Chapter 12
"HELLO, HIJA." NAKIPAGBESO si Miss Wyette sa akin pagkatapos kong magmano sa kanila ni Sir Javier. They are both smiling gently at us na para bang tuwang-tuwa na makita kaming magkasama, especially when Jamie grabbed my hand and intertwined it with his.
Napatingin ako sa aming magkasugpong na mga kamay at mahinang napasinghap. I filled my lungs with air upon feeling my heart race against my ribcage. Ang init ng palad ni Jamie, and our hands seem to fit perfectly with each other.
"Ang sweet," wika ni Miss Wyette at sumandal sa dibdib ni Sir Javier. Bumaling ang tingin ko sa kanila. I forced a smile. Sus, kung alam lang nila.
"Pasok na tayo nang makakain na. Jester is here. Busy sina Jaycee at Jackson," Sir Javier stated at sabay silang pumasok ni Miss Wyette sa loob. We followed them. So, apat pala silang magkakapatid? Sino kaya sa tatlong binanggit ni Sir Javier ang bestman ni Jamie no'ng araw ng kasal namin?
Natigil ang aking pag-iisip nang makita ang loob ng bahay. The lights are warm at nanggaling ito sa malaking chandelier na nakasabit sa high ceiling. Pansin kong pareho lang ang style ng interior nina Miss Wyette at bahay namin ni Jamie pero mas homey ang dating ng bahay ng parents niya.
Bahay namin ni Jamie. That sounded. . . weird.
I shrugged it off. Wala kaming imikan ni Jamie at nanatiling magkasugpong ang aming mga kamay. Not too loose, but also not too tight. Tamang-tama lang. It was as if our hands are made for each other. Our fingers fit in the right places.
Okay, that was goddamn corny.
"Kuya."
May biglang tumawag kay Jamie. His voice sounds so deep, but I can still sense gentleness on it. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ang nasa aming harap. Siya ang bestman ni Jamie!
Dumako ang kanyang tingin sa akin. He gave me a smile and nodded his head. "Ate."
We didn't get the chance to have a small talk during the wedding. Basta, ang alam ko, no'ng kinasal kami ni Jamie, halata ang antok sa kanyang mga mata na para bang kakagising lang at lutang siya sa mga pangyayari. Ginantihan ko siya ng ngiti.
"Jester." Kita kong napangiti siya nang malawak.
"You look so much beautiful ngayong mas naaninag ko na ang mukha mo, Ate. 'Di ko nakita noon kasi natatakpan ng veil." May galak sa kanyang boses.
Humigpit bigla ang hawak ni Jamie sa aking kamay kaya tiningala ko siya. I heard him grit his teeth, making me confused. Tumiim pa ang kanyang panga at matiim siyang nakatitig kay Jester. Ano naman kaya ang ikinagalit niya?
"Shut up, Jester." Jamie snaked his right arm around my waist. Nanlaki ang aking mga mata at muntik na akong mapasinghap sa kanyang ginawa. Nagbigay iyon ng kakaibang kilabot sa buo kong pagkatao. Why is he becoming possessive? Parte ba ito sa acting namin?
Mas lumawak ang ngisi ni Jester nang marinig ang sinabi ni Jamie. Muli siyang bumaling sa akin. Malaya kong napagmasdan ang kanyang itsura dahil do'n. He got thick eyebrows and pointed nose. Pareho sila ng mga mata ni Jamie. Gray eyes.
"I've heard you're still 26, and so am I. Is it okay if I drop the formalities? I'll call you Nathalie instead." Jester smirked.
Magsasalita na sana ako nang bigla akong hinila ni Jamie patungong kusina na para bang naiinis. Rinig ko ang halakhak ni Jester na talaga bang sinadyang inisin si Jamie. 'Di na lang ako umimik. Pinapaselos niya ba si Jamie? Pero imposible namang magselos si Jamie. That was just a part of the show.
"What's with that murderous look, Son? Bakit ang tagal niyo? Have you met Jester?" sunod-sunod na tanong ni Sir Javier na nakaupo at katabi si Miss Wyette. The servants put the dishes on the table pero hindi roon nakatuon ang aking atensyon. Pinapakiramdaman ko ang lalaking katabi ko. Grabe, his acting looked so real.
Hindi nagsalita si Jamie at bumuga lang ng marahas na hangin. Napangisi naman si Sir Javier na para bang alam ang nangyari. Pinasadahan niya pa ako ng mabilis na tingin bago muling nagsalita,
"Someone's provoking someone, I see. 'Di pa rin pala nagbabago si Jester," iling-iling na ani ni Sir Javier habang may nakaukit na ngisi sa kanyang mga labi.
Pumasok naman si Jester sa kusina at agad napunta ang kanyang tingin sa akin. He smiled at me. "Hi, Nat."
Magsasalita na sana ako nang mas lalong humigpit ang kapit ni Jamie sa aking kamay na ikinangiwi ko. Hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay at ramdam ko ang kanyang galit. Ano ba ang ikinagalit niya, ha? Kapatid niya 'yang si Jester! Jusko naman.
"Jamie, masakit," bulong ko sa kanya.
Bumaling naman siya sa akin at bumaba ang kanyang tingin sa mga kamay naming magkasugpong. Nakahinga ako nang maluwag no'ng binitawan niya ang aking kamay ngunit hindi pa rin nawawala ang pananakit no'n. Akala ko hanggang doon lang pero nagulat ako nang minasahe niya ito nang marahan.
"Sorry," mahinahon niyang ani. Parang nabingi ako sa kanyang sinabi. Gulat ko siyang tiningnan pero nang maalala ko na nasa bahay nga pala kami ng parents niya, napatango-tango ako.
Right. Acting.
We started to eat at nakinig lang ako sa usapan nila. Mostly, about business. Buti na lang, may alam ako sa business kaya gets ko ang pinag-usapan nila.
"Have you already found a new construction company, Nat? Or madami ang interested? When will the bidding start?" Napatingin ako kay Sir Javier. Sa pagkakaalam ko, it's the new secretary's job to do that one. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Jamie,
"She's not my secretary anymore, Dad. I've made her my personal assistant."
Ramdam kong natigilan ang lahat ng mga nasa mesa dahil sa sinabi ni Jamie. Ang lahat ng mga mata ay nakatutok kay Jamie pero si Jamie, parang wala lang. Kumunot ang aking noo. May problema ba?
Nang makabawi sa pagkabigla, humalakhak si Sir Javier na para bang may nakakatawa. "I get it. Ganyan rin ang ginawa ko sa mommy mo noon kahit na nakalagay siya sa Finance Department." Hinalikan niya ang sentido ng asawa. Kita ko ang pagngiti ni Miss Wyette at hinampas sa braso si Sir.
"Sus, sabihin mo na lang na gusto mo akong makita araw-araw."
Nagtawanan naman kami. The whole dinner was filled with laughter and smiles and when it ended, kinausap muna ni Sir Javier at Miss Wyette si Jamie. Tungkol daw sa business. Sinundan ko sila ng tingin. They went to the second floor.
Napanguso ako nang mapansing ako lang ang mag-isa. Si Jester, hindi ko alam kung saan nagtungo.
Dumako ang aking tingin sa daan na parang patungong garden. I went outside. Sinalubong ako ng malamig na hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Manipis lang din naman kasi ang cardigan ko.
Nagpasya na lang akong magtungo sa loob at dumiretso sa banyo. Kahit naman malaki ang bahay nila Sir Javier, wala namang masyadong pasikot-sikot kaya madali lang mahanap ang banyo.
I took off my cardigan, revealing my sleeveless black dress. Napatingin ako sa salamin. I guess I look better without this. Mas lumilitaw ang kulay ng aking balat at halatang-halata ang necklace ko. I smiled at myself before going out.
Napasinghap ako nang madatnan si Jester sa harap ng banyo at para bang pipihitin niya na sana ang doorknob, at dahil hindi namin napansin ang isa't isa, sabay kaming natumba. Shocks!
Nanlaki ang aking mga mata pero maagap si Jester. Niyapos niya ang kanyang braso sa aking bewang upang hindi kami tuluyang matumba na ikinahinga ko nang maluwag. Akala ko babagsak kami!
Napangiwi ako nang may marahas na humila sa akin. Nabitawan ko ang aking cardigan. Jamie dragged me outside at sobrang higpit ng pagkakapit niya sa aking palapulsuhan. Putangina naman! Kanina pa siya!
"Get inside," mariing ani niya. Lapat na lapat ang kanyang mga labi.
Bigla akong nakadama ng takot nang makita ang kanyang mga mata. His gray eyes turned black as he stared at me at nang makita iyon, binundol ng kaba ang aking dibdib. Mabilis kong sinunod ang kanyang sinabi at agad na kinabit ang aking seatbelt.
Hindi ko pa tuluyang nakabit nang mapatalon ako sa gulat nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto ng driver's seat. s**t.
Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungo sa bahay namin. Ni isa, walang nagtangkang magsalita. His knuckles are turning white. Gumapang ang kaba sa aking dibdib habang iniisip kung ano ang mangyayari pagdating namin.
Sana naman, madadaan namin 'to sa usapan.
"ARE YOU FLIRTING with my brother? Hindi ka pa ba nakontento sa akin kaya pati kapatid ko nilalandi mo? Para ano? Para mas mapadali ang plano mo? You're really a b***h—"
Sinampal ko siya nang malakas. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. My fists are clenching as I grit my teeth. Ganyan na ba talaga kakitid ang utak niya?
"'Yan ang problema sa 'yo, eh! You quickly jump into conclusions! Hindi mo alam ang buong pangyayari kaya huwag kang magsalita ng tapos!"
Kita kong nagtagis ang kanyang bagang. Hinawakan niya ang kanyang pisngi na sinampal ko. Pinisil niya ang magkabila kong pisngi gamit ang isa niyang kamay. Napangiwi ako sa sakit at bigla akong nakadama ng takot. Hindi 'to makatarungan!
"He probably kissed you earlier. When the wedding ended, kayo siguro ang nag-honeymoon. Ano? Natikman ka na ba niya? Try me, Nat. Mas magaling ako sa kanya."
Tumulo ang aking mga luha lalo na nang marahas niya akong hinalikan. Hinalikan niya ako na walang halong pag-iingat. Bakit ang gago niya?
I was about to push him when he tightened his arms around me. He bit my lower lip harshly. Kaagad kong nalasahan ang dugo. Mas lalo akong napaiyak. Nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga.
"I don't want you to make any noise, b***h. Don't moan. Don't cry. Naririndi ako sa 'yo," mariin niyang ani bago ako itinulak sa sofa. Hindi ko inakalang darating kami sa puntong ito.
He nipped my neck and caressed my left breast. Pinisil niya ito nang marahan. Umawang ang aking mga labi at napapikit ako nang mariin, mentally scolding myself for feeling pleasure. If this is the only way to prove to him that what he said a while ago were all wrong, then I won't stop him.
I know I have nothing to prove, pero si Jester. Ayokong mag-iba ang paningin niya sa kapatid niya at magiging sanhi pa iyon ng kanilang away.
I placed my hands on his chest. Kita kong napatingin siya saglit sa akin bago muling hinalik-halikan ang aking panga. His right hand went inside my dress while the other hand was holding my waist.
Huminga ako nang malalim at pinikit ang aking mga mata. "Do what you want to do with my body, Jamie. I'm giving you my consent. But I'm telling you, Jester and I are just friends."
Saglit siyang natigilan nang marinig ang sinabi ko. Seconds after, I felt him smirk. "Yeah, right. Friends with benefits," he said before kissing my lips again.
Naiiling na nagpaabuya na lang ako sa kanyang mga kamay. Friends with benefits, huh? Tingnan natin kung anong iisipin mo pagkatapos ng gabing ito.