Ashley Alzalde Masaya kaming nag-uusap nang may mga taong pumasok sa loob ng bahay, "What's this Lance?" kunot noong tanong ko dito. "A preparation for our wedding. Naisip ko kasing mapapagod ka kapag tayo pa ang umalis at naghanap." pagpapaliwanag nito. Di na ako nakasagot sa sinabi ni Lance, habang sunod-sunod ang mga lalaking may hawak-hawak na malalapad na box at magkakatabing inihanay ito sa loob ng kwarto namin. "I am Denice, owner of Denice Morgan Bridal Couture. May we have the privilege to present to you our signature designs?" bahagya pa 'tong yumuko matapos sabihin 'yon, ako nama'y nakatunganga lang habang nakatitig sa magandang babaeng nasa harap ko habang nakangiti 'to ng malawak na malawak. "Denice Morgan? You and your designs were quite known all over the world." untag