QP

1889 Words
Chapter 10 NAPAKAGAT AKO NG ibabang labi habang tinitingnan si Jamie na pabara-barang tinuturo ang mga singsing dito sa jewelry store. I let out a sigh and shook my head. Ano, may balak ba siyang bilhin lahat ng singsing dito? Nagdalawang-isip ako kung sasabihan ko ba siya o hindi pero baka bulyawan lang ako. Napanguso ako at hinawakan ang aking balikat na pinisil niya kanina. Napangiwi ako nang makaramdam ng sakit. Nai-imagine ko na ang itsura nito. Panigurado, kulay purple na ito. 'Di na madadala ng cold compress. "Hey, woman. Try to fit this in." Nag-angat ako ng tingin no'ng tinawag ako ni Jamie. His cold eyes are turned towards me. Ang babaeng staff naman na kaharap niya ay parang timang na nakatitig sa kanya. Well, I couldn't blame her. Malakas naman talaga ang charisma ni Jamie. I sighed and stood up from my seat before walking towards him. Kita kong nakapili na siya ng singsing. It's a simple silver band at may maliit na diamond sa gitna. Binigay niya ang singsing sa akin and I tried to fit it on my ring finger. It fits. Parang may bikig na namuo sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman. Totoo ba talaga lahat ng ito? Hindi ito ang pinapangarap kong proposal. Pakiramdam ko'y bumibigat ang aking dibdib sa katotohanang matatali ako sa isang kasal na walang pagmamahalan. Napalunok ako at tumango-tango habang nakatingin pa rin sa singsing. "It. . . fits my finger perfectly," ani ko. Muntik pa akong mautal. Napatalon ako nang biglang hinablot ni Jamie ang aking kamay na walang halong pag-iingat at marahas na tinanggal ang singsing. Napangiwi ako sa sakit. Ramdam ko ang paghapdi ng aking palasingsingan dahil sa marahas na pagtanggal niya sa singsing. Parang wala lang sa kanya na nasasaktan ako. Sabagay, sino ba ako? "We will take that one," wika niya sa staff na nagpapa-cute pa rin sa kanya. Ngumiti pa ito nang mahinhin at marahang tumango-tango bago ibinalot ang box ng singsing at binigay ito kay Jamie. Naningkit ang aking mga mata nang sinadya nitong magtama ang mga daliri nito at ang kamay ni Jamie. Ang harot! Si Jamie naman, parang wala lang. Alam naman ng staff na ito na ikakasal na kami ni Jamie pero humaharot pa rin. Jusko! Muli niyang hinawakan ang dulo ng aking blazer. Kanina pa siya. What? Ayaw niya ba akong hawakan? Natawa ako nang mapakla bago marahas na kumawala sa kanyang hawak. Inis niya akong binalingan ng tingin at sinalubong ko naman iyon ng buong tapang. Anong akala niya? Uurungan ko siya? "I can walk," I firmly said. Inayos ko ang aking blazer. "You don't have to drag me," pagpapatuloy ko at muling sinalubong ang kanyang tingin. Hindi lang siya nagsalita at saka tumalikod, putting his hands inside the pockets of his slacks. Sinundan ko naman siya. Napatingin ako sa paligid. Kita kong ang bawat babaeng nadadaanan namin ay talaga namang napapatingin sa kanya. Nakakahatak naman talaga ng atensyon ang kapogian niya at ang build ng kanyang katawan, I admit. But once they get to know Jamie's attitude, hah, ewan ko na lang. Nauna na siyang pumasok sa sasakyan at sumunod naman ako. Kinabit ko ang aking seatbelt. Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba hinihintay akong matapos. I looked at him and gave him a skeptical look. Itinapon niya naman sa akin ang plastic na may lamang wedding ring. "Ilagay mo sa dashboard," malamig na saad niya nang 'di ako tinitingnan bago pinaandar ang sasakyan. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi at hindi na nagsalita pa. Baka ano na naman ang masabi niya. Mahirap na. Ayokong makipagtalo. Walang nagsalita sa pagitan namin pero kahit gano'n, ramdam ko na sobrang problemado niya. Muntik na akong mapairap. Ano ba ang akala niya? Siya lang ang namomroblema nito? Tangina. Ang one-sided ng utak niya! 'Di ko mapigilan na mapasimangot. "What's with that reaction?" Kumunot ang aking noo. Tinitingnan niya ba ako? "You should be happy. Konting-konti na lang, magtatagumpay ka na sa plano mong kunin ang kayamanan namin. But I won't let you do that," dagdag niya pa na ikinabuntonghininga ko. Gano'n ba talaga ang tingin niya sa akin? Gold-digger? Gusto kong matawa nang mapakla sa pait na gumuhit sa aking puso. Pinalaki akong marangal ng mga magulang ko. Hinding-hindi ko 'yan magagawa. Binalingan ko siya ng tingin. "Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin, Jamie, pero isa lang ang sasabihin ko. Wala akong alam dito," mahinahong saad ko. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang tingin niya sa akin. I don't have to explain myself to him. Sino ba siya? And as if naman makikinig siya. Tumawa siya nang mapakla nang marinig ang aking sinabi. "Oh, shut up. I know you planned this, b***h. Now, I have to be married to you. For real. Are you happy now?" Bumangon ang inis sa aking kaloob-looban. Inikutan ko siya ng mga mata. "Mukha ba akong happy? Bahala ka r'yan. Itigil mo na nga itong sasakyan. Nakakainis ka! Stop the car!" At ang gago, itinigil nga ang sasakyan! Bakit ko ba kasi nasabi 'yon? Humigpit ang hawak ko sa seatbelt lalo na nang maalala na hindi ko dinala ang aking bag dahil basta niya lang ako hinila kanina. "You told me to stop the car. What now? Won't you get out?" inis na saad niya. Napalunok ako at tiningnan siya sa gilid ng aking mga mata. f**k. Anong sasabihin ko? I licked my lower lip and looked at him. "Sinabi ko lang naman na itigil mo. 'Di ko sinabing lalabas ako," I gently said. Nakahinga ako nang maluwag. Tama lang naman, ah! Napalunok ako at bumangon ang kaba sa aking puso. Nakatitig pa rin sa akin ang kanyang mga mata na mas lalong nakapagpakaba sa akin. "G-Gusto kong mag-usap tayo tungkol dito," saad ko nang mapansin ang pananahimik niya. Kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay at ang kanyang pag-iling. "I won't let you fool me, woman. Hindi ko alam kung paano mo naloko ang mga magulang ko at napapayag mo silang i-transfer sa 'yo ang mana ko kapag sinubukan kong magloko, but I won't let your words change my mind," mariing sambit niya bago ipinaharurot ang sasakyan. May kung anong bikig na namuo sa aking lalamunan dahil sa kanyang sinabi. Never in my life na nasabihan ako ng ganyan. He created fresh wounds in my heart, mga sugat na alam kong matagal maghilom. Manloloko, hoe, at gold-digger. Ano pa? Ano pa kaya ang ibibintang niya sa akin? Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa labas ng bintana, pilit pinapakalma ang nasasaktan kong puso. "WAKE UP, b***h. Huwag mo sasabihing gusto mong buhatin kita?" Nagmulat ako ng mga mata nang may tumapik sa aking pisngi. s**t. Bakit ba parati akong makakatulog sa sasakyan? Pasimple kong pinahiran ang gilid ng aking mga labi, nagbabasakaling may laway. I breathe out a sigh of relief nang malamang wala naman. Umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana. Nandito na ulit kami sa harap ng kompanya. Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang likod ni Sir Jamie na lang ang aking nadatnan. Mabilis ko siyang sinundan at kita kong ni-lock niya ang sasakyan. When we entered, kita kong nakangiti sa amin ang mga empleyado na ikinabahala ko. They're smiling at us. Kita kong kinikilig pa ang iba at mahinang pumapalakpak. Kumunot ang aking noo. Anong meron? Bakit ganito sila makaakto? Tiningnan ko si Sir Jamie. Kita ko ang pagtiim ng kanyang bagang na para bang alam kung ano ang nangyayari at bakit ganito umakto ang mga empleyado. Kita ko pa si Hill at Natasha sa isang gilid. Hill made an 'okay' sign at itinaas naman ni Natasha ang kanyang index finger at saka ipinasok sa butas ng 'okay' sign ni Hill. Nanlaki ang aking mga mata. They know? Lalapitan ko na sana sila no'ng hinila ako papasok ni Jamie sa elevator. Kami lang dalawa ang nandito. Kumabog ang aking dibdib. Paano nila nalaman? "Dad probably posted it on the community feed," mariing saad ni Jamie. Muntik ko nang matampal ang aking noo. Ano na naman 'tong pinanggagawa ni Sir Javier? Nilingon ko siya. "M-M-Maybe, pwede naman siguro natin kausapin si Sir Javier na misunder—" "And what? Magmumukha akong masama sa mga mata ng investors? That would lead to the company's downfall. Kung hindi naman, baka dahil d'yan, ililipat na nang tuluyan nila daddy ang mana ko," mahabang lintaya niya. He gritted his teeth. "Again, b***h, I won't let you fool me." Napahilot na lang ako sa aking sentido. I badly want to pacify this situation, pero alam kong sarado ang kanyang isip at puso na pakinggan ang sasabihin ko. Gusto kong magalit sa kanya. But I chose to put myself in his shoes. Mahirap nga akong pagkatiwalaan, lalo na kung kayamanan ang usapan. Isa pa, hindi naman ako masyadong kilala ni Jamie. Sa totoo lang, wala siyang karapatan na husgahan ako dahil 'di niya naman ako kilala. Pero sa sitwasyon namin ngayon, siya ang mas naiipit. Parang naliwanagan ang aking utak. Baka nga siguro ganyan siya makaakto. He's threatened. Baka magsumbong ako at mawala ang kanyang mana. I know Jamie worked hard para mapasakanya ang kompanyang ito. Napatango-tango ako sa aking sarili at tiningnan siya sa gilid ng aking mga mata. I understand him now. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay na magbukas ang elevator. Nauna na siyang lumabas at sumunod naman ako. Pagkapasok ko, kita kong nakatalikod siya sa akin at nakapamulsa. Agad akong dumiretso sa aking upuan at uupo na sana nang bigla siyang magsalita, "Starting tomorrow, I don't want you to work anymore." Natigilan ako sa narinig at nanlaki ang aking mga mata. What the heck? Paano na ang pamilya ko kung wala akong sweldo? "But, Jamie, I need money! Sa akin umaasa ang pamilya ko!" Hindi niya ako pwedeng tanggalan ng trabaho! Pati ba naman trabaho, ipagkait niya sa akin? "Masisikmura kong pagbintangan mo ako ng kung ano-ano at tawagin ng mga pangalang wala namang katotohanan, pero, Jamie, ang tanggalan ako ng trabaho? Hindi, eh. This is too much!" My voice cracked and my tears were threatening to fall. Bakit ganito? Rebisco yata 'tong si Jamie, eh. Sumusobra na siya! My chest heaved up and down as I closed my eyes, only to open them again when I heard him laugh humorlessly. "Why do you need money when I can provide for you?" Napasabunot ako sa aking buhok. Putangina! Ang sarap niyang tapunan ng kaldero at iuntog ang ulo niya sa pader! I breathe out a frustrated sigh. "Jamie, can't you understand? I don't want your money, okay? Gusto ko na perang pinaghirapan ko ang matatanggap ng pamilya ko! Hindi iyong galing sa 'yo! Huwag mo namang ipagkait sa akin 'to!" I said, almost begging. Sana naman, magbago ang isip niya. Matagal niya akong tinitigan bago siya nagsalita, "Do whatever you want. Alam ko naman na ang dahilan kung bakit ayaw mo umalis dito ay ang lalaki mo," saad niya bago nagtungo sa banyo at pabagsak na sinara ang pinto. Kumunot ang aking noo. Despite my heavy breathing, confusion still managed to cloud my mind. Nagkasalubong ang aking mga kilay habang inaalala ang kanyang mga sinabi. Lalaki? Sino naman ang lalaki ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD