O

1842 Words
GULAT AKONG NAPATINGIN kay Sir Javier na nakatingin lang kay Jamie. Si Jamie naman ay walang reaksyon. What the f**k? Napatayo ako sa aking kinauupuan. "S-S-Sir? How did you know about our marriage? Pero invalid 'yon!" paglalabas ko ng saloobin. Sir Javier really has his ways! 'Yon ba ang rason kaya binigay nila sa akin ang debit card at pati na rin ang inheritance ni Jamie kapag sasaktan niya ako? Miss Wyette lets out a sigh. Napatingin kami sa kanya. "It's not, hija. A week after you got married, my husband finalized your documents, making your marriage valid." Mas lalong nanlaki ang aking mga mata. "What the f**k, Dad?" "Language, Jamie Wren!" mariing singhal ni Miss Wyette kay Jamie. Kita kong napalunok si Jamie nang marinig ang boses ni Miss Wyette. Pero ano raw? Valid 'yong kasal namin? s**t! "Sir, you can't just process our papers without our permission." Hindi maaari 'to. Ako? Kasal na? Holy s**t. At kay Jamie pa? Tumaas ang sulok ng labi ni Sir Javier nang marinig ang aking sinabi. "I can, Hija. Your signatures alone already represent your permission." I gasped. Pero bakit niya ito ginagawa? Invalid naman sana 'yong papers namin but why did Sir Javier legalize it? Para namang pareho kami ng iniisip ni Jamie dahil tumingin siya kay Sir Javier at nagtanong, "Why are you doing this, dad? You know I'm still not ready to tie the knot. You took advantage of the situation." Umigting ang panga ni Jamie. Pumalatak naman si Sir Javier at tumingin sa akin. Napalunok ako. What? Is it about me? "Simple. Gusto kong magtino ka when you and Nathalie finally meet, and I want Nathalie to be a part of our family," saad nito habang nakatingin pa rin sa akin. Kita kong binalingan ako saglit ni Jamie ng tingin. Kinurot ang aking puso nang makita ang emosyon na nakaukit sa kanyang mga mata. Hatred. f**k. Dahan-dahan kong pinakawalan ang aking hininga. He hates me? Kasalanan ko bang malalaman ni Sir Javier? And Jamie f*****g agreed na magpakasal sa akin! "Take care of Nathalie, Jamie. Kapag nalalaman naming sinasaktan mo siya at nambabae ka, we will transfer your inheritance to her." Nanlaki ang mga mata ni Jamie nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. "Dad! That's too much! Hindi pa ba sapat na ginawa niyong valid ang kasal-kasalan namin? Pati ba naman 'to?" Tumaas ng ilang decibel ang boses ni Jamie at bakas ang galit doon. Hindi ko mapigilan na hindi matakot nang marinig ang boses niya. Baka ano na naman ang iisipin ni Jamie sa akin. "Don't raise your voice at me, Jamie Wren! No buts. Iyan na ang pinag-usapan natin. Let's go, hon," aya nito kay Miss Wyette. Marahan munang tinapik ni Miss Wyette ang aking balikat bago sumama kay Sir Javier palabas. Para lang akong tangang nakatitig sa pinto na pinaglabasan nila. Can someone please tell me that I am just dreaming? s**t. Ano ba ang nangyayari ba't nagkaganito? Napatalon ako nang may mahigpit na humawak sa aking braso. Napangiwi ako. f**k. Ang sakit! Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Sinalubong ko ang mga nanlilisik na mata ni Jamie. Sobrang higpit ng pagkakapit niya sa braso ko at alam kong magkakapasa iyon! Ramdam ko ang kanyang galit base sa kanyang pagkakahawak. Biglang umusbong ang takot sa aking dibdib nang makita ang galit sa kanyang mga mata. Sasaktan niya ba ako? "You, b***h!" mariing wika niya. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamao na nakahawak nang mahigpit sa aking braso. Nanginig ang aking katawan sa takot at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kabang naramdaman. "J-J-Jamie—" I was about to say something pero pinisil niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay niya. Mas lalo akong nanginig. Natatakot ako kay Jamie. Alam kong kaya niya akong saktan physically. Gusto kong maiyak sa sakit na nararamdaman ko sa magkabila kong pisngi. Wala naman akong kinalaman dito. Bakit niya ito ginagawa sa akin? "Shut up! You coincided with my father! Maybe, you planned that fake marriage at all! Pretending to be a jilted bride just to lure me! You want to get your hands on our wealth, you gold-digging hoe?!" Naiyak na ako nang tuluyan sa kanyang sinabi. Umiling-iling ako. Tinusok ang puso ko sa kanyang mga salita. Biktima lang din ako! Hindi lang siya ang nadadamay rito, pati na rin ako! Sana naman maisip niya 'yon. Pabalya niya akong binitawan. Muntik na akong mapasubsob sa mesa ko kung hindi lang ako nakabalanse. Sinapo ko ang aking nasasaktang pisngi. Why did he jump to conclusions? Umusbong ang inis sa aking puso. "Wala akong alam dito! Biktima lang din ako!" singhal ko. Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha at ramdam ko ang init ng mga ito sa aking pisngi. Parang mas lalo siyang nagalit. Napaatras ako. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad dahil sa kaba. Masakit pa rin ang aking pisngi at braso dahil sa ginawa niyang pagpisil. Mas lalo akong napaiyak. Sana, hindi na lang siya ang pumalit kay Sir Javier! He gritted his teeth. "Playing to be a victim, huh? If I know, gusto mong mapalapit sa pamilya ko. Alam kong pera lang ang habol mo sa amin, but let this sink in to your mind, b***h. Ni piso wala kang mananakaw sa amin. Understood?" mariing ani niya. Bakit ganyan ang tingin niya sa akin? Bakit ko ito nararanasan? Wala akong magawa kundi ang tumango. He coldly looked at me. Disgust and hatred can be seen in his eyes. "Good. Now, prepare yourself. I'll make your life a living hell," saad niya bago ako tinalikuran at walang-lingong lumabas. Nasapo ko ang aking dibdib at pabagsak akong napaupo sa sahig. Saka ko lang naramdaman ang panginginig ng aking mga tuhod at ang panghihina ng mga ito. Sobrang sikip ng aking dibdib at nahihirapan akong huminga. Hindi ko inakalang mararanasan ko ang ganitong uri ng insulto. Muli kong naalala ang mga binitawan niyang salita bago siya tuluyang lumabas. He said he will make my life a living hell. I want to tell these things to Sir Javier and Miss Wyette so bad pero parang pinamukha ko lang sa kanya na totoo ang kanyang mga sinabi. Once I tell his parents, they will give me his inheritance. Napailing ako at napasabunot sa aking buhok. Ano ba itong kaguluhang pinasok ko? I just want to work pero bakit nagkaganito? "ANYARE SA MGA mata mo, Nat? Hindi naman 'yan ganyan kanina," tanong ni Asha sa akin. Kapwa sila nakatingin ni Hill sa akin at binigyan ko lang sila ng kimi na ngiti. I shook my head. "Nothing. Naiyak lang sa sobrang stress. Ang dami kasing gagawin, eh. Ta's alam niyo na, dapat rush kasi mamaya, may presentation pa si Sir Jamie," pagpapalusot ko at kinain ang aking pagkain. Lunch break ngayon at hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang demonyo. Mabuti naman. Sana, huwag na siyang bumalik. "Weh? Baka naman pinaiyak ka ni sir? Sa sarap?" Nabulunan ako sa aking kinain. Putanginang Natasha 'to! Tawang-tawa naman si Hill. Sinamaan ko ng tingin si Asha na ngayon ay may mapaglarong ngiti. Sarap sabunutan! Kung alam lang nila. 'Yong second sentence lang ang totoo. "Gaga ka," natatawang ani ko at napailing. Bahala na sila kung ano ang iisipin nila. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga nang makita ang oras. Malapit nang matapos ang lunch break which only means one thing: babalik na ako sa office at makikita ko na naman si Jamie. Mariin akong napapikit at kaagad ding binuksan ang aking mga mata. "Mukhang stressed na stressed ka na talaga, ah. Ano bang maitutulong namin?" ani ni Hill at uminom sa kanyang iced tea. Sumang-ayon naman si Natasha at tiningnan ako na tila naghihintay sa kung ano ang aking sasabihin. May kung anong init ang dumaan sa aking puso. I'm really lucky to have them as my friends. Ngumiti lang ako sa kanila at umiling. "Okay lang. Ano ba kayo! Para namang 'di ako sanay rito, 'no! At saka, alam ko namang busy rin kayo. Gawain ko 'to, eh. Responsibilidad ko ito. Kaya laban lang!" I smiled again. Laban lang, Nathalie. "Basta, ha, 'pag sobrang dami na ng workloads mo, just tell us. Dadagdagan namin," biro ni Asha. Pinakita ko sa kanya ang aking kamao. Gaga talaga 'to kahit kailan! "Nga pala, may nahanap na kaming new secretary. Galing sumagot sa interview! Mga nasa mid 40's na 'ata at sa pagkakaalam ko, may pamilya na. Bukas siya magsa-start," pagkukwento ni Hill sa amin. Nakinig lang kami ni Natasha. Sana naman, exchange na lang kami ng place. Ako sa labas at ang secretary sa loob. Pwede naman siguro 'yon, 'di ba? And I think 'yon ang gagawin ni Jamie. I think he hates to see me, and so do I. Marami pa kaming napag-usapan at dahil do'n, nakalimutan ko saglit ang mga pangyayari kanina. Nang matapos ang break, saka ko lang naalala ang mga pangyayari. Muling umusbong ang takot sa aking puso sa isipang nando'n na si Jamie sa opisina. Baka ano na naman ang magawa niya sa akin, but this time, lalaban ako. Hindi pwedeng aapihin niya lang ako, at magpapaapi naman ako. I let out a sigh and went towards the elevator. Pinindot ko ang floor kung saan ang opisina. May mga kasama ako at kapwa nakatingin sa kanilang mga cellphone. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Kung wala lang akong lip tint, alam kong mahahalata ang pamumutla ko. Bumalik ang panlalamig ng aking mga palad at parang gusto kong tumakbo palabas ng kompanya. Tumahip ang aking dibdib. 'Di ko alam na darating ang araw na matatakot akong pumasok sa trabaho. But I need to muster courage. Kailan kong isipin ang pamilya ko. Isa-isa nang nagsilabasan ang aking mga katrabaho hanggang sa ako na lang ang natira. When I reached the top floor, nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ako o babalik na lang sa baba at babalik sa probinsya. Hinding-hindi na talaga ako babalik dito. Pero kung gano'n man, parang binigyan ko na rin ng ideya sina Sir Javier at Miss Wyette na sinasaktan nga ako ni Jamie kaya ako lumayas. Sa huli, lumabas ako sa elevator at pumasok sa opisina. Palakas nang palakas ang kabog ng aking dibdib pero hindi ako aatras. Muli akong nagpakawala ng buntonghininga at pumasok sa loob. Wala pa si Jamie na ikinahinga ko nang maluwag. Mabuti naman. Maglalakad na sana ako papunta sa aking mesa nang padabog na bumukas ang pinto na ikinatalon ko dahil sa gulat. Putangina naman! Nanlaki ang aking mga mata at sinalubong ang tingin ni Jamie. Walang emosyon na nakaukit doon. Hinawakan niya ang aking blazer at saka ako hinila palabas ng opisina. Mas lalong tumahip ang aking dibdib. Ano ang binabalak niyang gawin? Saan niya ako dadalhin? "J-Jamie, s-saan—" "Let's buy our wedding rings, b***h. Dad already told the investors. Ayokong may masabi sila tungkol sa akin," ani niya habang hila-hila pa rin ako. Hindi ko mapigilan na mapasinghap. Bakit ito ginagawa ni Sir Javier sa amin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD