ako sa tindi ng nararamdaman ko. Panandalian kong nakalimutan ang aking takot. He sounded so sweet! Nakakapanimago!
Bumaling ako sa kanya nang may maalala. "Pero, Sir, we can't start the project without a construction company. I think papasok na lang po siguro ako sa trabaho upang maghanap ng bagong partner." Saglit niya akong binalingan ng tingin. Bumakas ang inis sa kanyang mga mata.
"No, Nathalie. You were traumatized by what happened. Baka hindi ka makaka-focus sa trabaho mo at mali-mali pa ang magawa mo." Bigla akong nakadama ng pagkadismaya. So iyon pala ang dahilan kung bakit niya ako pinapauwi? Nag-aalala siya na baka mali-mali ang magawa kong outputs?
Mapakla akong napangisi. Akala ko pa naman sa akin siya nag-alala. Masyado na yatang mataas ang lipad ng imahinasyon ko.
I sighed and shook my head. Bakit ko pa kasi iniisip na sa akin siya nag-aalala? Alam ko namang imposibleng mangyari iyon, eh.
Sobrang imposible.
HANGGANG NGAYON, BINABAGABAG pa rin ako sa nangyari kanina. I couldn't forget the way Jamie threw that f*****g chair straight toward Mr. Santos' face. But he deserved that, anyway. And I don't feel bad for feeling satisfied the moment I saw his broken nose.
Ginulo ko ang aking buhok at tiningnan ang aking laptop. Nakabukas iyon at ang presentation para bukas ang tumambad sa akin. Konti na lang sana at matatapos ko na 'to pero talagang wala ako sa focus!
Ipinilig ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang paggawa sa presentation. Pinilit kong iwaglit sa aking isipan ang nangyari kanina. I should focus on my work. Gano'n na lang ang ginhawang naramdaman ko nang matapos na ako sa aking ginawa.
Napasandal ako sa sofa at hinilot ang aking nananakit na sentido. Kailangan ko pa palang i-save iyon sa flash drive at ipasa kay Jamie— speaking of Jamie. Shocks! Huwag ko na lang kaya itong ipasa sa kanya? Tangina naman, eh! Pero kailangan kasi! Para ipakita kung may ipapabago ba siya or what.
Tumunog ang aking cellphone, hudyat na may nag-message. I opened my phone and my eyes widened upon seeing the message.
From: Unknown Number
Please, send the presentation needed for tomorrow.
P.S.: I'm eating right now, and I can't help but think of you. Badly want to do an SOP but I know you were still traumatized by what happened earlier. I hope you're fine.
Kumunot ang aking noo. SOP? Ano 'yon? Statement of the problem?
Hindi ko na lang pinansin ang kanyang post message at saka sinend sa kanyang email ang file. But it's good to read his last words, though. He hopes I'm fine. Medyo, mabait naman pala si gago at talagang concerned sa akin.
Napalingon ako sa pinto no'ng may nag-doorbell. Napatingin ako sa orasan. It's seven in the evening. Sino naman kaya ang bibisita sa akin sa oras na 'to?
Tumayo ako at tumingin muna sa peephole. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Mr. Javier at ang kanyang asawa. They are just wearing casual clothes. Mahina akong napasinghap. Anong ginagawa nila rito?
Binuksan ko naman ang pinto at sinalubong sila ng ngiti. "Good evening po, Mr. and Mrs. Mendoza. Pasok po kayo," I greeted. Binigyan naman nila ako ng ngiti. Ms. Wyette hugged me and kissed my cheek.
"I missed you, Nat!" I chuckled. Rinig ko rin ang pagtawa ni Mr. Javier bago sinarado ang pinto. Pinaupo ko naman sila sa sofa.
"Ano po ang gusto niyong inumin? May juice po rito, coffee, at milk," I offered. Natatawang umiling-iling si Mr. Javier.
"No need, Nat. Hindi naman kami magtatagal. Thank you for the offer. Please, seat," wika ni Mr. Javier. Naupo naman ako sa kanilang harap at tiningnan sila.
"Bakit po pala kayo naparito?" tanong ko. May kinalaman ba ito kay Jamie? Or tungkol sa nangyari kanina? Biglang umusbong ang kaba sa aking dibdib.
Napatingin ako kay Ms. Wyette no'ng may kinuha siya sa kanyang bag. Nilapag niya iyon sa mesa na nakapagitna sa amin. She pushed the debit card towards me. Sinundan ko iyon ng tingin. Ano kayang gagawin ko rito?
I gave them a skeptical look. Mr. Javier sighed and turned to me. "We know how playful and ruthless Jamie is, Nathalie. Please, report to us if ever he hurts you in any way or kung may gagawin siyang kalokohan. If he does, I'll transfer his inheritance to you. Gusto kong magtino na ang anak namin. Sa 'yo na rin ang debit card. Use that." Hindi ako makagalaw nang marinig ang sinabi ni Sir Javier. Hindi iyon mag-sink in sa aking utak.
Ano raw?