Third Person's POV Tagatak ang pawis nang magising si Ashley, antok na antok man ay nagawa pa nitong bumangon, napasulyap siya sa orasan... "1:35 am." pabulong nitong turan. Madilim ang paligid at maalinsangan, naglakad siya saka kinapa ang aircon, napahilamos na lang siya sa sariling mukha nang mapagtantong di 'to gumagana, kinapa niya ang switch ng ilaw... "Walang kuryente?" sabi nito sa sarili. Binuksan niya ang bintana para na man kahit papano'y lumamig, dito niya nalamang tumila na pala ang ulan, dismayado niyang isinara ang bintana nang di makaramdam ng kunting kaginhawaan, inaasahan niyang dapat sana'y malamig na sa labas dahil madaling araw na. Tamad siyang naglakad pabalik, pakiramdam niya ay nasa kama pa rin siya, makikita na man sa mga mata nito na kunting ihip lang ng han