Chapter 7 Casanova

1973 Words
Ashley Alzalde "Move a little bit...yah right there... There... your hand on her waist...lower... Lower Drake lower.." utos nung bakla samin.  "Drake, look into her eyes, with lust..." utos nito kay Drake. "Okay, same look Ashley then open your mouth in a very seductive way, put your left hand on his nape and the other will be on his chest... That's it, perfect!" sunod-sunod na sabi nito bago kami kinunan ng litrato.  ** "Ash..." napalingon ako nang tawagin ako ni Drake. Nginitian ko lang to saka isinara ulit ang pinto ng kotse, "sayang di na kita mahahatid kasi nagdala ka na." sabi nito na para bang nanghihinayang talaga. Ngumiti lang ako, "kelangan eh, at saka di pwedeng gabihin ako." sagot ko dito. "Higpit kasi nung pinsan mo e no?" sabi nito na ang tinutukoy ay si Lance, pinaniwala ko kasi siyang pinsan talaga kami, bawal kasing may makaalam na kasal na kami. "I need to go Drake." paalam ko dito sabay tingin sa wrist watch ko. Kumaway lang to kaya sumakay na ako at umalis na. Habang nasa daan ay napaisip ako, mula nung nagtapat ako, panay na ang uwi ni Lance ng hating gabi, kung minsan ay higit pa, hindi rin siya umuuwing di lasing, isang linggo na mula nang sabihin ko yon kaya isang linggo na rin na para bang wala kaming imikan, walang away...wala lahat.  'Sino kaya ang kasama niya kagabi? Sino kaya yong lagi niyang katawag?' mapakla na lang akong napatawa sa isiping yon... "Now you look so stupid, Ashley." sabi ko sa sarili sabay pitik sa sariling noo.  Agad kong ipinark ang sasakyan sa garage hiwalay sa mga sasakyan ni Lance. Kukunin ko na sana ang susi ng bahay sa bag para buksan ang pinto nang mapansin kong bahagya itong nakabukas. Napakunot-noo ako, tutuloy na sana ako kaso napatigil ako nang may marinig na ingay. "Howell.." boses ng isang babae, napakagat labi ako, kinukutuban ako ng di maganda, hindi ko inaakalang uuwi siya ngayon ng ganito kaaga at ang masama pa... Tila may higad pang dala. Para na akong nanginginig sa galit pero pilit kong pinapakalma ang sarili, "gusto mo bang ipagtimpla kita ng juice?" rinig kong tanong ng babae habang tumatawa, para bang naghaharutan sila. Sumilip ako sa siwang ng pinto at mula dun ay nakita kong pabalik na ang babae habang may bitbit na dalawang baso ng juice, napangiti ako habang may nabubuong plano... "Welcome to hell." kinakausap ko ang sarili ko. Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong nakaupo si Lance sa sofa, nakasandal ang ulo at nakapikit, sakto namang paparating ang babae...  "Oh honey, napagod ka siguro sa kakatrabaho." malabing kong turan kay Lance saka siya hinalikan sa labi, agad nagdilat ng mata si Lance at bakas ang pagkabigla dito, "makikisabay ka sa trip ko hayop ka, o isusumbong kita kay lolo na nagdala ka ng higad dito?!" bulong ko sa kanya, di pa rin to nakapagsalita kaya kumandong na ako papaharap sa kanya, nabigla siya sa ginawa ko nang makaupo na ako sa lap niya at nakaharap sa kanya habang itinutukod ang mga kamay sa kinasasandalan niya, nakita ko siyang ngumisi bago ako siniil ng halik, we are torridly kissing, habang mas nagiging malikot na ang mga kamay nito. Ang saya siguro kong totoo to, kung siguro mahal niya ako, sana nga lang ako na lang... Sana. "What's the meaning of this Howell!" singhal nung babae, napalingon ako dito, ibang babae nanaman to, 'definitely a Casanova huh.' sabi ng isip ko. "Oh, ito ba ang bago nating maid honey?" nakangiti kong sabi kay Lance. "Salamat sa juice, pakilagay na lang diyan." sabi ko sa higad. "What?!" di makapaniwalang sabi nito. "Honey, ba't ka naman nag hire ng binging alalay." sabi ko kay Lance, titig na titig lang sakin si Lance ngunit di ko mabasa ang mga pinapahiwatig nito.  "Anyway, pakidala na lang niyang bag ko sa kwarto namin ng ASAWA KO." nakangisi kong sabi habang binibigyang diin ang 'asawa ko'. "And wait pati na rin tong sapatos ko.." sabi ko habang tinatanggal ang six inches high heeled shoes ko saka sadyang ibinato sa kanya. "Sorry yaya." sarkastikong turan ko dito nang tamaan siya ng sapatos na binato ko.  "This is b*llsh*t, you're married?!" di makapaniwalang sabi nito kay Lance. Di naman umiimik si Lance, "obviously." ako ang sumagot. "I hate you!" singhal nito kay Lance saka tumakbo palabas habang umiiyak. Mataman akong tinitigan nito kaya naisipan kong umalis na sa pagkakakandong sa kanya. "Sa susunod na magdadala ka ng babae dito, sobra pa diyan ang gagawin ko." pagbabanta ko. "Sa susunod na gawin mo yan ulit sa babaeng dadalhin ko, mapipilitan akong ipahiya ka sa harap nito." napatigil ako sa sinabi niya, mapakla akong napangiti, siguro nga ganito niya ako kaayaw. Di na ako sumagot sa halip ay umalis na ako at umakyat sa sariling kwarto. Inilock ko ang pinto saka dumiretso sa shower room, hinahayaan ko lang dumaloy sa buong katawan ko ang malamig na tubig, "ano na bang nangyayari sakin? Minahal na kita, sasagarin ko na." kinuha ko na ang towel saka ibinalot sa buo kong katawan. Matapos makapagbihis ay bumaba na ako para makapagluto, nang matapos sa pagluluto ay hinanap ko si Lance pero wala siya, tiningnan ko ang parking lot at wala dun ang isa sa mga sasakyan niya, ibig sabihn ay umalis siya. Di ko na siya mahihintay kaya kumain na lang ako mag-isa... Mag-isa nanaman. Tinirhan ko na lang ng pagkain si Lance bago ako umakyat. ** Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock, dali-dali akong bumaba dahil kinakailangan ko pang magluto ng agahan, pero katulad kagabi walang Lance na nagpakita, di rin nagalaw ang itinira kong pagkain. Nawalan na ako ng ganang magluto kaya bumalik na lang ako sa itaas para maligo at magbihis.  ** Agad kong ipinark ang sasakyan sa parking lot ng kompanya, paalis na sana ako nang may makaagaw ng atensyon ko, hindi ako maaaring magkamali, sasakyan ni Lance ang nakapark sa di kalayuan.  'Anong ginagawa niya dito?' I asked myself. Nagsisimula ng mag-ensayo ang iba kaya naupo muna ako sa tabi, nilapitan naman ako ni Stacy... "Alam mo bang may bagong salta dito?" panimula ni Stacy saka tumabi sakin. "Really?" di makapaniwalang tugon ko. "Yeah, nakikita mo ba yang nasa runway?" sabi nito habang inginunguso ang isang babaeng may mahaba at tuwid na buhok, tama siya, bago nga to sa paningin ko. "She's Erica, ang arte-arte nga, napaka OA, laging nagpapapansin sa mga model nating lalaki lalo na sa papa Drake ko." sumbong nito na ikinatawa ko. "Baka nababagohan pa kaya nagkakaganyan." ang sagot ko. "Ang sabihin mo... nagpapaimportansya kasi laging nakadikit dun sa may-ari ng kompanya... Ang gwapo pa naman nun, di sila bagay." umaakto pa tong umiiyak na para bang nanghihinayang. Nagtaka ako, e ang tanda na nung may-ari ng kumpanya, ang sama naman ng panlasa nitong si Stacy, pinagnanasaan niya pa si Mr. Chua e mas matanda pa yon kay lolo Alberto, pero wala ng mas sasama pa sa panlasa nitong sinasabi niyang Erica e lagi ba namang nakadikit dun sa matanda. "Kay Mr. Chua?" tanong ko dito. "Oo nga pala, di mo pa pala alam noh na may bago ng nagmamay-ari nitong kompanya, absent ka kasi ng absent." sabi nito na para bang sinisisi pa ako. "Bago?" ilang araw nga lang akong nawala pero parang ang dami ko ng di alam. "Yes, Mr. Monteverde raw? Super hot pa naman, sarap kagatin!" sabi nito habang itinuturo ang lalaking mahal ko.  "Lance..." wala sa isip na sambit ko.  "Kilala mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Stacy. "Oo, asa..." natigilan ako sa pagsasalita nang dumating si Drake. "Hey Ash, andito palang pinsan mo oh." sabi ni Drake habang itinuturo nito si Lance. "Oh emmmm... Pinsan mo yang super hot papa na yan?" parang kinikilig pa si Stacy habang sinasabi yon, "pakilala mo ko." sabi nito habang kinukurot ako. "Akala ko ba si Drake sayo?" pambibisto ko, natigilan silang dalawa pareho. Sinundan ko ng tingin ang bagong modelo, kumakaway pa to kay Lance at si Lance naman ay ngiting-ngiti dito. Mariin akong napapikit, mukhang mapapasabak nanaman ako sa gyera nito. Tinawag na ako ng manager namin, kami na ang susunod, tumayo na ako para magbihis. Nakahanda na akong rumampa sa runway at sa dulo kitang-kita ko si Lance at yong linta na nakapulupot sa kanya. Rumampa ako sa runway, rumampa ako na tila ba walang nakikita, kapag nasa runway ako, nag-iiba ang mundo ko, nakakalimutan ko ang mga bagay na tinatakasan ko, dahil akin ang runway kaya nga binansagan akong... Howell Lance's POV  "Goddess of runway..." napalingon ako sa baklang nagsalita sa tabi ko. "What?!" tanong ko dito. "We call her, 'goddess of runway.'... That perfect body, dazzling captivating eyes and her seductive red lips, anyone will surely be bewitched by her charm, she's our very valued model Mr. President." sabi nito sakin. Napabalik ang tingin ko kay Ashley, tila nga iba siya at nang mapadako ang tingin niya sakin... It strikes me, hindi ko magawang basahin ang mga nilalaman nun... malayo sa mga titig nito nung sabihin niyang mahal niya ako.  She paused then after that nakita ko ang paglabas nung lalaki, yong nagpakilalang Drake. Napakagat labi ako nang haplosin nito ang braso ni Ashley at hinawakan ang kamay niya, inikot niya ito saka hinawakan sa bewang habang si Ashley naman ay nakahawak sa pisngi nito, inilapit nito ang mukha sa mukha ni Ashley na tila ba hahalikan niya... Hindi ko alam pero parang nahihirapan akong huminga, "Break!" sigaw nung bakla na sa tingin ko ay ang manager. Natigil naman ang lahat na para bang walang nangyari, doon lang ako nakahinga.  Ashley's POV  Pauwi na ako ng bahay ngayon, kanina nung nasa trabaho ako, pilit kong iniiwas na magkatagpo ang landas namin ni Lance at nung babae niya, kahit pa kitang kita ko ang nakakadiri nilang paglalandian sa labas.  Pagdating ko ng bahay, nadatnan ko si Lance at yong babae niya na nakakandong sa kanya, akma na siyang hahalikan nung babae ngunit natigil lamang nang magsalita ako, "wow! nalate lang ako may pumalit na sa trono ko." sarkastikong turan ko. "Oh, nakauwi ka na pala?" nakangiting sabi ng babae niya, halatang nagbabait-baitan. "Hi, I'm Erica..." sabi nito habang inilalahad ang kamay saka ako tinaasan ng kilay. "Alam ko." tinaasan ko rin to ng kilay. "Dati ka bang lalaki? Eric ang pangalan mo tapos nang maging babae ka, naging Erica na?!" mataray kong sabi. "Ashley!" singhal ni Lance sakin. "It's okay Lance... Lahat naman talaga nagtatanong ng ganoon, at karapatan yon ni Ashley." sabi niya kay Lance, aba, talagang ang plastic ah! Nang makaharap to sakin ay nginisihan ako nito, di naman kasi makikita ni Lance dahil nasa likuran siya ng malanding kaharap ko. "Ano ka ba, totoo to..." sabi nito saka bahagya pang tumawa na para bang naaaliw siya sa usapan namin.  "Ayokong maging mapanlait, pero pangit ka!" sabi ko dito na ikinagulat niya, halatang nasaktan siya sa sinabi ko, dapat lang yon. Nakita ko ang agad na pagtayo ni Lance. Galit...yon ang emosyon na rumihestro sa mga mata nito, hinablot niya ang braso ko saka ako kinaladkad, nakita ko pa ang pagngisi ng babae niya. "Stop it!" sigaw nito sakin. "Gusto mo akong tumigil? Tigilan mo na ang pagdadala ng mga babae." sagot ko dito. "Pinapakialaman mo na ang buhay ko." matigas na sabi nito. "Maghalikan, magharutan kayo sa labas kahit sa harap ko.. Pero wag lang sa pamamahay na to, kahit kunting respeto na lang sa pagiging kasal ko sayo." puno ng hinanakit na sabi ko dito. "Ashley.. I, I want to clear something, we didn't marry for love, isa lang yong kasunduan." sabi nito sakin, napakagat labi ako para magpigil ng emosyon. "Pero mahal na kita Lance." sabi ko dito. "Hindi ko na yan kasalanan." malamig na sabi nito bago ako iniwan. Tinungo ko ang kusina para kumuha ng tubig, sakto namang andun si Erica.. "Minsan talaga, sa sobra nating palaban, nagmumukha na tayong walang pinag-aralan." pagpaparinig nito sakin.  "Minsan rin sa sobrang kalandian nagiging kirida ka nang di mo nalalaman." patama ko dito, aanhin ko naman ang pinag-aralan ko kung karapatan ko na ang inaapakan dito.  "Alam mo.. Kawawa ka, kasi asawa ka nga, pero mas pinipili niyang maghanap ng iba." mapang-uyam na sabi nito, so alam niyang mag-asawa kami, nakikiapid parin siya. "Mas kawawa ka... Kasi ginagamit ka lang niya, kahit papano, maswerte parin ako kasi di niya naisip na paglaruan ako." I smirked, saka ko siya nilagpasan. Laking gulat ko ng sampalin niya ako, napahawak ako sa pisngi ko kaya sa sobrang inis ko ay sinuntok ko to dahilan para dumugo ang ilong nito, "ouch!" sigaw nito. Agad kong hinila ang buhok nito patayo, "kaya kitang balatan ng buhay g*g* ka!" pagbabanta ko. "Ashley!" napatingin ako sa tumawag. "Bitawan mo siya!" utos nito sakin. "Pero Lance..." he cut me off. "Shut up!" napatigil ako sa sigaw niyang yon. "Sinampal niya ako!" pangangatwiran ko. "I know you Ashley." sabi nito sa mababang tono. "Kilala mo na nga ba talaga ako?" malungkot kong sagot. "Kilalang-kilala." sabi nito saka binuhat si Erica palabas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD