Ashley Alzalde "Akala ko ba aalis tayo?" Kunot-noo kong tanong kay Lance habang nakahalukipkip. Sinabi niya kaninang aalis kami pero hanggang ngayo'y nandito parin kami sa bahay, nakatunganga, parang ewan na naghihintay sa wala. "Buntis ka ba?" Mas lalo pang nangunot ang noo ko nang marinig 'yon mula kay Lance. "Ha?" Walang kaide-ideya kong tugon. "Lagi ka na lang kasing bugnutin, magiging Daddy na ba uli ako mahal?" Ano bang pinagsasasabi nito. Porke't bugnutin na, buntis agad? "Anong palagay mo sa paggawa ng bata? Parang noodles, instant?" Bulyaw ko dito. "Ang sungit-sungit mo naman, bumabalik nanaman 'yang pagiging mangkukulam mo." Ngingiti-ngiti nitong turan. Para siyang naglalambing pero ba't napipikon ako. Tumayo 'to mula sa kinauupuang sofa at inayos ang nagusot na damit. "Oh