I

1873 Words
Chapter 8 "AH, S-SIR, OKAY lang naman po. I can report Sir Jamie's doings to you but no need to offer me this huge amount of money. Hindi naman po kasi sa akin 'yan," I grimaced. Lumamlam ang tingin ni Ms. Wyette sa akin. Para bang na-touch siya sa sinabi ko na ikipinagtaka ko. "You really do have a good heart, hija. We admire you for that. Just think of this as a token of gratitude, okay? No buts!" Hindi na ako nakaimik sa sinabi ni Ms. Wyette lalo na no'ng tumayo silang dalawa ni Mr. Javier. "Basta iyong deal natin, hija, ha? Don't forget. Oh, siya. Uuwi na kami. Mag-ingat ka palagi." Hanggang sa pag-alis nila ay nanatili akong lutang. Kita kong binuksan nila ang pinto at ni-lock ito mula sa loob bago lumabas. Napakurap ako nang malakas na tumunog ang pinto. Do'n lang ako tuluyang nagising. What the f**k? Nanlaki ang aking mga mata at dali-daling sinara ang double lock ng pinto. Pinakiramdaman ko ang aking puso. Tumitibok ito nang sobrang lakas dahil sa gulat. f**k. 'Di ko man lang sila naihatid palabas. Sila pa mismo ang nagsara ng pinto! Ano ba! Muli akong bumalik sa sala at tiningnan ang debit card na binigay nila sa akin. Black card. Card ng mga mayayaman. Unlimited cash. Bumuga ako ng hangin at napailing-iling. What made them think na ibigay sa akin ang inheritance ni Jamie? Kinuha ko ang debit card at ipinasok ito sa kasulok-sulokan ng aking drawer. Ayoko 'tong gamitin. 'Di ko naman kasi 'to pinaghirapan. This money is not even mine to begin with. Sapat na sa akin ang sahod ko. It can cater both me and my family who's living in the province. Na-miss ko tuloy ang pamilya ko. 'Di bale, malapit na ang holiday. I can spend a day with them. Umupo ako sa aking kama at tiningnan ang message na ipinadala ni Jamie sa akin. Iyon lang ang last text niya. Nakatitig lang ako sa salitang 'SOP'. Sa pagkakaalala ko, wala namang binanggit si Jamie sa akin na dapat akong gumawa ng thesis or research. Should I search what SOP means? Out of curiosity, I went to google. Sinearch ko ang SOP at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nabasa. Tangina? Gusto niyang makipag-s*x on phone? NAKABUSANGOT AKONG PUMASOK sa office. 'Di pa rin mawala sa isip ko ang SOP na sinabi ni Jamie. Ang halay niya! "Hoy, 'nyare sa mukha mo?" Napatalon ako sa gulat no'ng may tumapik sa aking braso. It's Natasha. Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. I rolled my eyes heavenward. "Eh, ikaw, 'nyare sa 'yo kahapon? Ayan, inom pa." Pinitik ko ang kanyang noo na ikinasimangot niya. Nagka-hangover na naman kasi ang b***h kaya um-absent. Napahawak siya sa parte kung saan ko siya pinitik at dahil mistisa ang gaga, kita ko ang pamumula ng kanyang noo na ikinangisi ko. "Sakit mo mamitik, b***h ka!" saad niya habang hinihimas ang nasasaktang noo. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binigyan ng tinging mapang-asar. Pumasok kami sa elevator. "Nga pala, nabalitaan ko kay Hill, personal assistant ka na raw ng anak ni Sir Javier? Ano? Pogi ba?" Kita ko ang pagniningning ng kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin. Pogi? Sobrang pogi, sa totoo lang. Makalaglag panty ang kagwapuhan. 'Yon nga lang, sobrang pangit naman ng ugali. Kapag nakita ni Natasha si Jamie, talagang magugulat 'yon. Malamang! Um-attend siya sa fake wedding namin! "Okay lang," simpeng saad ko. Kita kong sumingkit ang kanyang mga mata at tinusok pa ang pisngi ko gamit ang kanyang index finger. I gave her a skeptical look. Ano na naman kaya ang problema nitong gagang 'to? "Anong reaksyon 'yan? Namumula ang mukha, oh. Ano, na-finger ka na no'n o kaya nahalikan?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang kanyang sinabi. Jusko! Buti wala kaming kasama! Tangina talaga ng bibig nito! Napahalakhak siya nang makita ang aking reaksyon. Pumalakpak pa siya na parang baliw. f**k. Hinila ko ang kanyang buhok pero tawa pa rin siya nang tawa. Napabuga ako ng hangin. "I knew it!" natatawang saad niya. Namula ang aking mga pisngi sa kanyang sinabi. Holy s**t. Natasha will be the death of me! Itinago ko ang aking pagkapahiya at tinaasan siya ng kilay. "Ano naman kung naghalikan na kami? Masarap naman!" Napatili siya at nakipag-apir sa akin. Natawa ako sa aming ginawa. What the heck? At proud pa ako n'yan? "b***h ka talaga! Pogi, 'no?" Maya't maya'y sabi niya. Napanguso ako at umakto na parang nag-iisip. Pogi naman talaga si Jamie, eh. Naalala ko pa nga no'ng unang nakita ni Natasha si Jamie, ang mata ng gaga kumikinang. Kinukulit pa ako kinabukasan kung ano ang pangalan ng groom ko at kung ano ang nangyari, bakit daw mas pogi pa ni Jonathan ang pinakasalan ko. "Oo, Mamsh," I responded and we both giggled. I let out a sigh. "Actually, kilala mo." Kita kong natigilan siya at kumunot ang kanyang noo. "Sino?" Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Huwag mo sabihing si Jonathan?" Bumulanghit ako ng tawa. Ba't niya naman naisip na si Jonathan? Tinampal ko ang kanyang noo. "Gaga ka. 'Di ako gano'n katanga," natatawang ani ko. 'Di siya umimik at nakakunot pa rin ang noo, tila iniisip kung sino ang ibig kong ipahiwatig. Maya't maya ay bigla siyang napasinghap. Nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang kanyang mga labi. "Kapatid ni Jonathan?" Putangina? Ano 'yon? Tuhog? I grimaced. "'Di uso sa akin ang tuhog, bruha ka." Tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na siya sa kanyang floor. Akala ko lalabas na siya pero gano'n na lang ang gulat ko no'ng muli niyang sinara ang elevator at hinarap ako. "Sino nga? 'Di ako bababa hangga't hindi mo sinasabi!" Marites talaga 'tong bruha! Natawa na lang ako. Ewan ko nitong kay Asha. "'Di ba, um-attend ka sa fake wedding ko two months ago?" I told her. Tumango-tango naman siya at nakatitig pa rin sa akin. Para bang nag-aabang siya sa susunod na sasabihin ko. I sighed. "'Yong lalaking pumalit kay Jonathan, siya ang bagong boss." "Putangina, ano?!" PAGKAPASOK KO SA opisina, pansin kong wala si Jamie. Kumunot ang aking noo. Nasa mesa niya na kasi ang gamit niya pero wala siya. Saan kaya siya nagpunta? Kanina, when I told Asha about Jamie, nagulat ang b***h. Hindi nakapagsalita. Hanggang sa makarating ako sa floor ko, tulala pa rin ang boang. Ayon, iniwan ko sa elevator. Bahala siya ro'n. I sat on my swivel chair and put my laptop on my table. Bahagya pa akong napatingin sa dalawang picture frame na nakapatong sa mesa ko. A picture of my family and the green fields of Switzerland. Ah, my dream. I let out a sigh and focused my attention to my laptop. I clicked the power button on. Kita ko pa ang aking repleksyon sa black na screen. I'm wearing a red fitted halter top na pinatungan ko ng puting blazer. I also wore white pencil skirt na hanggang tuhod ko ang baba at black na pump heels. Hinayaan ko na lang ang aking buhok na nakalugay. I took the time to appreciate my look. Gago, ang hot kong tingnan. Shocks! Napatingin ako sa aking cellphone nang bigla itong mag-ring. Kumunot ang aking noo nang makitang nagpadala ng mensahe si Natasha at Hill. Sabay talaga nag-message ang mga boang. Umayos ako ng upo at kinuha ang aking phone at saka binuksan ang kanilang message. From: Asha Girl! Tingnan mo ang feed ng company natin! Lagot si Santos. From: Hill Baog si Santos. Galing ng lover boy mo. Nanlaki ang aking mga mata sa nabasa at humigpit ang aking hawak sa aking cellphone. Biglang tumibok nang malakas ang aking puso habang iniisip kung ano ang ginawa ni Jamie kay Mr. Santos. Fudge! Kaya ba wala siya rito sa opisina? I immediately go to our company's website. Napatakip ako sa bibig nang makita ang unang bumungad sa akin. It's a video of Mr. Santos kneeling in front of Jamie. Kita kong nagmamakaawa si Mr. Santos but Jamie just looked at him coldly. Kahit nakatagilid ito sa camera, kita ko ang kanyang galit base na rin sa pag-igting ng kanyang panga. Nakapamulsa siya habang nakatingin kay Mr. Santos. Umiiyak na rin si Mr. Santos at nakadaop ang dalawang palad nito. "Mr. Mendoza, hindi na po mauulit. I admit, I was wrong. Please, accept me―" Malakas na napasigaw si Mr. Santos. Jamie kicked his manhood! Rinig kong nagsinghapan ang mga investors. Lumingon si Jamie sa isang gilid. "Take him out." May mga staff na kumaladkad kay Mr. Santos palabas ng conference room. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi mawala-wala ang kabog nito. Jamie stood in front of the podium and faced everyone. "Starting today, Mr. Santos will no longer be a part of our team. He harassed my personal assistant yesterday and I, who cares deeply for my employees, don't tolerate those kinds of actions. I rest my case." Iyon lang at mabilis na bumaba si Sir Jamie at lumabas sa conference hall. Na-end na ang video. Napakurap ako nang makita ang pagmumukha ko sa black screen. Kita kong nanlalaki ang aking mga mata dahil sa gulat. He really did that in front of the investors? "So, how was it, wife?" Muntik ko nang maitapon ang aking cellphone dahil sa gulat nang may nagsalita sa aking harap. It was Jamie. Kanina pa ba siya r'yan? Hindi ako nagsalita at nakatitig lang ako sa kanya. Kalmadong-kalmado siya na para bang walang nangyari kanina. Nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. A smirk formed on his lips. "You look so fuckable in your outfit." Sa sinabi niyang iyon, parang doon lang tuluyang nag-sink in sa akin ang mga kaganapan. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. "Did you really do it?" Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming dalawa sa pumasok. It's Miss Wyette and Sir Javier. Automatikong napunta ang kanilang tingin sa akin at kita ko ang pag-alala sa mga mata nila. Agad namang lumapit si Ms. Wyette sa akin. "Hija, okay ka lang ba?" Hinawakan niya ako sa balikat. I just gave her a smile and nodded. "Okay lang naman po. Besides, Sir Jamie already removed Mr. Santos from our team," I assured her. Narinig kong pumalatak si Sir Javier kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "If I had known, sana pala, hindi ko na tinanggap si Santos dito. He was so good kapag nagme-meeting kami at kasama ko si Nathalie kaya napanatag ang loob ko. 'Yon pala, may tinatagong kulo ang gago." His teeth gritted. Kita ko pa ang pagkuyom ng kanyang kamao at ang pag-iling na para bang dismayadong-dismayado kay Mr. Santos. Para namang may kung anong humaplos sa aking puso. They really care for me like I'm a part of their family. Tumingin naman si Sir Javier kay Jamie at tinapik ang balikat nito. "Good job, son. You should take care of Nathalie and protect her. She's your wife, after all." Umawang ang aking mga labi at nagkatinginan kami ni Sir Jamie. Paano nalaman ni Sir Javier ang bagay na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD