Chapter 6 Her Confession

2928 Words
Ashley Alzalde "Where's Alexa?" pagtatanong ni Lance nang makababa sa hagdan habang may dala-dalang papel. Nagkibit balikat lamang ako, ano bang paki ko dun. "What did you do?" nagbabanta na ang galit da boses ni Lance. "Wala." tipid kong sagot habang pinupulot ang baso na natapon ni 'Alexa the b*tch' kanina... Dali-dali tong bumaba saka lumapit sakin at hinablot ang braso ko, "I know you did something kaya umalis siya!" pagtataas nito ng boses. "Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa." pamimilosopo ko. "Stop being childish Ashley!" nanlilisik na ang mga mata nito. "Now, I'm being childish?! Then what do you call that stupid b*tch named Alexa?!" singhal ko rin dito. "Watch your mouth, Ashley!" sabi nito. Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang nagring ang phone niya... "Alexa..." rinig kong sabi ni Lance. Hindi ko man marinig kung ano ang pinagsususumbong nung babaeng baliko ang paa ay alam kong masama ito base sa mga tingin ni Lance, alam kong lagot nanaman ako. Nakita kong ibinaba ni Lance ang phone saka inilagay sa bulsa, nakapamulsa lamang to habang nakatingin sakin bago napatingala at saka bumuntong hininga. "You broke a lot of rules. Rule #2,#7 and #8" malamig na sabi nito saka hinablot ang kamay ko at kinaladkad papuntang kwarto. "Hindi ka lalabas hanggat hindi ko sinasabi." matigas na sabi ni Lance saka akmang ila-lock ang pinto. "Wait!" pagpigil ko. "What?!" inis na tanong nito. "Hehe, pagkain ko?" pagtatanong ko, okay lang ikulong niya ako dito basta may pagkain lang. "Maghintay ka hanggat sa dumating ako." sagot nito. "Ano?! Anong oras ka darating." nangangamba kong tanong. "I don't know?" nakangising sagot nito. "P-pero... Lance!" napasigaw na lang ako nang isinara niya na ang pinto at inilock. Napangiti ako nang buksan niya ulit to, "give me your phone." sabi nito. Ayaw ko sanang ibigay kaso baka magalit nanaman, matapos kong ibigay ay isinara na nito ang pinto. "Lanceee!" sinipa, pinukpok, hinampas, nagawa ko na lahat-lahat sa pinto pero wala pa rin. Ngayon pa nga lang kumakalam na ang sikmura ko pano pa kaya mamaya, hindi ko kayang tumagal nang di man lang nakakakain. Nagsisisi tuloy ako kung bakit di ako naglagay ng pagkain dito sa kwarto ko. "Hindi ka naman siguro magtatagal." sabi ko sa sarili ko na ang tinutukoy ay si Lance. Nahiga ako sa kama habang hawak-hawak ang tiyan hanggang sa nakatulugan ko na lang ang gutom. Nagising ako bandang alas-sais, "wala ka pa rin ba?" nasabi ko na lang sa sarili ko. Nababagot na ako dito sa loob, sobrang gutom na rin ako. Tumingin ako sa bintana pero walang pwedeng madaanan. Nagsisimula na akong makaramdam ng panghahapdi ng tiyan at pagsakit ng ulo... Howell Lance Monteverde "Pare bar tayo?" pag-aaya sakin ni Clint. "Wag na muna, pupuntahan ko pa ang resort ko nagkaproblema raw." sagot ko dito. "Di ba pwedeng ipagpaliban yan? napapansin ko lang, nitong mga nakaraang araw e panay ang uwi mo sa bahay mo ah, don't tell me may inuuwian ka na?" pagbibiro nito. Doon ako napatigil, si Ashley pala nakakulong run, pero she must learn her lesson. "Sige, bar tayo." pagpayag ko. *** Naparami ang inom ko kaya nagpaalam na ako, "u-uwi na ako." sabi ko kay Clint. "Kaya mo bang magdrive?" nag-aalalang tanong nito. "O..." napalakas ang tama sakin nitong inumin na to ah... bago pa ako makalakad ng dalawang hakbang ay ramdam ko na ang pagbagsak ng katawan ko. "Ash...ley..." ang tanging nasabi ko saka ko narinig ang pagtawag sakin ni Clint. *** Bigla akong nagising nang makaramdam ng sakit, nahulog pala ako sa sofang tinutulugan ko, napatingin ako sa paligid, hindi pamilyar sakin ang bahay. "Magkape ka muna bro, natamaan ka talaga." iiling-iling na sabi ni Clint, habang inaabutan ako ng isang tasang kape. Umiling lang ako saka sinuklay ang sariling buhok gamit ang kamay bago tinanggap ang kape. "Where's my car?" pagtatanong ko. "Nasa garage na, pinakuha ko kay justin." sagot nito. "Grabe, pasensya na talaga..." paghingi ko ng paumanhin. "Di ka na iba, bro. Siya nga pala, bago ka nawalan ng malay kagabi may sinabi kang pangalan, sino yon ha?" pagtatanong nito habang sumisilay ang isang pilyong ngiti, napakunot-noo ako. "..ano nga ba yon? A... Ash... Ashley?" pagrerecall nito. Doon na ako kinabahan, parang binuhusan ako ng isang baldeng tubig na nagyeyelo sa lamig... "Sh*t!" I cursed, nang maalala kung ano ang nakalimutan ko, napatingin ako sa relo... "D*mn, its 2:30 pm." inis akong napasabunot sa sariling buhok. "I need to go." sabi ko na lang saka iniwan ang kaibigan ko. Sa daan, halos paliparin ko na ang sasakyan, "f*ck you Lance!" I cursed myself, grabe ang haba naman ng tulog ko. Pagdating ko sa bahay, halos takbuhin ko na ang kwarto ni Ashley, dali-dali kong binuksan ang silid niya at tumambad sakin si Ashley na walang malay at nakahiga sa sahig. Agad ko tong nilapitan, nanlalamig ang katawan ko nang makita ang kalagayan niya, putlang-putla na siya habang nanlalamig naman ang mga kamay niya. "Sh*t! wake up." I cursed, mahina kong tinatapik ang pisngi niya para magising siya pero ayaw, kinarga ko to saka inilagay sa kama, dali-dali akong bumaba saka nagluto ng makakain niya, nakabiak pa ako ng pinggan sa sobrang pagmamadali. Agad kong dinala sa kanya ang inihanda ko at pinakain siya. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain... "Yon ba ang kaya mong gawin dahil lang sa galit ka." tanong ko dito habang nakapamulsa. Tumingala to sakin, ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang mga mata nito, "mali ka, yon ang kaya kong gawin... dahil mahal kita." natigilan ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang bumalot sakin, hindi ko maipaliwanag... Ang alam ko lang, hindi maaari. Ashley Alzalde "Yon ba ang kaya mong gawin dahil lang sa galit ka." tanong nito sakin habang nakapamulsa. Tumingala ako sa kanya, may kakaiba sa mga titig nito, "mali ka, yon ang kaya kong gawin... dahil mahal kita." nakita kong natigilan siya, lakas loob ko na lang tong sinasabi, nasa sa kanya na kung itataboy niya. "We talked about that... I told you not to fall, I will never be there to catch you." sabi nito sa matigas na tono, may kung anong kirot ang tumama sakin. "Bakit sa iba mo pa hinahanap? Andito naman ako... ako na lang sana Lance." sagot ko, I sound so pathetic but he must know before it's too late. "I said no! I can't love you!" bakas ang galit sa mga mata nito. "But...but why?" pagtatanong ko. "Simply because I can't." malamig na sabi nito saka akmang tatalikod na. "Dahil ba ang kakambal ko ang mahal mo? Dahil ba hindi ako si Aliya?" parang maiiyak na ako pero pinipigilan ko lang. "Kung si Aliya ka lang sana..." sagot nito. "Pero bakit yong mga babae mo? Bakit sila? Bakit hindi ako?" sunod-sunod kong tanong. "Dahil hindi ka nakakaaliw paglaruan." sagot niya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan. "Ba't hindi mo ko paglaruan?!" panghahamon ko, napatigil to sa sinabi ko. "Dahil kapatid ka ng babaeng mahal ko." sagot nito bago tuluyang umalis, mas masakit pa pala ang sagot na yon. Naiwan ako mag-isa sa kwarto, oo, nasasaktan ako pero hindi ako umiiyak, para sakin ang pagluha ay isang kahinaan... Isang kasuklam-suklam na kahinaan. Mas pinipili kong kimkimin ang sakit pero kailangan ko ng mapagpaparausan... 'Kaya wag kang magkakamali Lance na magdala ng babae mo at baboyin ang pagiging kasal ko sayo.'. Alam kong mahal niya ang kakambal ko pero ni katiting ay hindi ako nagalit sa kapatid ko, alam ko kung gaano kamahal ni Lance si Aliya...saksi ako hanggang sa maikasal si Aliya kay Cadden na pinsan ni Lance ay andun si Lance, nakatingin sa malayo at umiiyak... Para akong hinihila ng nakaraan kung saan ko unang naramdaman ang kakaibang pagtingin ko kay si Lance... Araw ng kasal ni Aliya at ni Cadden... "G*d! bakit ngayon pa?!" napakagat labi ako sa sobrang nerbyos. Hindi ko inaasahang dito ko makikita si Greg, no!, hindi dapat...a-ayoko. Nang matapos ang kasal kanina ay dali-dali akong umalis upang mauna sa lugar na paggaganapan ng reception. Hindi ko parin malimutan ang mga titig sakin ni Greg, bakit ngayon pa?! Unti-unti ng dumarating ang mga tao sa bulwagan, nakita ko ang pagdating ni Greg na para bang may hinahanap, kaya nagkubli ako sa mga tao. Nagpalinga-linga ako kung may malilipatan pa ba ako dahil papalapit na siya sa kinaroroonan ko. Kunti na lang talaga at makikita niya na ako, wala akong ibang nagawa kundi ang umatras, kunti na lang talaga... Ayan na siya, atras lang ako ng atras hanggang sa may nabunggo ako, rinig ko tong nagmura kaya napalingon ako, si Lance pala, magkukubli pa sana ako pero huli na dahil nakita na ako ni Greg. "Alona!" sigaw nito saka nagmadaling nilapitan ako, dali-dali kong isiniksik ang mga kamay ko sa braso ni Lance and when I saw Greg in front of us, I tiptoed just to reach Lance's lips and kiss him. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Lance pero ako naman ang pinanlakihan ng mata nang pumikit to at siniil ako ng halik, malambot ang mga labi nito, nagising lang ako nang putulin na nito ang halik. Blangko akong napatingin kay Greg nang makita ko tong nakatingin samin, "a-anong namamagitan sa inyo?" tanong nito samin. Ewan ko ba pero parang hindi ako makasagot kaya siguro si Lance ang sumagot. "Wala." cold na sabi nito, ay tanga... tanga ka talaga Lance kahit kelan! nanggigigil na ako kay Lance dito sa sobrang inis. Nakita kong kumunot ang noo ni Greg, "then why did you kiss her?" tanong nito. "Anong paki mo?! Gusto ko lang siyang halikan." maangas na sabi ni Lance kay Greg. Nakita kong nanigas ang mga bagang ni Greg pero hindi na to sumagot. "Alona, let's talk." pakiusap nito sakin saka hinawakan ang kamay ko, nang biglang magsalita ang emcee... Naramdaman ko na lang ang pag-agaw ni Lance sa kamay ko mula kay Greg saka ako hinila papunta sa mga mesa, "pare..." matigas na sabi ni Greg habang nakawak sa balikat ni Lance na para bang pinapatigil niya si Lance, nilingon siya ni Lance saka nagsalita, "can't you wait?, respetohin mo naman ang kasal. At pwede ba wag mo kong hahawakan, ayokong hinahawakan ako ng kung sino-sino lang." mapang-uyam na sabi ni Lance. *** "Tanga ka talaga!" bulyaw ko dito nang makalayo na kami. "Tumahimik ka!" matigas na utos nito sakin. "Hindi ako tatahimik! Ang tanga mo! Kung nagkunwari ka na lang na tayo, e di sana di na siya bubunto't-butot sakin!" paninisi ko dito. "Sabi ng tumahimik ka!" bulyaw nito sakin. "Hindi ako tatahimik... Naiinis ako say..." naputol ang sinasabi ko. "Ibibigay kita!" pananakot nito sakin. "Sige, edi ibigay mo, wala naman ng kwenta to..." pinutol niya ulit ang pagsasalita ko. "Tumahimik ka sabi... Hahalikan kita!" pananakot ulit nito. "Aba, aba... Nakatikim ka lang ng halik, namimihasa ka na... Hoi! hindi ako tatahimik, hindi mo ako matatakot!" napansin kong tumigil kami sa paglalakad. "Hindi ka talaga tatahimik?" pagtatanong nito sa malamig na tono na sinagot ko lang ng iling. Nakita ko tong ngumisi saka nagwika, "Okay pagbibigyan kita. mamili ka, hahalikan mo ko o hahalikan kita?" napanganga ako sa tanong niyang yon. "Baliw ka ba? para na ring di mo ako pinapapili nun!" bulyaw ko dito, natigil lang kami nang may tumawag samin, dinilaan ko to sabay irap saka nagmadaling tinungo ang harap ng stage. "May utang ka na sa akin." rinig kong sabi nito na di ko na lang pinansin. *** Throwing of wedding garter and bouquet na pala... Pinagtipon kaming lahat na mga babae sa gitna, ayoko ngang sumalo di naman ako naniniwala sa mga ganyan, pero ewan ko ba kung tadhana o sadyang malas lang talaga dahil sakin tumama ang bouquet at sa mukha ko pa talaga. Ayoko namang maging KJ kaya binitbit ko na. "OMG? ang swerte niya naman... Ang gwapo pa namang nong nakasalo ng garter..." tilihan ng mga babae. 'Ang lalandi, ano te? nagmamadaling ikasal?' mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Dinala ako sa gitna only to see Lance holding the garter. "We have our next Bride and Groom..." napangiwi ako sa sinabi ng emcee nakita kong inirapan lang ako ni Lance. Nagsalita ulit ang emcee, "so how do you want it? Hot or cold?" tanong nito sa mga tao, nagtaka ako kung anong ibig sabihin... "...pag cold ang pinili niyo ibig sabihin simpleng isusuot lang ng groom to-be natin ang garter sa legs ng bride to-be natin, pero kapag hot... It will be the other way around, dahil imbes na kamay niya ang gagamitin, bibig niya ang gagamitin para maisuot yon." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, tiningnan ko si Aliya na para bang nagmamakaawa pero nginitian lang ako nito na para bang sinasabing 'okay lang, katuwaan lang naman.'. "So what do you want?" sigaw ng emcee sa mga tao... Wag naman sanang 'hot' ang piliin nila, pero siguro nga sadyang akin talaga ang araw na to... "Hot!... Hot!... Hot!" sigaw ng mga tao. Tumawa ang emcee, tumikhim muna to bago nagsalita, "the mob want it hot... So what does our groom to-be want? Are you going to serve it hot or... Cold?" tanong nito kay Lance, ako?, pano ako? Di niya ba ako tatanungin?. Palibhasa bakla, kaya si Lance ang pinapansin niya! Tumahimik ang paligid na para bang inaabangan kung ano ang magiging sagot ni Lance, napangiti ako dahil alam kong cold ang pipiliin niya. Nakita kong bahagyang ngumiti si Lance saka ipinitik ang kamay sa ere, "Hot!" nakangising sabi nito. Napanganga ako nang marinig yon habang nabalot naman ng tilian ang paligid. Pinaupo ako sa isang upuan, para lang akong puppet na pinapagalaw nila dahil lutang parin ako. "Ready?" mahinang tanong ni Lance sakin pero ewan ko ba dahil parang may ibang pinapahiwatig ang tono nito. Alam kong samin nakatoon ang atensyon ng lahat. He bend his one nee saka tinanggal niya ang soot kong six inches high heeled mary jane shoes saka inilapag sa sahig. Iniangat niya ang laylayan ng gown ko exposing my legs in front of him. 'Damn! ba't ba ang init-init dito!' I screamed at the back of my mind, ramdam ko ang init ng mga kamay nito habang isinusuot sakin ang garter at itinigil hanggang tuhod. Tumingin muna siya sakin bago yumuko, ramdam ko ang init ng hininga niya bago nito kinagat ang garter paitaas, napasinghap ako nang marinig yon at naririnig ko ang mga impit na sigaw ng mga nanonood. "Higher!" sigaw ng mga tao nang makitang tumigil si Lance. Sumunod naman to saka kinagat ulit ang garter, parang may boltaheng dumaloy sa katawan ko nang sumayad ang mga labi niya sa balat ko. "Higher!" sigaw ulit ng mga tao, rinig kong tumawa siya nang magmura ako dahil masyado ng mataas ang garter, pinapaangat pa nila. Bago siya natapos ay bahagya niya pang kinagat ang hita ko saka siya nag-angat ng tingin sakin, pawis na pawis siya habang ako pulang-pulang na. Napalunok ako nang bahagya niyang kagatin ang pang-ibabang labi. Ibinaba niya ang gown ko saka isinuot sakin ang sapatos ko. Akala ko'y tapos na dahil tumayo na siya, tumigin siya kay Greg saka yumuko, "can I get the payment?" sabi nito, napakunot-noo ako nang marinig yon, di ko alam kung ano ang ibig nitong sabihin. "May utang ka diba? Kanina?" nakangising sabi nito, yong halik ba ang tinutukoy niya? Seriously?! Bago pa ako makapalag ay siniil niya na ako ng halik. Saglit na tumahimik ang paligid bago umalingawngaw ang impit na tilian. Tulala parin akong nakaupo nang iwan ni Lance. Bago pa may makapansin sakin ay tumayo na ako, nangangatog man ang tuhod ay tumakbo na ako pabalik sa sariling upuan , ininom kong lahat ang tubig na nasa baso dahil parang tinutuyuan na ako ng lalamunan. "Heart ba't ka ba nagiging abnormal?!" parang tangang kinakausap ko ang puso ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang pagkahulog ng baso, pinulot ko to saka bumaba para hugasan. Habang naghuhugas ng pinagkainan ko ay di ko maiwasang maisip ulit kung papano talaga kami dumating ni Lance sa puntong pagpapakasal... Lumabas ako para magpahangin, malamig naman sa loob pero iba talaga kapag sariwa ang hangin. Napatigil ako nang makita si Lance na nakaupo sa may gazebo, sinundan ko ang tinitingnan nito at nakita kong si Aliya ang tinititigan nito, hindi ko alam sa sarili ko pero parang sumisikip ang dibdib ko. Naaawa ba ako?, alam kong gustong-gusto niya si Aliya at alam kong nasasaktan siya... Bilib lang talaga ako sa taong to, tunay siya kung magmahal dahil handa siyang magparaya at masaktan, lumigaya lang ang minamahal niya. Lumapit ako sa kinaroroonan niya pero hindi ako umimik, naupo ako sa tabi niya pero nag-iwan ako ng distansya sa pagitan naming dalawa. "Kinausap ka ba ng lolo?" siya ang unang bumasag sa katahimikan. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang alok ng Don na magpakasal kay Lance, nais ng Don na ako ang maging asawa ni Lance dahil kilala niya na ako. Di ko to sinagot kaya nagpatuloy to, "wag kang pumayag, I warn you, hindi magiging masaya ang buhay mo kasama ako." may pagbabanta sa boses nito kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin pa rin siya kay Aliya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang luhang dumaloy mula sa mamula-mula nitong mga mata. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pero bigla na lang akong naluha ng makita ang ganoong senaryo, alam ko... Alam kong nasasaktan siya. "Hindi naman ang kaligayahan ko ang isyu dito." sagot ko. "Basta sinabihan na kita, wag kang papayag." sabi nito, saka tumayo at iniwan ako. Totoong kinausap ako ng lolo ni Lance, gusto niyang pakasalan ko si Lance, nabigla ako nang marinig yon, pero naisip kong yon ang tanging paraan na makakabayad ako sa kabutihang loob ng Don sa amin ng kapatid ko, bagay na gumugulo sa isip ko dahilan para magdalawang-isip ako na tanggihan ang alok na ito. *** Nagbalik na ang diwa ko sa kasalukuyan, pinunasan ko ang mga kubyertos at pinggan na hinugasan ko. Paglabas ko ng kusina ay nakita ko si Lance na nanonood ng TV, lumapit ako at akmang uupo sa tabi niya pero umalis agad siya. Mga ilang minuto rin akong nakatunganga sa sala bago ko naisipang pumunta sa garden, pero nang makita ko si Lance dun ay di ko na lang itinuloy alam ko namang iiwas parin siya. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cell phone ko kaya dinukot ko to, buti na lang isinauli na ni Lance... 1 notification... Drake Ba't wala ka kanina? Pati si stacy di alam kung asan ka, tawag ako ng tawag di ka naman sumasagot. I missed you. Ang sweet ni Drake pero di ko magawang ngumiti, kanina pa siya tumatawag? Eh wala nga ang pangalan niya sa missed calls ko. Lumabas na lang ako sa pool area nakita ko naman si akhi na natutulog kaya kinarga ko na to, umakyat ako sa terrace ng second floor kung saan ko madudungaw ang swimming pool, umupo ako sa isang coach saka humarap sa papalubog na araw maganda palang pagmasdan mula dito ang paglubog ng araw...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD