HININTAY lang ng taga-SA Agencia, na sinundo si Niko Kairo, ng lolo at lola nito. Pagkatapos nang umalis na ang mga ito. Umakyat na sa penthouse ang mga awtoridad. Si Josh, mismo ang may hawak ng warrant of arrest. Siya din ang nag doorbell. At hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. “Airah Micah Matsumoto a.k.a Madam Airah, you're under arrest…” “Sandali, anong ibig sabihin nito at bakit meron akong warrant?” “I’m sorry, ginagawa lang namin ang tungkulin bilang alagad ng batas.” Nang mabasa ni Micah, na siya talaga ang nasa arrest warrant. Hindi na siya nag-protesta pa. Wala na din naman magagawa, isa pa ang warrant ay 5-years ago pa na issued. Sandali lang at may niluluto ako…” “Kami na ang bahala dito sa penthouse. Bago kami umalis ay siguradong secure ang bahay mo.” ani ni Troy.