ARAW ng panganganak ni Hannah Reese. Walang tigil sa kakaparoon parito si NK. Kinakabahan siya at nasa dibdib din ang pangamba. Excited siya sa pagkikita nila nag anak pero may takot siya para sa asawa. Lalo at posibilidad na mabiyak ang tiyan nito. “Kuya NK, ganyan talaga pero ang masasabi ko lang huwag kang ma-tense. Normal lang na mangamba ka pero alisin mo sa isipan ang takot. Walang masamang mangyayari sa asawa mo mahihirapan lang talaga siya. Ganun naman talaga ang pinagdadaanan nila kapag nanganganak. At kaya ayaw ka niyang pasamahin sa loob ng delivery room. Upang hind imo masaksihan ang hirap niya sa paglabas ng anak nyo.” Mahabang paliwanag ni CK sa kapatid. “Ikaw ba nang manganak ang asawa mo hindi ka rin pinapasok sa loob?” “Pumasok ako at ayos lang naman kay Aiko payag siya