Howell Lance Monteverde Nasapak ko ang noo nang makalabas si Ashley, ano na bang nangyayari sakin? Am I jealous? No... No I'm not!"Ahhh!" nagbasag na ako sa loob, para akong mauubusan ng hininga sa sobrang sikip ng dibidib ko, sa sobrang inis ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, alam kong hindi ko siya mahal.Inis akong napahilamos sa sariling mukha saka tumayo at dumungaw sa bintana, pumasok ako sa loob dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, sa sobrang galit ay nasuntok ko ang pader, lumabas ako ng kwarto at saka kumuha ng inumin. Ayokong nilalapitan siya ng iba, ayokong may lumalapit sa kanya... Ayoko. Tumunga ulit ako, hanggang sa nakarami ako. Pumunta ako sa kwarto ni Ashley at hindi ito naka lock, alam kong may tama na ako dahil muntik pa akong matumba, kakaibang awa ang n