Ashley Alzalde Bigla akong nagising sanhi ng pagkakabagsak sa sahig. Agad akong napabangon habang sapo-sapo ang balakang, sa sobrang pagkabigla ay napasigaw pa ako. "Ano ba?!" inis kong singhal kay Lance nang makita ko tong nakatayo sa gilid ng kama at hawak-hawak ang kumot ko. "Hoi, ano na? Di ka ba magsasalita? Bastos nito, natutulog ang tao e!" singhal ko dito nang di to nagsalita, may lagnat ba to? Sobrang pula naman ata ng mukha nito at nanlalaki pa ang mga mata. Napatingin ako sa suot ko at dun ko lang naalala na nakasuot lang pala ako ng see through na nighties, ang malala pa, wala akong suot na pang-ibabaw, agad akong bumalik sa kama at inagaw ang kumot sa kanya saka muling nagtalukbong. "Maligo ka na." utos nito sa matigas na tono. "Ayaw." sagot ko habang nakatalukbong parin