MAGMULA nang araw na ikinasal sila sa civil nararamdaman ni Hannah Reese laging may sumusunod sa kaniya. Lalo na ngayon patungo silang mag-asawa sa ospital for prenatal check up. Ilang beses siyang lumingon pero wala naman siyang nakitang tao sa paligid maliban sa nurse at staff ng ospital. “Babe, anong tinitingnan mo at kanina kapa lumilingon?” “Parang laging may nakasunod sa atin.” “Wala naman akong napapansin baka kulang ka lang sa tulog sabi lately hindi ka masyadong nakakatulog. Kaya nga kailangan din natin kausapin ang OB-Gyn mo upang mabigyan ka ng tamang advice o kaya ay vitamins.” Wika ni NK, kahit ang totoo ilang beses na rin niyang napapansin ang taong lihim na nakasubaybay sa kanila. Ganun pa man ayaw niyang ipaalam sa asawa upang maiwasan nito ang ma-stress. Pagpasok nila