Greg Adamson Santillan
Napatingin ako sa oras, 7:45 na pala ng umaga.
"Sir, andito na po yung samples mula sa modeling agency." sabi ng secretary ko, habang iniaabot sakin ang isang envelope.
"Thank you." tinanggap ko na ang envelope at nang makalabas to ay binuksan ko na.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga litrato, "ibang-iba ka na talaga." parang tangang kinakausap ko ang larawan.
"Ibang klase ka ring dumiskarte ah." sabi ni Leo habang nagbubuklat ng mga folder.
Ngumiti lang ako, "di siya madaling lapitan kaya dapat marami akong paraan." sagot ko rito.
Dinampot ko ang telepono saka nagdial...
Maya-maya lang ay dumating na ang secretary ko.
"Trish, fix my schedule, pupuntahan ko ang modeling agency." sabi ko dito.
"Just to remind you sir, you will have a meeting with Mr. Buenavista this 8:30." pagbibigay alam nito.
"Cancel that one." utos ko habang naghahanda na para umalis.
"This is a very important meeting sir." sabi nito.
"Mas mahalaga ang lakad ko ngayon Trish." sabi ko na lang dito saka tumayo na.
**
"It's a great morning Mr. Santillan." bati sakin ni Trover ng makarating na ako sa agency.
"Indeed." nakangiti kong sagot dito habang inaayos ang kurbata.
"We didn't look forward of your coming, Mr. Santillan." sabi nito.
"I love surprises." nakangiti kong sagot habang nagpapatuloy parin sa paglalakad.
Bahagya lamang tong tumawa kaya nagsalita ako ulit, "I wanna see that model." sabi ko dito.
"The one in the photo?" tanong ulit nito.
"Yeah." tipid kong sagot.
"At the runway sir." sabi nito saka lumihis ng daan,sinundan ko lang to hanggang sa makarating kami.
Sa tingin ko ay wala pa ang iba dahil di pa nagsisimula, "napirmahan na ba ang kontrata?" tanong ko dito.
"Yes sir, kahapon pa po." sagot nito.
"Good." ang tanging nasabi ko saka ngumiti.
Napatingin ako sa paligid at di nakawala sa paningin ko ang isang lalaki, "anong ginagawa ng lalaking yan dito?" kunot-noong tanong ko.
"Ah si Mr. Monteverde? He's the new owner of this modeling agency sir." sagot nito.
Nabigla ako sa narinig ko, para ano pa at binili niya to? Ba't niya pagtityagaang bilhin to?
Di na ako umimik, sa halip ay sinundan ko na lang to ng tingin, natigilan to nang di sinasadyang mapadako ang tingin niya sakin.
Naglakad to papalapit sakin, "what are you doing here?" matigas nitong tanong.
"Non of your business." sagot ko.
Nakita ko kung papano magtagis ang mga bagang nito, "anyway, maiwan na kita... I need to go, I am going to meet 'one of your models'." sabi ko dito habang binibigyang diin ang huli.
Di ko na to hinintay na magsalita, umalis na ako saka sinundan si Trover.
**
"G-greg?" halatang nagulat to nang makita ako.
"Good day, Ms. Alzalde, I am Mr. Adamson Greg Santillan...but you can call me 'Greg'." nakangiti kong sabi habang inilalahad ang kamay.
Nakita ko kung papano nabuhay ulit ang galit sa mga mata nito at aaminin ko, nasasaktan ako.
"What are you doing here?" matalim ang mga tingin nito.
"Don't worry, we're doing business Ms. Alzalde." I remained calm, napasinghap to saka ako tinaasan ng kilay, "okay, plain business." sabi nito saka ako tinalikuran.
Napangiti ako, di parin siya nagbabago, siya parin ang dating palaban na nakilala ko.
**
Marami kaming inaasikaso ngayon para sa Launching ng bagong release na model ng sasakyan.
Maraming dapat ayusin dahil sa susunod na linggo na ito ilalabas.
May isang coordinator na lumapit sakin, "Mr. Santillan, what if we..." hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nito dahil may nakaagaw ng atensyon ko...
Nakita kong tumatakbo si Ashley papalapit kay Lance ngunit itinaboy lamang siya nito, naaawa ako kay Ashley nakakaagaw pansin na sila dahil sa pagtaas ng boses ni Lance.
Parang sinasaksak ang puso ko sa nakikita kong paghabol niya at pagpasok sa opisina ni Lance...
Maya-maya lang ay lumabas na to at mugto ang mga mata, agad tong nagtungo sa studio habang binibilisan ang mga hakbang.
**
Mataman ko lang pinagmamasdan si Ashley mula dito sa kinauupuan ko, napatingin ako kay Lance na nasa tabi ko rin, how heartless... "kelan mo ba siya bibitawan?" tanong ko dito.
Nakita ko kung papano to ngumisi, "ganyan ba kalaki ang paniniwala mong bibitawan ko siya?" napabuntong hininga na lang ako sa sagot nito.
"Kung ganun... Siya na lang ang pabibitawin ko sayo." bigla namang nawala ang ngisi nito at nakita ko kung papano magtagis ang mga bagang nito.
**
Ashley's POV
"Lance..." tumakbo ako papalapit sa kanya kelangan kong humingi ng sorry, para sa kanya ibababa ko ang pride, maayos lang to, kahit hindi ko kasalanan, ako na lang ang hihingi ng sorry, humarap siya sakin at sumenyas na wag akong lalapit.
Pero hindi ako nagpaawat, nilapitan ko siya at humawak sa braso niya, "isa sa mga rules natin ang wag na wag kang lalapit sakin kapag nasa labas tayo." inis nitong sabi saka tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya.
Pumasok na to sa sariling opisina kaya sinundan ko, "Lance ano ba, nagmumukha na akong tanga dito o!" singhal ko.
"Bakit sinabi ko bang gawin mong tanga ang sarili sa kakabuntot sakin?" it strikes me, tama nga naman siya.
"Lance... I'm sorry." nakakababa, pero ito na lang ang magagawa ko. Baka sakaling maayos pa.
"Ngayon inamin mo na rin ang kasalanan mo! But too late... " sabi nito.
"Lance, napapagod rin ako." nagsisimula na akong maiyak.
"Kung napapagod ka na, mas nauna akong napagod sayo." sabi nito, hindi niya man lang inisip ang nararamdaman ko.
"Binaba ko na sarili ko, nilunok ko na lahat ng pride na meron ako...wala parin pala akong mapapala. Ngayon, pinagsisisihan ko na hinayaan ko pa ang sarili kong mahulog sayo." di ko na napigilan pa, naiyak na talaga ako.
"Hayaan mo Lance, lilipas rin to." pinunasan ko na ang mga luha ko at tumakbo papalabas.
Para akong lutang habang naglalakad naalala ko nanaman ang pag-uusap namin kanina, di ko maintindihan kung ano ba talaga ang para sakin, kung ano ba talaga ang dapat kong gawin, nakakawala ng ganang umuwi ng bahay, alam ko naman rin kung ano ang madadatnan ko dun.
Ang hirap pala magmahal ng taong di ka mahal, nakakapagod...
Napasandal ako sa kotse ko at dun na nagsimula ang walang humpay na pag-agos ng mga luha ko, agos lang ng agos pero walang boses na lumalabas sa bibig ko, napayuko ako saka impit na napaiyak, sana man lang sa paraang to, gumaan ang pakiramdam ko.
"Stop crying." napatingala ako sa nagsalita, nakita ko si Greg habang iniaabot sakin ang isang puting panyo, "salamat." sabi ko na lang saka to kinuha at ginamit.
"That's not the Alona Alzalde I used to know." sabi nito, napangiti ako... Masyado nga naman akong palaban noon.
"Gusto mo bang gawin natin ulit yong ginagawa natin noon?" napakunot-noo ako, napasunod na lang ako nang hilain niya na ako papasok ng sasakyan.
Parang nagbalik agad ang mga ala-ala ko kay Greg...
"Isigaw mo lahat." sabi nito sakin habang nakapamulsa.
Ngumiti ako, napatingin ako sa paligid, nasa pinakamataas na bahagi kami kaya kitang-kita ko lahat, ang mga puno sa ibaba pati ang mga naglalakihang building na kung titingnan mula dito ay tila langgam na lang...
"Sige na..." sabi ulit ni Greg.
"Lance... Nakakainis ka! Mahal naman kita ah! Bakit ayaw mokong mahalin? Bakit yan pang mga babae mo na angpapangit naman!" napatigil ako nang makarinig ng tawa.
"What?" paglingon ko kay Greg.
"Pft... I-I'm sorry, pati ba naman dito, manlalait ka pa?" sabi nito habang tumatawa.
"Wag kang tumawa, iba ang nilalarawan ng yong mga mata." sabi ko dito, na ikinatahimik niya.
"Ikaw naman ang sumigaw." sabi ko dito.
"Tapos na, naisigaw ko na kahapon pa." so ibig sabihin pumupunta parin siya dito.
**
Medyo may kalayuan sa pinuntahan namin kaya nakarating ako ng bahay mga alas-otso na...
"Eto ba ang tamang oras ng pag-uwi ng isang babae may asawa?" napatigil ako ng magsalita to.
Di na ako umimik, sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad, "wag na wag mokong tatalikuran, san ka galing? Ay mali... San KAYO galing?!" nanlilisik ang mga mata nito habang hawak-hawak ang braso ko.
"Gusto ko ng magpahinga Lance." malamig kong sagot.
Nakita ko kung papano magtagis ang mga bagang nito, "remember this Ashley, wag na wag mong ipapakita sakin na sumasama ka sa gagong yon, masama akong magalit." pagbabanta nito, saka ako iniwan at umakyat na to sa sariling kwarto.
Pasalampak akong naupo sa sahig, ano bang gusto niyang mangyari...