Third Person's POV Isinama ni Ashley si Kaizer sa pamimili ng mga ihahanda niya para sa hapunan mamaya, habang naiwan naman si Gail kay Lance. Kakapasok pa lamang nila ng bahay nang marinig niya ang malulutong na tawa ng anak niyang babae mula sa itaas. "Marie-" pagtawag niya sa kasambahay. "Pakiluto na man nito ha." aniya. Patuloy pa rin ang tawanan na nagmumula sa kwarto nila, pakiramdam niya ay nagkakatuwaan talaga ang mag-ama niya kaya inakyat niya na 'to. Tahimik niyang idinikit ang tenga sa pintong bahagya pang nakabukas, wala na man kasi siyang makita nang tangkain niyang silipin 'to kaya pinagkakasya niya na lamang ang sarili sa pakikinig, para sa kanya, napakasarap pakinggan ng bawat tawang nililikha nito. "Maganda na ba si Daddy?" napakunot noo siya sa narinig. "Kulang pa