QQ

1787 Words
Chapter 11 "PREPARE YOUR THINGS. Tomorrow, we're going to move to our new house. I'll pick you up." Jamie's words rang inside my head. Hindi ito mawala-wala at paulit-ulit na gumagapang patungo sa kasulok-sulokan ng aking utak. We're going to live together. Napapikit ako nang mariin. "Hello, Ate? Nand'yan ka pa?" Napakurap ako nang marinig ang boses ng aking kapatid. Oo nga pala. I called them a while ago para kumustahin sila. Tumikhim ako at inalis ang mga bagay na 'yon sa aking isip. "Hello, Chin. Nandito pa si ate. Baka next month ako makakauwi r'yan. Sobrang busy sa trabaho, eh. Natanggap niyo ba ang pinadala kong pera?" Sumandal ako sa couch at muling dumako ang aking tingin sa aking malaking itim na maleta. May malaking bag na nakapatong doon. "Oo, Ate. Thank you! Nga pala, Ate, pasok ako sa Dean's Lister!" natutuwang balita niya. Napangiti ako at umusbong ang aking paghanga para sa aking kapatid. Wow, worth it lahat ng sakripisyo ko. "Naks naman! Galing ni Chin! Mana talaga sa ate." Rinig ko ang kanyang paghagikhik. "Kasya ba ang pera pang-celebrate? Sabihin mo lang kung hindi. Magpapadala ako," I went on. "Nako, Ate! Okay na okay nga, eh. Sapat na ito, ano ka ba!" She chuckled. "Ate, si mama gusto kang makausap." May narinig akong kaluskos sa kabilang linya. "Hello, 'Nak? Musta ka na r'yan? Kailan ka makakauwi rito? Si papa mo nasa kabilang bayan pa. Nanonood ng sabong. Alam mo naman iyon, basta usapang sabong talagang hinding-hindi makakatanggi." Napangiti ako sa narinig. Buti na nga lang, sabong lang ang bisyo ni papa. Hindi ito umiinom at naninigarilyo. "Kumusta 'yong manok natin, Ma? Ano, isinali na ba ni papa sa sabong?" Marami kasing manok si papa, eh, pero hindi niya isasabong. Ani niya pa, kailangan niya pa ng mga techniques. Ewan ko na lang. May ganyan pala? "Oo, 'Nak. Isinabong niya kahapon. Ayon, panalo. 'Yong manok nga ng kalaban ang ginamit namin para sa celebration nitong si Chin. Dean's Lister, eh. Nagmana sa 'yo," mama said, followed by a light chuckle. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at 'di sinadyang mapadako ang aking tingin sa aking mga maleta. I sighed. Panandalian kong nakalimutan ang bagay na 'yon. "Ma," I called my mother's attention. Hindi siya nagsalita. Mukhang ramdam niya ang pagiging seryoso ko. I closed my eyes. "'Di ba, ikinasal ako two months ago?" Alam nilang ikinasal ako, pero 'di nila kilala ang lalaki. Napag-usapan kasi namin ni Jonathan na roon ko lang siya ipapakilala pagkatapos ng honeymoon namin. Honeymoon, my ass. "Oo, 'Nak. Sorry, 'di kami nakadalo. Malakas kasi ang bagyo rito sa probinsya. Ang sabi ni Shane at Maria, pogi raw 'yong napangasawa mo. Pakilala mo naman sa amin 'pag nakauwi ka na." Humagikhik si mama. Napangiti ako nang mapait. Kung alam lang nila. Buti nga 'di sila nakadalo at si Tita Maria ang naghatid sa akin patungong altar. Tita Maria doesn't know a ton about Jonathan and I. Tanging si Shane lang. "Pogi nga, Ma." Pero masama naman ang ugali. Gusto ko sanang idagdag pero huwag na lang. I let out a sigh and went on, "Baka next month pa kami makapunta r'yan. Busy lang po talaga sa trabaho, eh." Napahilot ako sa aking sentido. Totoo namang busy, eh, but I can surely go back to the province if I want to. Sa ngayon, ayaw ko pa kasi. Baka ano pa ang sabihin ni Jamie. "'Wag masyadong subsob sa trabaho, 'Nak, ha? Nakakamatay ang stress," wika pa ni mama na may halong pagbabanta. Napangiti ako at tumango kahit hindi niya naman nakikita. "Opo. Kayo rin d'yan, Ma, ha? Ingat kayo parati. Kapag may problema, tawagan niyo lang ako kaagad, okay? Love you!" Mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila. Miss ko na ang pamilya ko. "Labyu, 'Nak! Ingat ka rin d'yan parati, ha? Dalhin mo pogi mong asawa next month." Humahagikhik pa siya. Natawa na lang ako bago tuluyang nagpaalam. Napatingin ako sa kawalan. Maisasama ko kaya si Jamie? Pero baka aandar ang pagiging ma-attitude no'n! Pero surely, alam niya naman siguro kung paano pakisamahan ang parents ko? Sa dami ng taong nakasalamuha niya, imposibleng hindi. Pinikit ko na lang ang aking mga mata. I'm trying to relax my mind but I just f*****g can't. Hanggang sa aking pagtulog, laman pa rin ng aking isip kung ano ang pwedeng maganap bukas. He said he's going to pick me up. 'Di ko alam kung anong oras. I sighed. Tomorrow, my life is going to change. Big time. "OF COURSE. WE'RE gonna sleep in one bed. We're married. What do you expect?" nakataas-kilay na tanong ni Jamie sa akin. I rolled my eyes in annoyance. Ano sa tingin niya? Sobrang layo namin sa tunay na mag-asawa! Paper is the only thing that binds us. "Jamie, we're not like normal couples. We both know love isn't the foundation of our marriage," I argued. He massaged the bridge of his nose. Tila ba pagod na siyang makipagtalo sa akin. At the back of my mind, I'm hoping he would say yes. "God, woman. Do you really want to make this hard for both of us? Paano kung bibisita sila daddy sa atin? Anong sasabihin ko? Then, they will assume that I'm not treating you right. You really want to get your hands on our wealth, don't you?" Napaawang ang aking mga labi dahil sa kanyang sinabi. Pera pa rin ba ang iniisip niya? Putangina. I sighed and nodded my head. Pilit kong itago ang aking inis. Pinili ko na lang na intindihin siya. May point naman siya sa part na baka nga magtaka sina Sir Javier. "Okay," sang-ayon ko na lang. As if naman mananalo ako sa argument na 'to, eh, close-minded ang gago. Jamie smirked and carried my bag and luggage effortlessly. Victory flashed in his eyes. Muntik na akong mapairap. "Good." Isinukbit niya ang aking malaking sling bag sa kaliwang balikat. Parang wala lang sa kanya iyon. I could see his muscles flex because of what he did. Nagbaba ako ng tingin nang makaramdam ng kung ano sa aking lalamunan. Para akong nauhaw. Shocks. Bakit ganito ako mag-isip? Lecheng hormones 'to! Ang landi-landi ko na! Ni-lock ko ang pinto at hinarap siya pero sa pagharap ko ay siyang pagtalikod niya na para bang nagmamadali. I pursed my lips while thinking where we will live. Bumaba ang tingin ko sa aking bulsa kung saan nakalagay ang aking cellphone. Kanina pa ito nagva-vibrate, sa totoo lang. Tumatawag si Hill at Natasha sa akin pero hindi ko sinagot. Alam kong tungkol sa pagpapakasal namin ang itatanong nila. We didn't get the chance to talk about it yesterday. Sa pagkakaalam ko, nag-overtime sila. Hinayaan ko na lang iyon na mag-vibrate. Hindi ko alam kung anong ikukwento ko. The happenings are too much to sink in. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hanggang sa pagsakay namin sa kanyang kotse ay nanatili akong lutang. Kita kong may driver at natulog si Jamie sa tabi ko pagkatapos ilagay ang aking bag at maleta sa trunk ng kotse. Nanatili lang ang aking tingin sa aming harap, inaalala kung anong direksyon ang tinatahak namin. Pumasok kami sa isang subdivision pero kita kong mahigpit ang security rito. When we entered, the guard checked what's beneath our car. Tiningnan din nila ang nasa loob at nang dumako ang tingin nito kay Jamie ay kaagad itong sumenyas sa driver na magpatuloy. Tulog pa rin si Jamie. Hindi ko alam kung tulog ba siya o nagtutulog-tulugan lang. He's breathing is still the same. Kung hindi pa siya natutulog, I wonder kung ano ang nasa isip niya ngayon. Is it about our marriage? Or tungkol ba 'yon sa pagli-live in namin? Huminto kami sa isang malaking bahay. Napanganga ako sa ganda nito. The exterior is painted brown and white. May brick wall sa ilalim ng bintana at may garahe sa left side. Naka-park dito ang sasakyan ni Jamie na parati niyang ginagamit papunta sa trabaho. Sa right side naman ay may maliit na gate patungo sa entrance ng bahay at meron ding garden na may groto sa isang corner. Wow. Surely, this home costs millions. Naramdaman ko ang pagbangon ni Jamie at ang kanyang pagbaba, making me shake my head. I'm right, then. Hindi nga siya natutulog. Sinundan ko naman siya. Dire-diretso siyang pumasok sa bahay na hindi man lang nag-abalang tapunan ako ng tingin. Hinayaan ko na lang. Baka pagod na siya. Maybe, he wants to rest. Nagtungo ako sa trunk upang kunin ang aking mga gamit. Napangiti ako nang tinulungan ako ng driver na maibaba iyon. I said my thanks before going inside. Rinig ko ang pagharurot ng kotse. Gumala ang aking paningin sa loob ng bahay. Kung gaano kaganda ang labas, mas maganda ang loob. May high ceiling pagpasok ko pa lang at sa harapang bahagi nito ay makikita ang hallway ng second floor. Dumako ang aking tingin kay Jamie na nakaupo sa sofa. Nakasandal ang kanyang ulo sa headrest at nakapikit ang kanyang mga mata. From this angle, I can see the outline of his nose and the fullness of his lower lip. Bumaba ang aking tingin sa muscles niya na bakat sa kanyang suot na t-shirt. Napalunok ako at ipinilig ang aking ulo. "Sit," saad niya habang nakapikit pa rin. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko. Itinabi ko muna ang aking maleta at bag bago umupo sa kanyang harap. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Don't tell me he will set rules kagaya ng mga nakikita ko sa movies or nababasa ko sa books? He opened his eyes and the way those gray eyes looked at me made my heart do backflips. I gulped. Hindi ko ipinahalata sa kanya na naapektuhan ako. I cleared my throat. "Why?" Muntik na akong mautal. Hinintay ko kung ano ang sasabihin niya pero nanatili lang na seryoso ang kanyang titig sa akin na para bang sinusuri ako. Muli akong napalunok nang hindi siya nagsalita. I shifted in my place, feeling uncomfortable under his gaze. Nakakailang. Why the heck is he looking at me like that? Gano'n na lang ang pasalamat ko nang bumukas ang kanyang mga labi upang magsalita, "Tonight, we're going to our home. Mommy invited us over dinner." Dumukwang siya papalapit sa akin. Muntik pa akong mapaatras kahit na may sapat pa rin naman na distansya sa pagitan namin. "That only means one thing," he continued. Hindi siya nagsalita na para bang tinitingnan ang aking reaksyon. Napalunok ako. One thing? What could that be? "And? What does it mean?" Kumabog nang malakas ang aking dibdib habang hinihintay kung ano ang kanyang sasabihin. A smirk formed on his lips. "We have to act as a real couple, and that involves holding hands, hugging, and of course, kissing."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD