ANG tinitimping galit ni Micah, ay malapit ng sumabog. Kaya nang makapasok sila sa loob ng penthouse ay dinala niya si Niko Kairo, sa loob ng kwarto. “Anak, stay here, huwag kang lalabas hanggang hindi ako bumabalik, okay?” “Opo, mommy ko.” Hinila ni Micah, pasara ang pinto at binalikan di Liam. Nang makalapit ay malakas niya itong sinuntok sa mukha. “Ngayon ilabas mo ang galit mo sa akin. Sabihin mo lahat ng masamang salita. Ang linis mo eh, sige magsalita ka at huwag kang magpanggap na mabait. Dahil kahit kailan wala na akong pinaniniwalaan sayo!” galaiti sa galit na pahayag ni Micah. Kuyom ang magkabilang kamao ni Liam, sa sobrang inis. Naghahalo ang galit sa sarili at kay Micah. Ang ginawa nitong paglilihim tungkol sa anak nilang si Niko Kairo. “Galit ka dahil hindi ko agad nasab